kailan(bromance) CHAPTER 9 : cellphone

1.2K 17 6
                                    

ayan.. before kopo umpisahan ang chapter na to gusto ko lang pong i clarify na ang mga pangyayari sa kwentong ito ay pawang KATHANG ISIP lang.. so kung may mga pangalan na nabangit at nagtugma sa pangyayari totoong buhay ay HINDI KOPO SINASADYA :)

anyway.. lets get it on :)

CHAPTER 9 : cellphone

============================================================

PAO's Pov.

nang matapos akong mabasa ang text msg. na yun na galing kay mystery Lee ay natulala nalang ako, di ko alam kung ano ang irereact ko, kung mag wawala ba ako, ngingiti o tatambling.

habang hawak kong ang cellphone ni Nikko ay nakatingin na pala siya saakin, kaya patay malisya nalang ako kunware nalang na hindi ako apektado.

"ah sorry na-open ko bigla, heto oh" at inabot ko sakanya ang cellphone niya, napansin ko na medyo nag iba ang itsura ni nikko ng mabasa niya ang msg. sabay tingin sakin, ako naman patay malisya at kunware may tinitignan sa phone ko, ng mga oras na iyon ay parang sasabog ang dibdib ko, yung kahit sobrang ingay ng mga kasama ko eh nangingibabaw parin ang tibok ng puso ko, nararamdaman ko na ang mga namumuong luha sa mata ko at hindi ko alam kung bakit pero kusa nalang  nagtipon tipon ang tubig sa mata ko, kaya naman bago pa sila bumagsak ay tumayo ako

"C.R. lang ako guys" hindi na ako tumingin sakanila at dirediretso na ako sa paglakad. at nakaka ilang hakbang palang ako ay tumulo na agad ang mga luha ko,, siempre ayaw kong maging center of attraction kaya pasimple kong pinunasan ang mga mata ko, habang naglalakad ako papunta ng C.R. bigla kong narinig ang boses ni Nikko

"pao, teka lang" so ako naman medyo binilisan ko pa ang lakad ko at pumasok na agad sa C.R. pag pasok ko

"pao teka lang, ano to?"

"anong ano to? ano kaba mag si-C.R. lang ako, napano ka?"

"yung nabasa mo"

"nabasa? ah oh ano ngayon?"

"pao, wag ka namang ganyan oh, nagseselos kaba?"

ano daaaaw? ako nag seselos? nakoo nikko malamang OO nagseselos ako! tanga kaba? yan ang gusto kong isagot sakanya kaso natakot ako

"hulu? bat naman ako magseselos? ano ka ba"

"hindi ka nagseselos?

"hindi nga"

"ehh bakit ka umiiyak?"

"ehh trip kong umiyak eh, bakit ba? nakooo nikko jan kana nga"

at lumabas na nga ako ng C.R. sa totoo lang habang kausap ko siya sa kanina ang dibdib ko nagwawala, gustong gusto nang sumabog, kaso wala naman akong ibang  maisip na gawin kundi mag-sinungaling kesa naman mag mukha akog kawawa sa harap ng taong akala ko magiging dahilan na ng  pagiging masaya ng puso ko na sa kasamaang palad ay magiging dahilan lang pala ng lalong pag ka lungkot nito.

paglapit ko sa mga kaibigan ko ay umupo agad ako sa tabi ni Majoy at sinandal ko ulo ko sa balikat niya 

"ohh anong problema?" bulong sakin ni majoy

di na ako nagsalita at yumakap nalang ako sakanya. 

kailan(bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon