Harri at Reina

122 2 3
                                    

Si Harri ay isang lalaki na mahilig sa away, lagi siyang nasasangkot sa gulo sa kanilang school, lagi siyang bagsak ang kanyang mga grades, at kilala na din siya sa pagiging pasaway sa school. Si Rom siya ang matagal nang kaibigan ni Harri na lagi niyang kasama magkasama silang lumaki dahil ang kanilang mga magulang ay magkakaibigan, pero si Rom ay matinong estudyante kahit na lagi niyang kasama si Harri, isa din siya sa mga nangungunang estudyante sa kanilang paaralan.

Si Reina naman ay isang babaeng maganda, matalino, lagi siyang nangunguna sa kanyang klase, siya din ang babaeng mamahalin nina Harri at Rom.

!~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~!

Part I

Isang araw si Harri ay naglalakad papuntang paaralan, habang naglalakad meron siyang nakasalubong na grupo ng mga lalaki na mas malalaki at mas matatanda kaysa kay Harri, nagtatawanan ang mga ito kaya naman inakala ni Harri na siya ang pinagtatawanan ng mga ito. Binangga niya ang isa sa mga ito at nagkagulo sila subalit dumating si Rom at inawat ang mga lalaki at humingi na lamang ng tawad sa mga nakabangga ni Harri. Habang papasok ng paaralan nakita nina Harri at Rom si Reina na nag-aaral mag isa. Nilapitan ito ni Harri.

Harri: Hi miss ang ganda ganda mo naman, baket mag-isa ka lang? (sabay akbay kay Reina)

Reina: (tinanggal ang braso ni Harri sa pagkakaakbay) sino ka ba? sorry di ako nakikipag-usap sa di ko kakilala.

Harri: ang sunget mo naman miss. papanget ka nyan. ano nga pala pangalan mo?

Reina: wala akong pake sayo kung sino ka man. tsaka wag mo ko ginagulo at nag-aaral ako.

Umalis bigla si Reina at naghanap ng ibang lugar para mag-aral. Habang nagpapatuloy sa pag-aaral sinundan siya ni Rom at nilapitan.

Rom: Hi. Pasensya ka na miss sa inasal ng kaibigan ko sayo kanina.

Reina: Kaibigan mo pala yun. Hindi halata ha!

Rom: Bakit naman? Mukha ba kong hindi palakaibigan?

Reina: Hindi naman sa ganun. Ibang iba kasi ugali mo kay Harri.

Rom: Ah ganun ba? Pasensya ka na ganun lang talaga yung kaibigan kong yun. Pero mabait talaga yun.

Reina: Okay. Sige aalis na ko may klase pa ko eh.

(Sumunod na araw)...

Magkasabay na pumasok sina Harri at Rom habang naglalakad..

Harri: Rom, nakita mo ba yung babaeng kausap ko kahapon ang ganda niya diba?

Rom: Oo naman, Gusto mo siya?

Harri: Shempre ang ganda ganda nya kaya, Pogi ako Maganda siya bagay kami diba?

Rom: (nagkamot ng ulo) Oo. oo nalang.

Harri: Grabe ka naman kala ko ba magkaibigan tayo?

Rom: Oo na nga eh ayaw mo pa?

Habang naglalakad nakita ulit nila Harri at Rom si Reina habang  nag-aaral.

Harri: Teka lang Rom lalapitan ko lang ulit.

(Nakita ni Reina na naglalakad papunta sa kanya si Harri kaya naman nagmadali itong

magligpit ng gamit niya at umalis, pero sinundan siya ni Harri habang naglalakad.)

Reina: Bakit ba?

Harri: Wala gusto ko lang makita yang mukha mo eh. Di mo manlang ba ako namiss?

Reigna: Bakit naman kita mami-miss ni hindi nga kita kilala eh! Ang kapal naman ng mukha mo!

Harri: Ha? Hindi mo padin ako kilala ako nga si Harri diba? Kinausap kita kahapon nung nag-aaral ka?

Reina: Di kita natandaan eh, Di ka kasi katandatanda!

Harri: Grabe ka naman. Bakit ba ang sungit mo.

Reina: Hindi kita gusto unang kausap mo palang saken napaka yabang mo na! Umalis ka na nga sa harap ko may klase pa ko eh!

Umalis si Harri ng malungkot at naglakad lakad at hindi na pumasok sa klase niya.

                     ******UPDATE (MAY 30, 2013 12:55 AM)*****

Si Reina at Rom ay magkaklase at magtabi sila ng upuan kaya napalapit sila sa isa't-isa habang lumilipas ang araw patuloy ang pagiging malapit nila Rom at Reina, habang makasama si Harri at Rom papuntang canteen...

Harri: Diba magkaklase kayo ni Reina?

Rom: Oo, bat mo natanong?

Harri: Kamusta naman? Magkaibigan mo ba sya?

(walang kaalam-alam si Harri sa kanilang dalawa ni Reina dahil naisip ni Rom na baka magalit si Harri kapag nalaman niya ito.)

Rom: Ah, e hindi eh row 1 ako pero magkabilang dulo kami, kaya yun di kami nakakapag-usap

Harri: Ganun ba? Sayang naman...

Rom: Ha? Baket? Ano nanaman balak mo?

Harri: Gusto ko sana kaibiganin mo sya para pag kaibigan mo na sya magiging magkaibigan nadin kami. (pagkatapos niyang sabihin ay tumawa sya ng malakas)

Rom: Sira na talaga ulo mo. Lakas ng tama mo jan sa babae na yan no?

Harri: Oo eh, kahit na ganito ako mayabang, bulakbol, laging bagsak totoo naman yung nararamdaman ko sa kanya. (Napangiti nalang si Harri)

Ipinatawag ang buong mag-aaral sa kanilang school dahil merong announcement na sasabihin ang kanila punongguro. Mayroong nalalapit na program sa school ang kailangan ay magkakapares at dapat ay lalaki at babae kahit anong section ay pwedeng pumili ng ka grupo. Ang gagawin ay magpasikat at ipakita ang kanila talent ang mananalo ay makakatanggap ng pera at tag-isang medalya.

Natapos na ang announcement pinapasok na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga classroom. Mabilis na nilapitan ni Harri at Rom si Reina upang tanungin...

Harri: Reina meron ka na bang kapares? baka naman pwede mo akong piliin marami akong talento. Kumanta, Sumayaw, kahit anong gusto mo kaya ko! (sinasabi nya ito habang may pagyayabang)

Reina: Wala kong balak na gawin kang kapares!

Harri: Bakit nanaman? Ano nanaman ginawa ko sayo, gusto lang naman kita maging kapareha eh, sigurado kasing marami kang talento kagaya ko.

Reina: Ang yabang mo talaga! ayoko nga sayo, tsaka mayroon na akong kapares! (napatingin siya kay Rom)

Rom: (Napatingin din kaya Reina habang nakangiti)

Harri: Sino ba kasi yung kapares mo na yan! Hindi ko pa naman nakikitang may tinanong ka na ah!

Reina: Basta wag mo na alamin! makaalis na nga...

(Hindi napansin ni Harri ang tinginan nina Rom at Reina)

Harri: Ikaw Rom meron ka na bang kapares?

Rom: Siguro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Harri at ReinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon