#BLStoriesLovemonthWritingContest
TITLE: His Love Language
AUTHOR: Mako To
GENRE: RomanceDISCLAIMER
This is just a work of fiction. Places ,events , characters and settings in the story are just the product of the writer's imagination. Any similarities to the real life, living or de@d is purely coincidental.HIS LOVE LANGUAGE
'Who is my source of happiness? Syempre walang iba kundi ang taong kasalukuyang nasa harap ko habang sabay kaming kumakain ng almusal,' naglalaro sa isipan ko habang nginunguya ko ang natitirang pagkain sa plato ko.
Magdadalawang taon na kaming magkasama sa iisang tirahan at parehong tanggap ng aming pamilya ang relasyong meron kami.
"Tapos na ko," sabi ni Aiden na tumayo na kaagad mula sa mesa dala- dala ang kanyang pinagkainan.
"Hm, matatapos na rin ako," sagot ko sa kanya. Sinundan ko lang ng tingin ang bawat kilos niya mula sa mesa hanggang sa lababo. Hindi naman ako nagmamadali dahil day-off ko ngayon.
'Tamang- tama, Valentine's Day ngayon. Yayayain ko siyang lumabas mamaya,' naisip ko.
Pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan niya ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. Ako naman ay nagsipilyo na matapos hugasan ang pinagkainan ko. Ganito lang ang pang- araw- araw naming routine simula nang magsama kami sa iisang bubong.
Habang naliligo siya ay bumalik naman ako sa kuwarto at nahiga muli sa kama nang nakadapa. Ang sarap pakinggan ng huni ng ibon sa labas. Napatingin ako sa bintana habang nakahiga. Maaliwalas ang panahon. Perfect day sana para mamasyal kami ni Aiden kaso lang may trabaho siya. Ipinikit ko ang aking mga mata.
"Wake-up, sleepy head," sabi ni Aiden habang tinusok- tusok ako sa tagiliran ko kaya napaigtad ako. Nakabihis na pala siya. Napuno ang kuwarto ng pabango niya.
Napatitig ako nang matagal sa kanya. 'How I adore him so much,' naisip ko na naman.
Bigla ko siyang hinawakan sa braso at hinila kaya natumba siya sa kama katabi ko. Inamoy ko ang leeg niya.
'Ang bango niya talaga.'
" Hey, susunduin kita mamaya sa trabaho mo," sabi ko sa kanya. "Sa labas na tayo kakain," sabi ko habang marahang kinagat- kagat ang kanyang earlobe at pinag@pang ang kamay ko sa kanyang tiyan.
"Hoy, hoy, hoy! May trabaho pa ako. Male-late na ko. Kung ano-ano'ng ginagawa mo," sabi niya na parang nagsesermon habang bumabangon sa kama.
Pinigilan ko siya sa pagbangon habang hinahawakan ko siya sa braso.
"I love you," malambing na sabi ko. "Hindi ako magsasawang sabihin sa'yo nang paulit-ulit," tapos ay bumangon ako para halikan siya sa bibig.
"I love you, too," sagot niya pagkatapos niya tugunan ang aking halik. " Aalis na ko, okay? Hihintayin na lang kita mamayang hapon,"sabi niya.
"Okay," sabi ko at saka binitawan ko na siya.
Aiden's POV
12:00 na pala. Ang bilis ng oras. Sa sobrang busy hindi ko namalayan na tanghalian na.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Si Gavin, nagtatanong kung kumain na ako.
Ganyan lang talaga si Gavin. Palaging nagpapakita ng concern. Sa dami ba naman kasi ng pinagdaanan namin, ilang beses na niya akong nakitang umiyak at halos i give - up na ang relasyon namin. Paano kasi pareho kaming lalaki. Ang daming mapanghusga. Lalo na ngayon na nagsasama na kami.
"Hi, babyyy...ang cute- cute mo naman," narinig ko.
'Boses ni Gavin yun ah?' napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Gavin nga. Nakikipaglaro sa baby ng kasamahan ko sa trabaho.
Napatitig ako nang matagal sa kanila. Si Gavin at ang baby na hawak ng babae kong katrabaho. 'Gusto ba ni Gavin ng baby?', naisip ko.
Maya-maya ay tumigil na siya sa pakikipaglaro sa baby at lumapit na sa akin. Kilala na siya dito ng mga katrabaho ko.
"Hi, baby," bati niya sakin at hinalikan ako sa pisngi.
"Ay! Ang sweet naman! Sakit niyo sa mata!" komento ng komedyante naming kaopisina.
Napatawa kaming dalawa ni Gavin.
"Ibinili na kita ng lunch. Baka kasi hindi ka pa kumain," sabi niya at inilapag sa mesa ko ang pagkain na nasa balot na papel.
"Thank you," sabi ko. "Saan ka pupunta pagkatapos?"
"Uuwi ng bahay," simpleng sabi niya.
"Para sa lunch lang pumunta ka talaga dito? " sagot ko sa kanya.
"Okay lang naman. Nababagot na 'ko sa bahay eh," sagot niya.
"Hmm..mukhang nag- enjoy ka sa baby ni Faye ah," nasabi ko.
" Oo, ang cute- cute niya kasi," sagot ni Gavin.
"Sayang, hindi tayo magkaka- baby," saad ko.' Nalulungkot talaga ako na hindi kami magkaka- baby.'
"Cheer- up!" sabi ni Gavin nang mapansin na nalungkot ako. Yan ang nagugustuhan ko kay Gavin. He's always so concerned of me. "Okay lang na walang baby. Baby naman kita eh," sabi niya na nakatawa pa.
'Talaga Gavin? Okay lang ba talaga? Ni minsan ba sa isip mo hindi sumagi na gusto mo rin ng anak? Sarili mong dugo at laman? Bagay na hindi ko maibibigay?' ang sabi ko sa isip ko.
"Kumain ka na, hmmm? Huwag kung ano- ano ang iniisip mo. Nandito lang ako palagi," pag- a-assure niya sa akin.
Naiinsecure ako, lalo na sa mga babae dahil kaya nilang bigyan ng anak ang mga asawa nila. Samantalang ako, hindi. Para bang kahit anong oras pwede akong iwanan ni Gavin dahil kahit kailan hindi kami magkaka- anak.
"Ano ba ang iniisip mo?" pansin ni Gavin sakin.
Nagbukas ako ng bibig para magsalita, para sabihin ang nasa isip ko, kung mananatili ba siya sa akin kahit na walang chsnce na magkaroon ng anak, pero muli kong itinikom ang bibig ko.
"Kung ano man yan, tandaan mo lang palagi, mahal na mahal kita. Kahit ano pang mangyari, hmm?" sabi niya. "Sige na, kumain ka na. Susunduin kita mamaya pagkatapos ng trabaho mo."
**********
Kinahapunan, pagkatapos ng trabaho ko, nag message si Gavin na nasa baba siya kaya nag log-out na ako at bumaba. Pagdating ko sa baba ay naroon siya at nakatayo. May dala siyang bouquet of flowers. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang nalulunod ako sa saya. Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi.
"Happy Valentine's, babe. I love you," sabi niya at inabot ang bulaklak sakin.
Ngumiti rin ako. "I love you too, babe," sagot ko.
Napansin ko ang dala niyang box na kulay cream na may nakataling pulang ribbon.
"Ano yan?" tanong ko.
"Ah eto ba?"iniabot niya rin sakin ang kahon. "Buksan mo," sabi niya.
Kinuha ko ang kahon at binuksan ito. Napasinghap ako sa laman nito. "Siamese cat! Ang cute," naibulalas ko habang kinuha ang pusa sa loob ng kahon at kinarga ito. "Thank you, babe."
"Anak natin," sagot niya sabay ngumiti.
Tumawa ako. 'Si Gavin talaga.'
"Tayo na. Nagpa- reserve na ko ng table sa resto," sabi niya
Tumango lang ako at ninakawan siya ng halik.
**********
Gavin's POV
"Hi, babe."
Iminulat ko ang mata ko matapos marinig ang boses na gumising sa diwa ko. Kaagad na tumambad sa paningin ko ang mukha ng taong pinakamamahal ko. Wala nang sasarap pa kesa sa ang magising ka na kasama ang taong nagpapasaya sa iyo.
"Hi, babe," tugon ko at ngumiti sa kanya. "I love you very much."
" I love you too babe," sagot niya nang nakangiti.
THE END