Chapter 8

1 0 0
                                    

"ouch!"pinitik ni kuya ang noo ko ng malaman niya ang kagagahang ginawa ko sa school.

"Pang ilang gulo na ba yang sinabak mo?"tanong ni kuya.

"Siguro mga pang 23 na."pagbibilang ko.

Pinitik niya ulit ako."kuya naman eh! Di ko na kasi makontrol yung sarili ko kanina! Kung hindi nila ako sinimulan edi sana masaya sila ngayon!."Tinignan ako ni kuya ng seryoso

"Ano ba gagawin namin para tumino ka?"tanong niya.

"Siguro bilhan niyo ko ng pagkain araw araw—ouch! Nakakailan kana kuya!"inis kong sabi.

"Tanga! Araw araw ka naming pinapakain! Patay gutom ka talaga."

"Bahala ka!"sigaw ko,umalis ako ng bahay at pumunta sa mall magisa.

Naglalakad lakad lang ako at sinuri ang kabuoan ng mall ng may biglang bumangga saakin na babae."Ano ba!"inis kong sabi.

"Ow long time no see Akira."nagulat ako sa narinig kong boses.

Familiar yun saakin.

"Shirley Caesar?"tumawa siya ng nakakaloko.

"Anong kailangan mo? Akala ko kasi patay kana!"dagdag ko.

"Im alive! At bago ako mamamatay,sisirain ko muna ikaw sa pamilya mo! At sisiguradohin kong mawawalan ka ng kakampi."ano na naman bang naisip ng malanding to!.

"Kong ano man yang pinaplano mo, please lang wag mo nang ituloy pa,dahil baka mas malala pa diyan ang gagawin ko."seryosong saad ko.

"I'm not afraid of you honey! I'm stronger than you bitch!bye bye!"kumaway siya saakin at tumalikod.

Nagpatuloy na ako sa pag lalakad at bumalik na kaagad sa bahay,hindi na kasi ako bumili nagpapahangin lang naman ako sa mall.

"Omg Akira! You're home."bungad sakin ni Olivia.

"You know what? Kuya akiro is inlove na,he's courting someone."kinikilig niyang sabi.

"Wee?! Di nga!"tumatakbo ako papunta kay kuya na ngayon ay nakangiti.

"Ngiting tagumpay?"tanong ko habang kinukurot ang tagiliran ni kuya.

"Stop it akiii!"pigil niya saakin habang pinagpatuloy ang pangungurot.

"Courting huh? Kailan mo ipapakilala? Maganda ba? Cute!"sigaw ko,ini imagine ang mukha ng babae.

"More than that!"nakangiting sabi niya.

"Wee? Kailan mo nga ipapakilala?"

"Maybe soon? If magiging girlfriend ko na siya."

"Kumain kana ba? Mom and dad are eating in the dinning table."tumango lang ako.

"Tapos na ako kumain."umakyat na kaagad ako at nag bihis

Nag hilamos na ako at nagbihis bago ako humiga at natulog.

Kinabukasan

"Wake up! Mom is waiting."tinapik ako ni kuya at pilit ni pinapaupo.

Nakapikit parin ang mata ko dahil ayaw ko pang bumangon at tinatamad akong pumasok at dahil dragon ang mommy ko,bumangon parin Ako.

Naligo ako at nagbihis pagkatapos ay bumaba para kumain, pagkarating ko sa dinning area ay kompleto na sila at ako nalang yata ang hinihintay.

Umupo na ako para makakain, nagkwentohan lang sila at nag tatawanan,kahit na hindi ko gets ay tumawa nalang din ako.

Baka mapagsabihan akong kj.

"I'm full,bye mom and dad!"kiniss ko sila sa cheeks at niyakap pagkatapos ay kinuha ang bag at lumabas.

Pagkapasok ko sa campus ay dumeritso na ako sa locker room at kinuha ang ibang gamit,nakita ko ding may inaayos si Mila sa locker niya kaya nilapitan ko.

"Sabay na tayo."aya ko.

"Mauna kana may gagawin pa ako,tsaka susunod lang din naman ako."tumango nalang ako.

Naglalakad na ako papuntang classroom ng magkasalubong ko si nerdy girl.

"Hi nerdly girl!"bati ko sakanya,tanging ngiti lamang Ang ibinigay niya at nilampasan ako.

Lahat ng nakakasalamuha ko ay pinagbubulongan ako,at masamang nakatitig,kinunutan ko sila ng noo.

Ang weird ng mga tao ngayon parang papatayin ako sa titig,ano ba naman yung kasalanan ko? Nakakainis na ang mga tao ngayon.

Tsk bahala sila!

Hindi ko naman sila pipilitin na pansinin ako.

Naninibago lang kasi ako.

Pagkarating ko sa classroom ay nakita ko silang lahat na nakaupo sa kanya kanya nilang mga upoan,alangan namang tumayo!

Umupo na kaagad ako sa upoan ko,may kumakabit na kamay sa braso ko pero ng lingonin ko ay hindi si Mila.

"Hi aki!"bati saakin ng kaklase kong babae.

"Hello."

"Sabay tayo maglunch mamaya!"masiglang sabi niya.

"Sige ba."

Dumating na ang mga kaklase ko doon kasama na si Mila na walang imik habang papaupo na.

Bad mood yata?

"Kainip!"bulalas niya,napalingon ako sakanya ng may pagtataka.

"Nyare sayo?"tanong ko.

"May nabangga akong lalake kanina sa locker papunta dito tapos ng magsorry ako siya pa yung nagalit,tangna niya!"inis niyang wika.

Natawa nalang ako sakanya."naniniwala ako sa the more you hate the more you love."inis niyang binagsak yung bag niya sa upoan.

"Asa siyang magugustohan ko siya!"galit niyang sabi.

Pumasok na kaagad ang prof at nagpapa quiz nanaman,lutang pa naman ako ngayon.

Nag bell na at lunch break na naman!

Pumunta na naman ako sa garden at umupo sa damohan.

"Hays,makapag relax nga muna ng utak!"sabi ko,nag aral lang naman ako dahil baka sa susunod ay bagsak na naman ako sa quiz.

"Pota!"sigaw ko ng may biglang bumaba sa punong katabi ko,nilingon ko ito at nakita ko ang naka pokerface na lalaki.

Napahinga ako ng maluwag ng mapagtantong siya iyon."Jusko naman! Wag ka naman Basta Basta nalang sumusolpot!"sabi ko.

"Are you shouting at me?"tanong niya habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay,alangan naman apat Diba?!

"Eh bakit abot ba sa boung Asia ang boses ko?"tanong ko at itinaas ang isang kilay.

"Tss, don't forget that you're now my slave."ay oo nga naman.

"Ano na? May ipapagawa ka?"tanong ko.

"Buy me a orange juice and burger."nanatili lamang ako sa kinauupuan ko at hinihintay siya.

"What are you waiting for? Go!"tumayo ako at hinarap siya,kaso di kami magkapantay dahil matangkad siya.

"Aba! Alangan naman ako ang magbabayad Diba?! Syempre bigyan mo ko ng pera pambili."hinihintay ng kamay ko ang pera.

"Tsk,here!"abot niya sakin ang isang libo,wow yaman ng boss ko.

"Ibibigay mo naman pala e!"tumakbo na ako papuntang cafeteria,hindi pa lamang ako nakakalayo ay may sinabi pa ako.

"Akin na yung sukli boss!"sigaw ko,nakita ko siyang napapailing dahil saakin.

Tutuhanin ko talagang hindi ibalik sakanya ang sukli.

Hiding The Real HerWhere stories live. Discover now