✭ LOVE DIVE 24 ✭

3 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

"Bakit ngayon lang kayo, mga anak?" tanong sa amin ni mama, siya lang mag-isa. Base sa pagkakahawak ng phone niya, for sure nag-selfie na naman si mama. More than 100 percent sure na may naka-post na sa socials niya! That time, nasa lobby area kami, sa receiving area. Si Mark nakahawak sa kamay ko. Late kami ng more than 20 minutes dahil sa nangyari. "Ang mga kasama n'yo, nagpahinga na muna. Mamaya na lang daw para marami energy! Sayang hindi ko kasama si Kate, ganda pa naman dito!"

Tumngin ako kay Mark, thinking if sasabihin ko ba or what. "May dinaan lang kami, Ma."

Bumaba tingin ni mama sa magkahawak-kamay namin ni Mark pati sa beach summer shorts nito. "Mukha ngang may pinuntahan kayo." The way pa naman mgapalipat-lipat ng tingin 'tong si mama, 'kala mo talaga may gustong iparating sa amin. Sa isip ko, nandidiri ako na ganoon agad naisip sa 'kin ni mama. I'm not that type of a girl naman. I mean, normal naman na 'yon sa mag-bf/gf pero still, hindi sa ganitong situation!

Kakalas sana ako sa pagkakahawak namin ng kamay nang hinigpitan pa lalo 'yon ni Mark. Nakita ko na nag-smile siya sa 'kin nang medyo. Sinuklian ko rin naman 'yon to tell him na it's okay, I'm here sa lahat, kasama siya, sa puwedeng mangyari.

"Baby, okay lang ba talaga sa 'yo, uy? Kainis bakit nangyari pa kasi 'to, sorry. Nabuhasan ko naman ng alcohol pero kasi uy, sorry talaga. Magsabi ka, hindi ka ba nababahuan?" tanong niya. Tiningnan ko siya sa mirror. Bumagal takbo namin. Actually kanina ko pa siya napapansin na pasulyap-sulyap siya sa 'kin.

"Mark, alam kong nahihiya ka sa nangyari pero okay lang talaga sa 'kin, hindi mo kasalanan 'yon. Naka-plastic din naman pinagbihisan mo, right? And sabi mo nga, nag-alcohol ka. Okay na okay, promise. I'm with you!" I said, while looking at him in the mirror. I smiled, sinigurado ko talaga na i-inform siya na okay lang talaga. Kung sa 'kin nangyari 'yon, I don't know how to handle that. For sure, mahihiya ako at panay sorry rin ako. Natae na kasi talaga siya, hindi na niya napigilan, umabot pa sa shorts niya! Bumili na lang kami ulit. Ang mokong kasi, may paganon-ganon pa siya kanina! He had to call me nga muna, emphasizing na huwag kong pagtatawanan at huwag akong papasok (I asked him din kasi kung may tao ba that time, eh nagkataon na wala, of course, I wanted to assist him sa loob).

Sasamahan ko siya sa lahat.

"Sure ka, 'a? Hindi ka nagsisinungaling? Ayaw mo lang yata mapahiya ako, uy."

Mula sa pagkapalupot ng mga kamay ko sa tiyan niya, nagpunta 'yon sa leeg niya. Mas sinandal ko sarili ko sa kanya.

"Hindi nga. Okay lang talaga. Did you expect na hindi kita sasamahan, iiwanan kita? Ikaw, Mark, kung sa 'kin nangyari 'to, ikahihiya mo ako? Iiwanan mo ako?"

"Sasamahan din."

"'Yon! Sasamahan! Sinamahan kita. Hindi mo kasalanan 'yon, woy."

"Salamat talaga, baby. At sorry kung napag-alala kita, 'a?"

"Do you feel okay na ba talaga?"

"Nainom ko na gamot na binili mo, 'a? Sinigurado mo nga, eh. Hindi ka mapakali, makulit din pala. Ang suwerte ko, hindi ako pinabayaan ng girlfriend ko. Lord, ang suwerte ko!"

"Baliw!" Sumigaw pa kasi talaga siya sa last na sinabi niya! "Dapat lang naman na alagaan kita, without you asking me."

"Lord, mahal na mahal ako ng girl friend ko! Woooh!" Tapos narinig ko pa tawa niya. "Lord, mahal na mahal ko 'tong girl friend ko! Aalagaan ko, promise!"

Si Mama nagpaiwan muna sa lobby. Bago nga namin siya iniwanan, nagpa-picture muna siya sa 'kin, naka-white dress siya. 'Yong shades, nakalagay sa ulo niya kanina, but that time, nakasuot na. Awrang-awra pa talaga, dinaig pa 'ko sa edad kong 'yon. Wait, we have the same style rin pala! But not the same approach when it comes to projecting, more on simplicity ako at hindi loud. After niya, in-invite niya rin ako, sinabihan si Mark na kuhanan kami. Si Mark nakangiti lang sa amin. Ngumiti na lang din ako at nakisakay sa trip ng mama ko, para matapos na rin.

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon