✭ LOVE DIVE 35 ✭

1 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Would I be crazier if aamin ako na noong mga oras na 'yon, na kahit ang dami na ng mga tao 'yong nakapulong sa amin, kahit na nakalapit na sina mama at Kate, lahat ng kasama namin, bakit . . . bakit si Mark pa rin ang gusto kong marinig? Bakit siya pa rin hinahanap ng mga mata ko . . . ng katawan ko . . . ng buong kaluluwa ko?

Crazy, but worth it.

Nandito kami ngayon sa lobby area, nakaupo, katabi ko si Mark. Sina Mama, nasa front desk, may kinakausap na staff. Pinag-uusapan yata 'yong nangyari kanina, while 'yong bakulaw na 'yon, I don't know what happened to him. Wala akong pake.

May mga dumating na hotel staff kanina at security guards to do crowd control. I even heard na may nagsabi na huwag daw video-han ang nangyari. Fortunately, agad na may nag-respond sa situation, the hotel's medical team performed first aid on my head. Kaya may benda. Bored na bored na nga ako rito. Sa bakulaw naman na 'yon, nilagay ito sa isang stretcher, punong-puno talaga ng dugo 'yong mukha niya that he even lost consciousness. Kaya napatingin ako kay Mark, na nakayuko, 'yong dalawang palad niya magkasalikop nasa gitna ng legs niya. 'Yong dalawang paa naman niya nanginginig, taas-baba, taas-baba.

"Babe," pagtawag ko.

Agad naman siyang napatingin sa 'kin, mukha pa nga siyang nagulat. Tumingin ako sa harap namin, napansin kong pasulyap-sulyap pala sina mama. Nandoon sila lahat, even Dex.

"Ano, uy? Sobrang sakit ba? Kainis naman. Sorry bakit nangyari pa 'yan sa 'yo, 'di kita naprotektahan."

"Huwag mong sabihin 'yan, hindi mo kasalanan. At pinrotektahan mo ako," seryoso kong sabi. Hindi naman niya kasalanan, ako nga ang may kasalanan. Dinamay ko pa siya sa gulong 'to. Natakpan naman ng dalawang palad niya 'yong ilong at labi niya. That time, nakayuko pa rin siya at nakatingin sa 'kin. Bumuka 'yong bibig ko nang napansin ko na namumula na 'yong mga mata niya.

"Kasi naman, sorry. Sorry talaga."

"Naprotektahan din naman kita."

"Matutuwa ba ako sa narinig ko na sinalo mo yung batong para sa 'kin?" tanong niya, nakakunot 'yong noo.

"Ang kulit mo, woy! Okay na nga ako!" Tumayo pa ako to even show him na okay na nga ako, pero siya naman biglang tumayo rin tapos naramdaman ko pa magkabilang-kamay niya sa braso at likod ko. Like, seriously, thank you, but boy, nakapaglalakad pa naman ako!

"Okay ako, woy. You don't have to do that."

"Makakatayo ka, pero gusto kitang alalayan. Hayaan muna ako," simpleng sabi niya, nakatingin sa mga mata ko.

"Just remember hindi mo kasalanan 'yong nangyari, ha?" tanong ko. Tinaas ko 'yong kilay ko, to encourage or maybe force him to answer me, kasi hindi naman talaga niya kasalanan, eh!

"Hindi naman agad mawawala yung guilt."

"Naiintindihan ko. Mark, kung sa 'kin talaga pinakal 'yong batong 'yon, hindi ka maghe-hesitate na saluhin din 'yon, right?"

"Oo, sasaluhin at sasaluhin ko."

"'Yan, ganyan din naman ako sa 'yo. Sinalo ko kasi gusto ko. Ang ganda nga noong fact na pinrotektahan natin 'yong isa't isa. Tapos ikaw pa nga, pinaulanan mo ng mga suntok 'yon, ang astig mo! Ang tapang mo!" Nagliwanag naman 'yong mga mata niya sa narinig niya sa 'kin.

"Dapat lang naman na ginawa ko 'yun sa kanya."

But I remembered something. Yeah, right! Kaya tumingin ulit ako sa harap namin. Nakakainis naman, bakit ang tagal. Okay naman na ako, can they just let it go na lang? Ano'ng mangyayari n'yan?

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon