PROLOGUE

12 0 0
                                    

Ang dahon ay mananatiling dahon kahit pa ito ay tuluyan ng humiwalay sa sangang nagsilbi niyang tahanan ng ilang taon. Kagaya ng pag-ibig. Mananatiling pag-ibig ito kahit pa man mabigo at masugatan.

"Sadie, I've given you more than enough time, and I can't stand to watch you from afar anymore. I am not... doing well. Five days without you is a mess and torture for me."

Diniin lalo ni Eren ang noo sa balikat ko habang sinasabi ang mga salita.

Kagaya ng nalalantang mga dahon na dumaan sa bagyo ng kalungkutan at pabago-bagong anyo ng panahon, kailangan kong bumitaw upang magbigay daan sa bagong paglago at paghilom.

May tatamis pa ba sa ganitong pagwawakas? Sadyang malupit ang mundo sa mga taong ang nais lang ay magmahal.

I breathed deeply. "It's going to take a lot of time for me to believe and trust you again."

Hindi siya nagsalita. Basta naramdaman ko ang pagguho ng mundo niya sa mga sandaling ito. I heard his muffled sobs, body shaking, and his painful cries. He was hurt and already reached his breaking point.

Hindi ko inaasahan ito. Ang masaksihan siyang humagulgol ng ganito. Raw. Vulnerable. The man I love, Eren, has finally cracked in front of me.

How can I say goodbye if I was already struggling with myself seeing him so shaken up with his cries and pain?

I watch the rain through the glass, letting it witness the battle of this love, betrayals and sufferings inside his car. But amidst the pain and the bad weather, there was a sense of comfort because the world is crying with us.

"I can't be with you anymore. I'm sorry."

I'm not okay without him, too. But I can't handle another broken trust anymore. All I could see was him and the girl I always hate in that bed.

"No..." he whispered, shaking his head.

He hurt me in unforgivable ways, how can I trust him after that?

Napahawak ako sa singsing sa kamay ko at dahan dahan na tinanggal.

Nag-angat siya ng ulo dahil nakita ang ginagawa kong pagtanggal ng singsing. He reached my hand, stopping me to remove it. His eyes were bloodshot and looked at me with so much devastation.

My heart breaks for him.

"Sadie, we're not breaking up," he pleaded, reaching my cheeks and letting him hold me, searching my eyes. "Kung kailangan mo ng oras para pag-isipan ang bagay na ito, hahayaan kita. I will give you time without me interfering."

Kinuyom ng kamay ko ang singsing. Kung pwede lang hilingin na mabura nalang sa ala-ala ko lahat para tanggapin siya sa buhay ko ng gano'n kadali at mahalin siya ulit, isusugal ko lahat ng mga pwedeng isugal para matupad ang kahilingang iyon.

Pero wala. Walang gano'n. Ang pinakamabisang paraan lang ay ang umalis at hayaan ang panahon na hilumin ang puso kong nasaktan.

At hayaan na sila ng babaeng iyon.

"A part of me will always love you..." mataman kong sinabi sakanya. "I do love you, Eren, but I can't be with you anymore. Matagal kong pinag-isipan ito bago ko binitawan ang desisyon sa'yo. I wanted you out of my life completely at iyon ang kailangan ko. Patunayan mo ang pagmamahal mo sa akin, sa paraang irerespeto mo ang desisyon kong umalis ka."

In The Cruel Twist of FateWhere stories live. Discover now