Cait's POV
Matapos ang matinding asaran at ayaan with Deanna, nandito naman ako kay Bea. Akala ko talaga hindi mapupunta sa kung saan yung small talk namin. After kasi namin mag-usap ni Deanna at Reg, bigla nalang sumulpot itong si Bea at hindi pa pala umuuwi. We had a small talk and sabi niya may hinihintay pa siya kaya siya nandito, pero heto kami ngayon magkasama sa car niya dahil sa kung saan napunta yung small talk namin. May ibang nararamdaman ata itong roomie ko?
I want to accompany her this time kasi base sa sinasabi niya kanina, may something talaga e. It's creeping me out kahit hindi ko pa naman alam kung sino at ano yung totoong nararamdaman niya. Baka lang itong pagsama ko sa kanya ay makakahelp sa kanya para makapag relax at makapag-isip ng maayos. Masaya lang din ako kasi nabibigyan ako ng chance na masamahan ang mahal ko sa buhay like Bea in times like this na may gumugulo sa isip nila.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" I kept asking Bea, parang 10x ko na atang natanong sa kanya kasi gusto kong makasigurado na tama yung desisyon niya na may puntahan kami.
"You're so kulit, I told you, road trip lang," from her tone naiirita na 'to sakin kasi paulit-ulit nalang.
"Oh, kalma, sure ka na ba talaga dito?"
"Yes, Cait, kanina you agreed naman pero parang ngayon gusto mo nalang umalis kaya siguro you keep on asking questions," she said while opening the door ng car for me.
"Ikaw kasi e, sabi mo may date ka edi sana siya nalang sinama mo para nakapagpahinga rin ako. Dapat siya nalang sinama mo," I said while using my not so baby voice.
Hindi pilit yung pag-agree ko sa kanya ah. I want to tease and see her reaction lang this time. From payag na payag to parang gusto nalang takasan si Bea char! Mukhang effective naman yung ginagawa ko sa kanya pero ewan ko rin dito ang hirap niya basahin.
"Mamaya pa nga siya diba kaya tayo muna."
"Ay wow pagkatapos ko siya naman, ano 'to bea pampalipas lang ba ako ng oras mo? Grabe ka na roomie."
" Nope, bawi mo sakin 'to kasi nakalimutan mo yung dinner natin."
"Sabi ko nga." Hindi ko talaga alam kung paano ko yun naisipang kalimutan.
"See? Wala ka nang magagawa."
"Oo na, Beadel, tara na." Wala rin naman talaga akong magagawa kaya't pinatuloy ko na lang siya sa pagmamaneho.
"Wala ka bang ibang gagawin?"
"Pag ba sinabi kong marami, siya na lang aayain mo?" Pangungulit ko ulit.
"Caaaaaait......" Sana lang you guys can imagine kung gaano siya kacute ngayon. Her face halo-halo talaga, napipikon, naiinis, nag-aalala, o lahat na.
"AHAHHAHAHAH wala naman, sige na, sasamahan na kita pambawi," bawi ko naman, and she smiled.