"You don't marry someone you
can live with. You marry the
person who you cannot live
without."CRYSTAL'S POV
"Crystal Mae Magbanua, what are you doing ? My God, hindi mo dapat isinuot 'yan!"
Napahawak ako sa dibdib ko pagkarinig kay Mama. Grabe lang makagulat. Sino mag-aakala na 5 feet lang ang height niya sa lakas ng boses niya. Kung makakapagsalita lang ang magkabilang eardrums ko, kanina pa siya sinabihan ng 'pls. lower your voice.'
Halos lumuwa ang mga mata ni Mama nang makaharap ako sa kanya. Sabi na nga ba, pati nanay ko
na-starstruck sa alindog ko!"What did I tell you, Crystal?"
Tila nauubusan ng pasensiyang tanong niya sa akin."Ma, what's wrong? I'm just fitting my wedding gown to make sure kung kasya talaga sa akin."
"Anak naman, kasya yan sa'yo kasi kinuhanan ka ng body measurement bago tahiin 'yan. Kabilin-bilinan ko sa'yo na bawal isukat ang traje de boda prior to your wedding day."
Napangiti na lang ako nang hindi pa rin maipinta ang mukha ni Mama. Mabuti nga naisukat ko. Saka siya magpanic kung hindi ito magkasya bukas.
"Matutuloy ang kasal ko bukas, 5 pm sharp, Ma. Huwag kayong magpapaniwala sa mga pamahiin noong panahon pa ni kupung-kupong. Nasa 21st century na po tayo. Walang connection ang wedding gown ko sa maaaring mangyari in the future."
"Ang sa akin lang Crystal, walang mawawala sa'yo kung sumunod ka sa nakagawiang tradisyon bago ikasal. Ewan ko anak pero kinakabahan ako sa pinaggagawa mo. Sige na, tanggalin mo na 'yan at iayos mo pabalik sa box."
"Si Mama talaga nakakatampo. Hindi man lang mag-comment kung bagay ba ang gown sa akin bago ipahubad. Akala ko pa naman matutuwa kayo pagkakita dito."
Parang batang maktol ko.Hinawakan ni Mama ang magkabila kong pisngi at hinawi ang mahaba kong buhok sa isang side. Masuyo niya akong tinignan sa mata.
"Anak, you know how precious you are to me. Kahit ano pa ang isuot mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko. You are my princess. I only want the best for you. Ayukong makita kang malungkot o masaktan man. That's the last thing I wish to happen. Kaya hangga't maaari, pipigilan ko ang mga bagay na makakahadlang sa kaligayahan mo. Ganyan kita kamahal anak."
After hearing that, I hugged my mom so tight.
"I love you too, Ma. And sorry kung hindi ako nakinig."
Agad nitong pinunasan ang mga luha niya at ngumiti sa akin.
"Tama na nga ang drama. Bilisan mong magbihis para masabayan mo kaming magmeryenda sa baba."
Agad akong tumalima.
Ang suwerte ko kasi nagkaroon ako ng inang kagaya ni Mama. Kahit maghapong pagod sa pagma-manage sa restaurant, naglalaan pa rin siya ng oras para mag-bonding kami.Isang buwan na rin kasing hindi ako pumapasok dahil inasikaso namin ni Salvo ang papalapit naming kasal. Magkatulong naming pinapatakbo ni Mama ang Dolce V, ang restaurant na iniwan sa amin ni Papa. 'Di ko maiwasang makaramdam ng lungkot tuwing naaalala ko ang aking ama. Sana kung hindi siya naaksidente
5 years ago, masaya sana kami ngayon. Sila sanang dalawa ni Mama ang maghahatid sa akin sa altar. Siguro kung buhay pa si Papa, magugustuhan niya rin si Salvo.Saktong palabas ako ng kuwarto nang makita ko si Yaya Helen sa labas ng pinto ng silid ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong hindi maipinta ang mukha ni Yaya.
BINABASA MO ANG
ANTHURIUM (DFFF) COMPLETED #wattys2016
RomantikWattys2016 winner (voracious reads) Crystal Mae Magbanua's world was shattered when she was jilted by her groom Salvo on their wedding day. And on that same day, her mother died due to heart attack. The loss and pain struck her very deeply. It's l...