Cait's Pov
The first week of our bubble went by too fast. Hindi pa kami masyadong pinapagod ni coach, pero ramdam namin na patagal nang patagal pahirap ito. It's always gising ng maaga, training, breakfast, break, lunch, training ulit sa gabi, and then dinner. Sometimes, kapag hindi ganun ka-pagod ang lahat, we make time para magkasama-sama kami sa iisang kwarto. Lagi nilang naiisipan na maglaro, magkaraoke, o mag-make time para makipag-interact sa fans sa live.
Naalala ko nga one time may kanya kanya talaga kaming mundo para kaming binigyan ng group task tapos kailangan lahat makakaexperience or iikot yung gawain. Sina Pongs, Isa at Thang thang sila yung pasimuno sa paglalive nahila rin ata nila si kat at reg halos 1hr nga rin sila nalive kasi nagsset sila ng goal para mareach ng supporters then isa isa kaming tatanungin kung kiss, marry at kill, si Achi Den at Dukie nasa sala naglalaro ng tekken, and ako naghihintay ng maaaring gawin nung una kita pa ata ako sa live na pauli uli pero nung natapos naman yung iba ng gawain ay nag-aya sila to play monopoly (magaling ako dito :P) finally diba may magagawa rin ako nung time na yun.I was with Bea, Deanna, and Achi Den ramdam na ramdam namin yung pagiging chaotic namin sa room nung time na yun, sobrang competitive namin even ate den tapos sina pongs naglalaro na ng spot it kaya kasabay din ang sigawan nila.
So far so good, naeenjoy ko every moment with them. Bukod sa dalawang training namin sa isang araw, nagagawa pa rin naming mag-enjoy pagkatapos. Isa sa nauso sa team namin ay yung panggugulat. Ako nga ata ang madalas gumawa nun, pero ang nakakatawa talagang gulatin ay si Bea. Siya talaga ang napaka magulatin, pero isa rin siya sa mga pasimuno at lagi siyang sumusuporta sa akin para gulatin ang aming mga teammates.
Kung tatanungin nyo kung nasan sila siguro nasa room sila nina Des hindi rin ako sure kasi napili ko na magstay nalang dito sa room namin ni Bea kasi ramdam na ramdam ko talaga ang pagod, gusto ko nalang laging nasa room at humiga. Nag insist si ate Jem na samahan muna ako, nalaman niya kasi na wala rin akong makakasama at hindi pa rin niya feel na makigulo sa iba hahahaha.
"Cait, pupunta ka pa ba sa kabilang room later?" tanong ni ate Jem sakin napaisip din naman ako kasi baka isipin nila na ayoko silang makasama
Ilang araw na ang nakalipas na nakasama ko sila pero they always ask me kung okay ba ako or awkward pa rin ba ang nafefeel ko. Honestly, masaya silang kasama kaso nga lang nasa akin na yung problema kasi I always want na hindi masyadong makipag-usap pero I know naman na hindi ganito palagi at magiging fully open ako sa kanila soon.
"Baka hindi na, ate. Bukas nalang ako makikigulo. Medyo hindi rin okay pakiramdam ko," sagot ko kay Ate Jem.
"Masakit ulo mo?"