Head up!
Stay strong. Fake smile.
Move on!40 days later....
CRYSTAL'S POV
"Talaga bang hindi na magbabago ang isip mo?"
I think makasampung tanong na iyan ni Yaya Helen sa sakin. Pero sa halip na mairita ako ay tinawanan ko na lang siya.
"For the 10th time din Ya, hindi na po. NO. As in hinding-hindi."
Umismid lang siya nang kumindat ako sa kanya.
"Basta mag-iingat ka doon. Tawagan mo na lang ako o si Feliza kapag kailangan mo ng rescue."
"Si Yaya talaga. Para naman akong sasabak sa MISSION IMPOSSIBLE nito. Ipapaalala ko lang ha, Yaya. Maximum of two weeks lang ako doon. Baka nga mag-round trip lang ako eh."
Maliksi akong dumistansya sa kanya nang makita kong bumubuelo ang isa niyang kamay.
"Nakita ko yun Yaya Helen. Akala mo ha, mind reader kaya ako."
Buti nakalayo agad ako. Kukurotin na naman ako sa singit kapag nagkataon.
Matapos ang dibdibang pakikipagyakapan, kay Yaya, hinila ko na ang hindi kalakihang maleta ko.
My bestfriend even bribed me with pineapple gelatin, chicken macaroni and arroz a valenciana mapapayag lang akong isama siya sa pupuntahan ko.
Laglag ang balikat niya nang sabihin kong ako lang mag-isa. Para lang siyang reader ng story sa wattpad na sabik na sabik sa susunod na update ni author ngunit umabot na ng
siyam-siyam eh wala pa yung next chapter.Alam ko yung feeling na yun. At iyon nga mismo ang nakikita ko sa mukha ng kaibigan ko ngayon. Yamot na yamot.
But seriously, I really need this time alone for the healing process.
At eto nga't inihatid ako ni Fel sa terminal ng Florida bus sa Sampaloc.
Hindi ko lalayasan ang Pilipinas.
Mag-unwind lang ako sa probinsya.Napagpasyahan kong
mag-commute na lang.
Kawawa naman kasi si Mang Nestor na family driver namin kong ipagmamaneho pa ako.
Masyadong mahaba kasi ang biyahe.Bago ako sumakay sa bus, naalala kong may kasama pala akong pumunta dito sa terminal. Parang hangin lang kasi.
Hindi umiimik.
Walang kibo.Kanina pa ganyan. Ginagamitan ako ng
zip the mouth strategy."Hoy, sasakay na ako sa bus. Hindi mo ba ako kikibuin? Sige ka manigas ang dila mo't tuluyan ka nang mapipi."
"Take care"
Sabi niya.
BINABASA MO ANG
ANTHURIUM (DFFF) COMPLETED #wattys2016
RomanceWattys2016 winner (voracious reads) Crystal Mae Magbanua's world was shattered when she was jilted by her groom Salvo on their wedding day. And on that same day, her mother died due to heart attack. The loss and pain struck her very deeply. It's l...