IKAW LANG

3 2 0
                                    

Title: Ikaw Lang
Author: Mako To
Genre: BL, Horror

DISCLAMER!
This is just a work of fiction. Places, events, characters, and settings in the story are just a product of the writer's imagination. Any similarities to the real life or de@d is just purely coincidental.

IKAW LANG

Mag-aalas siyete na pero hindi pa rin tapos ang klase namin. Masakit pa naman ang dibdib ko. Mukhang susumpungin na naman ako ng aking asthma.

"Mark, okay ka lang ba?" tanong ni Joan na kaibigan ko.

"Mukhang hindi yata. Mukhang susumpungin ako ng hika ko. Baka bukas aabsent muna ako," sagot ko.

Nag-excuse me muna ako sa Prof namin para lumabas. Kailangan ko ng open space dahil parang hindi ako makahinga.

Dumiretso ako doon sa oval para magpahangin  sandali.

Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod at nasa tabi lang ng oval. Nakaupo ito at may hawak na gitara. Habang siya ay nag gigitara ay naririnig ko na siya ay kumakanta. Maganda ang  boses niya. Na curious ako kaya medyo lumapit ako sa kanya nang kaunti upang makita ko ang kanyang mukha.

"Itanong mo sa akin, kung sino'ng aking mahal..
Itanong mo sa akin, sagot ay di magtatagal.
Ikaw lang ang aking mahal,
Ang pag- ibig mo’y aking kailangan,
Pag- ibig na walang- "

Napahinto siya sa pagkanta nang mapansin ako tapos napalingon siya sa kinaroroonan ko. Bahagyang napaawang ang bibig niya pagkakita sa akin.

"Ay, pasensya na kung naistorbo kita," sabi ko at saka akmang aalis na sana.

"Huwag!" pigil nito." Huwag kang umalis,"
"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw, bakit nandito ka?" balik niyang tanong.
"Magpapahangin lang," sagot ko. “Sumama kasi ang pakiramdam ko.”

Napatingin ako sa kanya. Naobserbahan kong mahaba ang buhok niya na lampas na sa batok, parang shaggy. Pero kahit ganoon ay bumagay naman ito sa gwapo niyang mukha. Salamat sa konteng ilaw mula sa poste di kalayuan sa amin nakikita ko ang itsura niya.  Naka plain sweater lang ito at nakapantalon at saka naka sneakers na hindi pamilyar ang brand sa akin.
'Estudyante rin ba sya dito?', naisip ko.

"So, bakit ka nga nandito?" tanong ko uli.

"May hinihintay lang ako dito," sagot niya,"...pero mukhang dumating na siya." dugtong niya na nakangiti pa.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko uli. "Palagi ka ba dito?"

"Oo," maikli niyang sagot. "Ako si Lemuel" pakilala niya.

"Ako si Mark,"pakilala ko rin. "Ano ang title niyang kinakanta mo?"

"Ikaw ang Aking Mahal ng VST and Company," sagot niya.

Hindi ako pamilyar sa kanta pero maganda ang lyrics at pagkakanta niya na narinig ko kanina.

Maya- maya ay parang di na naman ako makahinga. Nakalimutan kong dalhin ang inhaler ko. Napaupo ako malapit sa kanya.

"Alam mo ba na ikaw ang hinihintay ko?" sabi niya. “Palagi ako dito.”

"Ha? Paano nangyari yun? Hindi nga kita kilala," ang gulat na sagot ko.

Narinig kong inaawit na naman niya ang kanta ngunit habang tumatagal ang nag-iiba ang boses niya na gumaralgal at tila nagmumula sa ilalim ng lupa. Unti-unting ang maganda niyang mukha ay naagnas at makikita mo ang laman niyang inuuod at nab*b*lok at nahuhulog sa kinauupuan niya. Nanindig ang balahibo ko sa aking nakita. Lalo akong naghabol ng aking hininga.

"Alalahanin mo. Ikaw lang ang minahal ko. Wala nang iba pa," sabi nito sa garalgal na boses habang unti- unti ay inilalapit niya sa akin ang nab*b*lok niyang mukha.

Hinawakan niya ako ng kanyang malamig at magaspang na kamay na ginagapangan ng mga uod at mga insekto. At bigla ay parang may may nag flashback sa isip ko. Nakita siya at ang sarili ko na nagtatalo.

"Bakit ka magpapakasal sa kanya!"sigaw ko sa kanya. "Akala ko ba ako ang mahal mo!", hilam ng luha na sabi ko.

"Sinusunod ko lang ang sabi ni Papa. Wala akong magagawa. Pero ikaw lang talaga ang mahal ko, please... mag-usap tayo," pagsusumamo nito.
“Alam ko na hindi ka magkakapamilya kasama ako,” umiiyak nasabi ko, “… pero hindi ko kaya n makita ka kasama ng iba! Kaya….kung hindi ka rin naman mapapasa akin, mabuti pang mam*t*y ka na lang!" ang sigaw ko sabay kuha ng b*ril at it*nut0k sa kanya.

"BANG!"

At tumambad sa mukha ko ang d*gu*n niyang mukha bago siya napaluhod at natumba.

Bigla ay bumalik ako sa kasalukuyan. Malapit na malapit na sa akin ang kanyang mukha. "Ikaw lang ang minahal ko..."ani nito na boses na garalgal at umuugong. Naaamoy ko na ang hindi nakakasulasok na amoy na nagmumula sa kanya. Gusto kong maduw*l!

“Mahal na mahal kita at gusto na kitang isama,”pabulong na sabi nito sabay yakap sa akin.

"Ahhhhhhh....!" napasigaw ako at pagkatapos ay ay nawalan ng malay.

Nang paggising ko ay naroon na si Joan at tinatapik ang pisngi ko. "Mark! Mark! Gumising ka!"

Napabalikwas ako ng bangon at nagpalinga- linga sa paligid.

“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong ni Joan.

“S-Si Lemuel…”

Walang Lemuel akong nakita.

“Sinong Lemuel? Wala kang kasama dito nung dumating ako,” ani Joan.

Pawis na pawis ako sa kabila ng hangin na umiihip mula sa malaak na oval.

Naramdaman kong may nakaipit sa kamay ko. Napatingin ako doon at nakita ko ang isang larawan. Luma na ito at kupas na, ngunit malinaw na malinaw na ako at si Lemuel ang nasa larawan.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa larawang iyon.

Tiningnan ko ang likod ng larawan. May nakasulat.
"Forever- April 16, 1972.”

Nanindig ulit ang balahibo ko. Si Lemuel ay nagmula pala sa taong 1970?  Pati si Joan ay kinilabutan na rin. Niyaya niya ako na umalis na sa lugar na iyon.

Dahil hindi ako nakabalik kaagad sa klase ay si Joan na ang nagdala ng bag ko. Nasa kamay ko pa rin ang ang larawan nahindi ko alam kung paanong napunta sa kamay ko. Maaaring iniwan iyon dun ni Lemuel. Hindi ko alam. Pero paanong makakapag- iwan ng bagay na iyon ang multo?

Totoo kaya ang nakita ko kanina sa isip ko? Ang multong iyon at ako?

Nanindig ulit ang balahibo ko.

Nakauwi na ako sa bahay pero pakiramdam ko parang may nakasunod pa rin sa akin.

Oras na ng pagtulog. Nakahiga na ako sa kama ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nakikinita ko pa ang nabub*lok na itsura ni Lemuel sa isip ko.
Maya- maya ay narinig kong may umandar na kanta mula sa ibaba.

Pamilyar sa akin ang kanta.

“Itanong mo sa akin,
Kung sino’ng aking mahal,
Itanong mo sa akin, sagot ay di- magtatagal…”

Maya- maya ay may bumulong sa akin.

“Ikaw ang aking mahal.”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at napasigaw ako.

Aaaahhhhhhhhhhhh…..!

END

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon