Part One

52 5 0
                                    

---

Sinamahan ko lang saglit si Nika magpalit sa bahay nila kasi nga diba? may date pa sila ni allen yung boyfriend niyang gwapong gwapo, crush ko nga yun e kaso ipapaubaya ko nalang kay bestfriend tutal two years na din sila at ayoko pa talaga mag boyfriend hindi ko pa kaya..

"Okay na ba to gags?" Gags kasi tawagan namin e, gags meaning gaga hahaha "Oo ganda mo nga e, kaso nakaShort ka? alam mo namang mahigpit ang bf mo nu" Mahigpit kasi sobra yun si allen over protective masyado kay Nika, ayoko niya kasing mabastos or maagaw ng iba awwww ang sweet talaga kaasar lang ako nganga "Onga mag pants nalang ako" Sabi niya, nako tama tama baka magaway pa sila at magdamag nanaman umiyak sa akin to si gags.

Kababata ko kasi silang dalawa e, hindi ko naman alam na sila magkakatuluyan, kasi nga diba? Crush ko si Allen pero ngayon hindi pa siyempre asa naman ako, masaya nako sakanila.

"O, dito ka ba muna sa bahay?"-Nika

"Nako, hindi pwepwede magagalit sa akin si Kath nu"

"Tss, palagi naman e, siya na nga tong nag-aaral tapos ikaw nagwowork, masyado kang pinapahirapan ng Kathrina Ballesteros na yan ah!" -Nika

Nagtataka kayo bakit magka iba ng last name? Magkaiba kasi kami ng tatay e ni Kath e.

"E hayaan mo na, okay nato at least nakakatulong ako, sge na gags una nako tutal hihintayin mo nalang naman si allen e ayiee, pasalubong ah! Bye gags ingat ah mwamwa"

Pumunta muna ako sa 7 eleven may utos kasi si Kath na bumili ako ng Notebook.

"30 pesos po" Kinapa ko bulsa ko kinapa ko na lahat pero wala, wala yung wallet ko! naiwan ko ata kila gags! shit! pano nato? "Miss bayad po?" May lalaking lumapit at binayaran niya yung binili ko. "Ah e, thank you" palabas na siya ng pinto.. "Lagi akong nandito ng gantong oras may kapalit yang tulong ko sayo bukas pag wala ka dito lagot ka sa akin Cornella Quinto" HA? tatanungin ko sana kung sino siya, shit kilala niya ako? Creepy ng araw ko! Ahhh!

Paguwi ko ng bahay, party nanaman hindi nanaman ako makakatulog nito, si Kath kasi mahilig magparty dito sa bahay.

"Hoy bruha, asan yung notebook?!" -Kathrina

"Ito, pwede paki hinaan yung volume? ang lakas kasi e baka hindi ako makatulog maaga pa naman ako bukas sa trabaho" hindi ko alam kung maiinis na talaga ako sa babaeng ito? siya na nga tong nag-aaral at ako hindi at pinagtrabaho nalang! kaasar ah alam mo ginawa? lalong nilakasan! sana pala hindi ko nalang sinabi! Gr!

"Kath please?" -Ako

"Ha? I can't hear you, umalis ka nga sa party ko! panget mo!" -Kath

Umakyat ako sa taas.. sa kwarto ko pagbukas ko ng ilaw...

"Cornella ha?" Bakit siya andito? sino ba tong lalaking nato!

"Ikaw yung sa 7 eleven guy diba? bakit ka nandito sa kwarto ko?! babayaran naman kita e"

Bigla siyang lumapit sa akin, pa atras ako ng pa atras ng nandun nako sa pader, nilagay niya yung kamay niya sa pader kaya corner ako, 8 inch lang agwat ng mukha namin mygod! sigaw ako ng sigaw pero walang nakakarinig kasi ang ingay nung sounds.

"Si-sino kaba?" pautal utal ko na sinabi. "Kylie Chua" Tapos lalo niyang nilapit yung mukha niya awwwww please please stop, hindi ko alam kung maasar ako o kinikilig lang talaga ako, ang gwapo niya kaya as in super! perfect package na pero bakit ganto? hindi ko pa siya kilala pero parang kilalang kilala niya nako.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA MUKHA KANG EWAN!" -Kylie

"ABA?! MALAMANG NAKAKATAKOT YUNG GINAWA MO KASI ANO BANG PROB-----" Naputol ako kasi bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Manya---" tinakpan niya bibig ko argh "Cute mo talaga! hindi nako makapagtiis bukas e, kaya pumunta nalang ako sa bahay mo, bayad na yung utang mo" -Kylie

Tapos may babaeng pumasok sa kwarto ko... nanlaki yung mata..

*PAKKKK*

Tumulo luha ko, sinampal ako ng isang babae..

"Kylie! ano ba! ako girlfriend mo diba? bakit ka nakikipaglandian sa iba?"

"Chill Rodialyn abad babe, diba usapan natin isang araw lang magiging tayo?" Kylie

"Shame on you! Ts Cornella right? Bestfriend ako ng sister mo! humanda ka sa akin!" -Rodialyn.

"Yuck ang landi" -Kath

"Yeah, super landi" -Rodialyn

Pagtapos nun iyak nalang ako ng iyak, bakit ba ang sama sama ng araw ko! :(

------

/ColeSaranghae

Nagtataka kayo kung bakit ambilis ng kwento? Kasi nga po marami talagang mangyayaring ganyan na mas lalong titibay si Cornella.

The one who changed my life.Where stories live. Discover now