✭ LOVE DIVE 43 ✭

2 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Instead na pumasok, I found myself na tangay-tangay ako ni Kate sa mall. Talaga naman itong best friend ko na 'to na gaga. As expected sa kanya. Dumating kami rito nang almost 12 P.M na kaya sobrang gutom na ako. Hindi na ako nakakain sa amin kasi ano pa ba? She encouraged me na sa mall na lang kakain!

Naglalakad-lakad kami that time sa bandang event area ng mall.

"Gutom na ako, woy. Hindi mo pa ako papakainin?" tanong ko sa kanya, huminto ako. Nakakapit siya sa braso ko na tumingin sa 'kin.

"Okay, let's go! Naisip ko lang na i-build up yung thrill before ka mag-kuwento, you know!" sagot naman niya nang natawa-tawa. Gaga! Nagsimula ulit kaming maglakad. That time, since it's weekdays, hindi naman sobrang dami ng tao, hindi tulad kapag weekends.

"Baliw ka. Nag-sandwich lang ako at gusto kong ma-guilty ka," simpleng sabi ko at OA siyang tumingin sa 'kin. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata noong naramdaman ko palad niya sa tiyan ko.

"Galit na ba 'to, sis? Sorry!" sabi niya saka niya rin mabilis na inalis 'yon. Napailing na lang ako. After, tumingin na rin naman siya sa harap. "Saang kainan mo gusto, sis? Kahit saan! Mas okay nga kung pricey. Siyempre, consider mo na rin ang vibe, ha? Yung perfect sa tsismisan!" loka-lokang sabi niya at mas tinangay pa ako. She's really crazy.

Napaisip ako sa sinabi niya. Okay naman ako kahit saan. Usually kapag umaalis naman kami, kahit siya madalas mag-decide okay lang. It's always about the company, not the place. Kahit sobrang ganda pa ng place, kung hindi naman okay ang kasama mo, wala rin 'yon.

Kaya we found ourselves na kumakain sa lugar na least expected kong pupuntahan namin. Napatingin ako sa mga tao sa harap at magkabilang-side ko.

"Bakit Food Court?" tanong ko, nakatingin sa kanya. Hawak ni Kate yung phone niya. I mean, okay naman dito pero maingay. Kahit weekdays, marami pa rin mga taong kumakain dito.

"Let's selfie muna, sis, before tayo mag-order. Pose!" Wala na akong nagawa nang ilapit na niya mukha niya sa 'kin at dumikit pa katawan sa 'kin. "Mukha mo naman, sis!" reklamo pa niya kahit alam naman niya dahil sa kanya 'yon. Inayos ko na rin mukha ko para matapos na't makapag-order na kami kasi gutom na gutom na talaga ako.

"Perfect! Okay na! Teka, sis, you know, kailangan kong mai-post after, 'di ba?"

"Oo para kang mamamatay kapag hindi mo na-post agad," I sarcastically said at tumawa lang siya.

"Food Court, sis, para feel na feel ko yung environment. Marami nagtsi-tsismisan dito. Nakaka-excite kayang marinig yung mga bulong ng mga tao," simpleng sagot niya. Tiningnan ko na lang siya saka tumayo na rin kami para makapag-order na talaga. Hindi na yata talaga kaya ng tiyan ko.

Pinangunahan ni Kate ang pag-order, asking me kung ano gusto ko. I told her na kailangan ko ng time. Usually naman sa pagkain, we always ask each other kung ano suggestions namin. After, sinabi ko na sa kanya gusto ko at suprisingly, she ordered the same. I also told her na bumili na kami ng mineral water. I specifically mentioned mineral water because I wasn't in the mood for any flavored drinks.

"Gaga, self-serving!" sita ko sa kanya sa harap. Umupo muna kasi kami. We were told na maghintay muna. Kaya pala ang tagal bakit hindi pa kami tumayo. Kumuha naman siya sa wallet niya at binigay 'yon sa server.

"Sis, puwede ka naman magbigay ng tip. Baka matapon ko pa! At baka marumihan pa dress mo!" sagot naman niya at kinuha na ulit phone niya at p-in-icture-an na mga 'yon.

Hindi na ako nagsalita pa. Without waiting for her, kumain na ako. Gutom na gutom na talaga ako. Reklamong-reklamo na tiyan ko!

Nauna siyang matapos kumain sa 'kin kahit usually ako ang nauuna sa kanya. Kinuha ko 'yong tissue at pinunasan bibig ko.

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon