TITLE: The Boy is Not Mine
GENRE: Romance
AUTHOR: Mako ToDisclaimer
This is just a work of fiction. Places ,events , characters and settings in the story are just the product of the writer's imagination. Any similarities to the real life, living or de@d is just purely coincidental.THE BOY IS NOT MINE
"I don't know why I'm afraid to lose you when you're not even mine." - Nurilla Aryani
Tiningnan ng kasama ko ang mukha ko at sinundan ng tingin kung ano o sino ang tiningnan ko. Ngayon pareho na kaming nakatingin sa lalaking nakatayo sa rack at pumipili ng bibilhin niya.
"Nakatunganga pre?" bulong niya sakin.
"Nu ba?! Storbo ka naman eh," medyo nainis na sagot ko.
"Ang aga- aga, nakatunganga," sabi niya sa mahinang boses.
"Tsk! Bad trip ka," sabi ko at saka bumalik na sa pag-aayos ng mga items sa counter sa tabi ng cashier.
May ilang beses na ring pabalik- balik ang lalaking iyon sa convenience store na pinagtatrabahuan ko. Hindi ko siya agad napansin dahil sa dami ng costumers na inaasikaso ko at rotation pa ang trabaho namin. Ibig sabihin, may schedule ako sa umaga, may schedule sa gabi.
Tumingin ako uli sa kinatatayuan niya. Ngayon ay papalapit na siya sa counter na kinaroroonan ko.
Umayos na ako ng tayo para harapin siya. 'Disimulado lang tayo. Wag pahalata,' sabi ko sa sarili ko.
Inilagay niya ang mga pinamili niya sa counter at ini-scan ko naman isa- isa ang mga ito.
Habang ginagawa ko ang trabaho ko ay panakaw- nakaw ako ng tingin sa kanya habang siya ay nakatungo at may tinitingnan sa cellphone niya.
"259 po lahat," sabi ko. Nagtaas siya ng tingin at nagsalubong ang aming mga mata.
"Ah, okay," sabi niya at saka kumuha ng pera sa wallet niya.
Iniabot niya ang pera niya sa akin at nag punch na ako sa cashier ng babayaran niya.
Gusto kong mapailing. Paano ko ba siya kakausapin? Gusto ko sanang makipagkilala, pero wag na. Nakakahiya.
Iniabot ko ang sukli niya at sumagi pa ang daliri ko sa kamay niya Bahagya siyang ngumiti at umalis na. Bigla yatang nag- somersault ang puso ko. Tumbling!
Sinundan ko ng tingin ang likuran niya hanggang sa makalabas na siya ng pinto. Napagkit na yata ang imahe niya sa isip ko dahil kahit ipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko pa rin ang itsura niya.
"Aahhhh...type mo yun ano?" mahinang sabi ni Kent, nang-aasar na naman at nakangisi pa.
Tiningnan ko siya nang masama pero di ko naman mapigilan ang mapangiti mentally.
Mga ilang araw pa na nakikita ko ang lalaking iyon na bumibili sa store namin pero hindi pa rin ako nagkalakas- loob na makipagkilala sa kanya. Hanggang sa isang araw ay nakita ko na lang siya na may kasama na.
Craaakkk! Basag ang puso! Di hamak na mas pogi kaysa sakin.
Napansin ko na iba ang turingan nila sa isa't isa. Parang hindi simpleng magkaibigan lang. Saan ka ba naman nakakita ng magkaibigan na nagkatinginan lang parang lalanggamin sa tamis kung makangiti?
"Brix, upo lang ako dun sa table ah," sabi ng lalaking kasama niya. "Hihintayin na lang kita."
'Brix pala ang pangalan niya.'
"Sige, sandali lang ako," sagot ni Brix.
Parang ayokong silang harapin sa counter.
" Pre, kaw na muna mag punch- in. Labas lang ako sandali," sabi ko sa kasama ko.
"Saan ka pupunta?"
"Yosi lang," sagot ko.
Madilim na ang mukha ko nang makalabas ng store. Dark mode. Naupo ako sa parang gutter na bahagi ng store namin. Bahala na kung makita ako ni Boss.
Sinindihan ko ang sigarilyo at inilagay ito sa bibig ko. Hmp! Mukhang pati yata sigarilyo ang pait. Bitter!
Pinatay ko ang sigarilyo at itinapon ito sa basurahan. Napalingon akon sa kristal na pintuan at nakita kong nakaakbay na ang kasama ni Brix sa kanya doon sa counter.
'Bakit masakit? Humahanga ka lang naman sa kanya,' kastigo ko sa sarili ko.
Nagpatiunang lumabas si Brix sa pinto at nakasaunod naman ang kasama niya. Ginulo pa nito ang buhok ni Brix at napahawak naman ang huli sa kamay ng lalaking iyon.
'Dapat sana ako na lang sa lugar ng lalaking iyon eh,' nasabi ko sa sarili ko habang sinusundan ko sila ng tingin.
'But if he deserves someone better than me, sige, wala akong magagawa. Mag- a- admire na lang ako,' sabi ko pa sa sarili ko at saka tumayo. Pinagpag ko ang dumi mula sa pantalon ko at pumasok na sa loob.
'Walang masama kung mag admire,' napangiti nang bahagyang nasabi ko pa uli sa sarili. 'Makita ko lang siya araw- araw, sapat na.'
END