TURNING OVER A NEW LEAF

4 2 0
                                    

#BLStoriesNewYearWritingContest

TITLE: Turning Over a New Leaf
AUTHOR: Mako To
GENRE: Romance,  Drama

DISCLAIMER
This is just a work of fiction.  Places ,events , characters and settings in the story are just the product of the writer's imagination. Any similarities to the real life, living or de@d is just purely coincidental.

(Credits to the owner of the photo.)

TURNING OVER A NEW LEAF

Alas onse ng gabi. Magba-bagong taon na pagdating ng  hatinggabi. Nasa  labas ako ng bahay at nagmumuni- muni. Busy sa paghahanda ng pagkain ang mga kasama ko sa bahay.  Sinindihan ko ang y*si na hawak ko at hinithit ito. 2023. Ano ba ang masasabi ko sa aking 2023? Thanks for the memories? Napatawa ako nang mahina. Eh, ano ngayon kung may makakakita?

Naalala ko na naman si Kurt at ang maganda niyang ngiti. We'll thanks for the memories na lang talaga. Hahaha! Naranasan niyo na bang tumawa nang mag-isa habang nasasaktan?

Nakita ko siya kanina, may kasama nang iba. Masaya naman siya sa kasalukuyang syota niya. Sa tingin ko. Sana nga. Minsan iniisip ko kung pwede sana mabulag na lang ako para wala na akong makita. Hindi ako masasaktan.

New Year, New Me. 'Yan na ang magiging motto ko. Pagtawid ng Bagong Taon ay magiging iba na ako. Hindi na ako susugal pa uli. Let it be.

"Kuya Andrew nagri-ring ang cellphone mo," tawag ng pinakabunso naming kapatid na si Kiara. 11 years old lang siya at ang cute- cute niya.

"Sige, dalhin mo nga dito sa labas baby!" sigaw na sagot ko sa kanya.

Lumabas si Kiara dala ang cellphone ko. Pero hindi na nagri-ring ito.

"Thank you baby Kiara," nakangiting sabi ko sa kanya sabay p*t*y ng s*gar*lyo ko. M*s*ma sa baga ng bata. May hika pa naman.

"Baby Kiara na naman? Ang laki ko na," reklamo niya." Ba't nandito ka po Kuya?" tanong niya.

"Wala, pasok ka na dun sa loob. Mag Ne-New Year na," sagot ko sa kanya.

"Malungkot ka ba kuya?" naitanong niya.

"Hmm? Bakit mo naman nasabi?"

"Kasi hindi ka na masyadong tumatawa," sagot niya."Kapag kasama mo naman kami, parang wala ka naman sa sarili."

Napatingin ako sa kanya. 'Well, someone as young as her could notice,' kibit-balikat na naisip ko.

"Baby may problema lang si Kuya. Mawawala din 'to," sabi ko.

"Kiara! Halika nga muna dito." tawag sa kanya ng ate ko na ikinaputol ng sasabihin ko.

" Opo Ate!!!" sagot ni Kiara. "Pasok na muna ako Kuya," paalam njya sa akin.

Tiningnan ko ang cell phone ko at nakita kong tawag ni Kurt ang rumehistro doon. Ba't kaya siya tumawag?

Nagdadalawang isip ako kung magme-message ba ako o hindi. Pero naunahan na niya ako.

Kurt: Puwede ka bang lumabas?
Ako: Bakit sana?
Kurt: May sasabihin lang ako.

I hesitated. Ayoko nang makita siya. Ayoko nang masaktan.

Ako: Sige.

Sinabi niya kung saan kami magkikita. Doon sa kubo malapit sa dagat. Pagdating ko nandoon na siya. May dala siyang de bateryang ilaw para hindi madilim.

"Ano 'yung sasabihin mo? ",tanong ko kaagad nang makaupo na.

"Mag-gi-greet lang sana. Kasi baka pagkatapos nito hindi na tayo maaaring magkita ng ganito,"  sabi ni Kurt.

Tumango - tango ako. "Alam ko," maikling sagot ko.

Parang déja vu lang. Last time ganito rin nangyari eh. Nagpaalaman. Pero ibang tao naman iyon. Nag LDR pagkatapos. Akala ko walang magbabago kahit magkalayo kami sa isa't isa. Pero mali pala. Marami siyang nakilala at nakalimutan niya ako.

"Maging masaya ka sa pinsan ko. Mahal ka niya," nasabi ko na lang sa kanya.

Nakita ko ang bahid ng lungkot sa mga mata niya kahit na medyo madilim. "Bakit kasi ipinamimigay mo ako," sabi niya.

"Mahal ka ni Athena. At pinsan ko siya. Ayokong masaktan siya. Ano na lang ang sasabihin niya pag nalaman niyang...." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"Kung pwede naman kasi sana itago na lang natin sa kanya ang relasyon natin," sagot niya.

Natigilan ako."Kurt," tanging nasabi ko.

"Ikaw ang gusto ko, hindi siya. Ba't mo ako itinutulak sa kanya? " mangiyak- ngiyak na sabi nito.

"Ayokong saktan ang damdamin ng iba, niya," naisagot ko.

"And you will sacrifice your own happiness?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Andrew, ba't hindi na lang natin itago sa kanya ang relasyon natin? I want you back. Sa'yo ako masaya," tila nagmamakaawang sabi nito.

"Will you stop Kurt?" nahihirapan na ding sagot ko. 'I'll sacrifice my happiness. Okay? It's okay. I'm okay!"

Natigilan si Kurt. "Okay ka nga lang ba talaga?" garalgal ang boses na sabi nito. " Kasi ako hindi okay," at tuluyan na itong umiyak.

Bigla ay lumiwanag ang paligid nang may nagpaputok ng fireworks sa hindi kalayuan. Sabay kaming napatingin doon. Wala munang nagsalita kahit isa sa amin habang pinapanood ang mga iba't ibang kulay ng mga fireworks na nasa ere.

"Goodbye Kurt," maikling sabi ko na akmang tatayo na.

"Sandali!"pigil niya.

"Bakit?"

"Pwede ba kitang mah*likan for the last time?"

Hindi ako sumagot pero ako na ang nag first move para mah*likan siya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at ibinigay ang hinihiling niyang huling h*lik. Nang mah*likan ko na ang labi niya ay hindi napigilan ng mga luha kong magsidaloy. 'I missed this moment na hindi na mauulit pa.'

Finally, inilayo ko na ang mukha ko sa kanya.

"Bye again. Try to be happy with her. I know you can," nasabi ko at tuluyan nang iniwan si Kurt sa kubo habang pinahid ko ang luha sa mukha ko.

Kasabay ng pagtawid ng taon, iiwanan ko na rin ang feelings na ito. Never will I let myself hurt again. What happened this 2023 will be a thing of the past .

Pagdating ko ng bahay ay patakbong lumapit sa akin si Kiara. "Kuya! Ba't nawala ka bigla? Kanina ka pa namin hinahanap. Happy New Year Kuya!"

I sniffed. "Happy New Year din Kiara," sagot ko. Sana hindi niya nahalata na kagagaling ko lang sa pag-iyak.

"Tayo na sa loob, Kuya," sabi niya."Hinihintay ka na nila."

Tumango ako. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang kaligayahan ng aking pamilya. Napangiti ako. Naisip ko, may pamilya pa pala ako. Okay na ako. Habang nakikita ko na masaya sila kasama ako, masaya na ako. Dito ko lang pala makikita ang tunay na pagmamahal. Hindi ko na kailangang hanapin pa iyon sa iba.

2024. Please be good to me. Iyon na lang ang nausal ko.

THE END

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon