CHAPTER 7

152 76 36
                                    

"Bakit nag aalinlangan ka?" Nakakunot ang kanyang noo. Nakatitig lang ako sa kanya habang inaangat niya ang roll up ng store niya.

"First and foremost, may asawa ka and you think kapag nakita niya 'to anong pwede niyang isipin." Nag aalalang sabi ko sa kanya. Kahit na alam ko namang wala naman akong ginagawa, but for others who will see us for sure may malisya 'to.

"Isipin niya ang gusto niyang isipin, Nalu. Basta wala naman tayong ginagawa." Binaba niya ng kaunti ang roll up door at nagsimula na siyang buksan ang mga ilaw sa counter table.

"I will make you our best seller fruit tea. Mahilig ka ba roon?" I nodded.

Naglakad lakad ako sa buong store niya habang siya ay abala sa paggawa ng fruit tea. Bigla niya akong tinawag kaya naman lumapit ako. Stop being delusional, Nalu. After all kung makita man ito ng asawa niya, for sure alam ko na ang kakalagyan ko.

Lumapit ako kay Sir at tinignan ko ang ginagawa niya. He even offered to let me try a sip of it. Hesitant ako sa una but I can't resist the opportunity to taste something that my teacher enjoyed making. And from that first sip, I am hooked. Mr. Yoshio can see how much I loved it and offered to teach me how to make it.

Holy fuck! Ngayon ko lang na realize na we just shared a straw!

"Gusto mo bang turuan kita gumawa nito?" I saw myself in the mirror blushing.

Making the tapioca pearls from scratch was the first thing we did, we made sure to make the pearls soft and chewy.

"Pasensya ka na maraming gumugulo sa isip ko. And for the way I acted last time. Remember... Your first day." He said initially.

"If you don't mind, ano ba 'yon. Maybe I can help?" Sabi ko sa kanya. He put strawberry fruit syrup while I added a splash of sweetener.

"Medyo matabang pa dagdagan mo pa ng kaunting sweetener." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. He took my hand with the spoon and scoop it into the jar sweetener.

"Paano mo ba malalaman kung may pakialam pa ba sayo ang asawa mo? Answer me in your own opinion and perspective. I really want to know." The pieces of his broken heart could not be reassembled, like a broken vase. Bigla akong naawa sa lagay niya.

"Kapag hindi ka niya binigyan ng personal time or bonding together?" Hindi ako sigurado sa sinagot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam dahil wala naman akong boyfriend. I don't know what it feels like.

"Hindi ka sigurado sa sagot mo? Wala ka pa bang boyfriend?" Muli itong tumingin sa akin.

"Yes, I don't." sagot ko.

"Tikman mo na kung okay na yung lasa nitong fruit tea." Iniba niya na ang usapan.

"Hmm... It tastes so good." Napapikit ako sa sarap ng pagkakagawa niya. Hindi ka na magtataka bakit nakalagay iyon sa kanilang best seller teas.

I was browsing my notebook to check if I got a perfect score. Pero tumambad sa akin ang isang smiley face.

"What is this for?" Tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya at ngumiti ng bahagya.

"Smiley face para sa estudyante kong mataray at masungit."

Hello, Sir Yoshio. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon