Chapter 7

1 0 0
                                    

"Thank you."pagpapasalamat ko.

"Weird."pero kahit ganyan ka bahala na.

"Sorry,pero kailangan ko ng umalis,magsisimula na ang klase."kinuha ko na ang bag ko at umalis.

Nakatulala ako habang naglalakad papuntang classroom,hindi ko na rin alam kung bakit.

"AKIRA!"Napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Mila sa harap ko.

"Tangna naman oh! Bat ka sumigaw."natatarantang sabi ko habang hawak ang dibdib."aatakihin ako sayo."

"Aba! Sino ba namang hindi sisigaw e kanina pa kita tinatawag,nakatulala ka lang."inis niyang sabi.

"Andito siya."bigla na namang tumulo ang luha ko.

"N-nandito siya?"gulat niyang tanong,tumango lang ako.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko,Pano kong hindi parin siya gumaling?"

"You should act like there's nothing,wag kang magpapa apekto sakanya."

"H-hindi hindi ko alam ang gagawin ko."

"Everyone sit down!"pumasok si sir na galit, pinahid ko ang luhang pumatak.

"Where's Akira Kurosawa Miamonte?"kalmadong sabi ni sir.

"Sir?"nagtatakang tanong ko.

"Someone's finding you and he's waiting on the president's office,go!"Napatingin ako kay Mila.

"Ito na siguro."malungkot niyang sabi.

Pumunta ako sa office at nakita ko siya na nakaupo,mag isa lamang siya.

"Oh? Your here Darling."nakangiting sabi niya.

"Anong kailangan mo?"kalmadong sabi ko.

"You,I need you... please comeback to me please."nagmamakaawang sabi niya.

"No...wala na akong dapat balikan pa! Alam mo ba kong gaano kasakit mawalan ng pinakamalit na pinsan? Hindi diba?! Pati si Lola wala na ng dahil sayo!"dinuro ko siya ng puno ng hinanakit.

Hindi madaling kalimotan Ang panahong pagpatay niya sa dalawang pinakamalapit saakin,at ang mas malala,sa mismong harapan ko pa pinatay.

Saksi ako sa pagbaril niya sakanila,hindi ko magawang tulungan sila dahil mahina ako ng panahong iyon.

"Ni hindi kanga naawa sakanila,nagmamakaawa ako sayo non,pero hindi ka nakinig! Tinuloy mo! Tapos sasabihin mo kailangan mo ko? Tanga kaba?!"galit na sigaw ko sakanya.

"I need your forgiveness please.....Akira I love you......I regret all of my mistakes... please"umiwas ako ng tingin.

Hindi ako marupok para balikan ka Theo,Ayaw ko na.

"Nagsisisi?! Ngayon kapa nagsisisi na napatay mo na sila,nahihibang kana! Umalis kana please lang."hinawakan niya ako sa braso.

"Akira I still loving you,I love you."nilapit niya ang mukha niya saakin at akmang hahalikan na niya ako ng sampalin ko siya dahilan para dumogo ang labi niya.

"Ang kapal ng mukha mong harapin ako! Pagkatapos mong gawin iyon sa pamilya ko?!"nahihirapan na akong huminga.

"Please forgive me."

"Umalis kana."

"But—"

"Umalis kana sabi!"napasigaw ako dahil sa galit.

Tumalikod na siya,pero huminto ito at nilingon ako."I'll be back for you my love."tuluyan na siyang tumalikod at umalis.

Hindi ko mapigilang humagulgol sa iyak,pumunta ako sa cr at doon ko ibinuhos lahat ng luhang natitira sa mata ko.

Sigurado akong namumugto na ang mga mata ko."oh? The trash is here!"napalingon ako sa kong sino man ang nagsalita.

Nakita ko si Kathleen at ang mga alipores niya.Lumapit siya saakin at sinampal ako,dumugo ito.

Hindi ko kayang lumaban dahil nanghihina ako sa kakaiyak.Para bang gusto ko nang ibagsak ang katawan ko sa sahig.

"Ano ba kailangan niyo saakin? Pera? Sige bibigyan ko kayo."kukuha na sana ako ng Pera ng buhusan niya ako ng tubig.

Tangina! Hindi ko na kayang palipasin pa to,kahit nahihirapan ako kaya ko silang patumbahin.

"Wet gir—"

*Boghhss*

"How dare you to punch her?!"sumugod naman kaagad ang mga alipores ni Kathleen kaso ang hihina nila.

Naiinis ako sa tuwing iniinis din ako,kaya pasensiyahan tayo,uuwi talaga kayo sa ospital.

Sinapak ko siya at sinakyan tapos sinabunutan.
Ayon sapol! Ang epic ng mukha.

"Tangina niyo! Nagdadrama ako dito! Iniinis niyo ko,ayan tuloy inabot niyo! Mga duwag!"sigaw ko kumuha na sana ako ng bag para hampasin sila ng may pumigil saakin.

Napalingon ako kong sino iyon,bigla nalang nagsiliparan ang mga paru paru sa tiyan ko at tumibok ang puso ko na para bang aatakihin ako.

"Stop."seryosong sabi niya,binawi ko ang kamay ko at nag gagalit galitan sakanya para hindi halata na kinakabahan na ako dahil makikita ko na ulit ang guidance office.

Tanginang Buhay to!

"Sinimulan nila to kaya ako na ang tatapos."sasapakin ko na sana ng may pimipigil na naman saakin at dumami ang mga kamay.

Tinignan ko ito at nakita ko ang mga kasama niya.

"Dalhin niyo yan sa upisina ko."Naglakad na kaagad siya papunta sa office niya.

Ako naman ay hinahawakan ng mga kasamahan niya,nagmumukha na tuloy akong wanted na addict.

Namumula pa kasi yung mata ko.

Panira kasi ng moment iyong mga babaeng iyon.Dinala na din sila sa ospital.Sabi ko na nga ba eh!

Bakit kasi padalos dalos sila ng plano nila,mga bobo din pala makipaglaban,may dugo na rin ang kamay ko ng kaunti.

Nakarating na kami sa office at binitawan kaagad nila ako pero ako ang pinagitna nila,baka kasi balikan ko ang mga bobong Hayop na iyon.

"Why did you do that."tanong niya habang masamang nakatingin saakin.

"Alangan naman papalampasin ko diba? Nanghihina ako kanina tapos bigla nila akong binuhusan ng malamig na tubig,sinong hindi magagalit?"paliwanag ko.

Tumingin siya sa basang damit ko at  masamang nakatingin sa tatlo niyang mga barkada dahil nakatingin ito sa basa kong damit,hindi ko din namalayang nakikita na pala ang kulay black na bra na suot ko.

Tinakpan ko kaagad ito ng mapansin ko.Lumapit sa akin si Tyler at hinubad ang coat at ibinigay saakin.

Tinanggap ko ito at tinakpan ang dibdib ko para hindi makita.

"Punishment?"tanong niya.Bigla akong kinabahan.

"Teka lang!"pag angal ko.

"Pwede namang wag niyo na akong bigyan ng parusa? Parang awa niyo na,babalik din naman sila sa dati nilang mukha kaya wag niyo na akong bigyan ng parusa."pagmamakaawa ko.

"Okay,but....you can be my slave in one week."

"Pero—"

"No buts just do what I said."agad niyang sabi.

"You can go."padabog akong tumayo at umalis.

"Gosh! Ano na naman bang ginawa mo? Sumabak ka na naman sa gulo?"sunod sunod na tanong ni Mila.

"Hindi ko na kasi makontrol yung sarili ko,wag kanang mag alala nakauwi na sila sa ospital."kalmadong sabi ko.

"Juskoo! Pano kaba titino?!"ito naman parang nanay ko para pagsalitaan ako!

"Tapos ano?! Ospital?!"napapikit ako sa bigla niyang pagsigaw.

Nakatingin narin saamin lahat ng mga tao kaya isinaksak ko ang burger sa bunganga niya para matahimik,kaso nagkamali ako,nabilaokan siya kaya binigyan ko kaagad siya ng tubig.

"Gaga!"bulalas niya.

Hiding The Real HerWhere stories live. Discover now