Cait's POV
This past few months, napapadalas ang paglabas namin ni Deanna, pero minsan we're with Reg naman. She just bugs me to go with her sa sobrang kulit at matampuhin, wala akong magawa so I just keep on saying yes. You all know naman how Deanna pushes na magawa yung gusto niya at the same time how she reacts pag minsan hindi nabibigay yung gusto niya. Every before training, she would go to my condo with Reg just to pick me up and eat pares as our breakfast. Every weekend nangungulit pa rin siya, iba-iba trip niya e. Minsan aayain niya ako for movie night, minsan we would go watch UAAP. Tapos nakikita pa nga kami nina Bea, Ate Den, at Ponggay dun, pero mostly naman kumakain lang talaga kami sa labas.
Our team is planning to have a vacation together. They all want to go for a beach break, which is probably at the end of August because not everyone is free during the first week of August. We're excited about the idea of spending quality time together outside of our usual training routines kahit sabihin na naglalaro lang naman kami nakakapagod din talaga yun. It's a chance na rin for us to bond matagal tagal na yung huling lumabas kami na buong team talaga sa sobrang focus sa game. Plus, a beach getaway sounds like the perfect way to relax and recharge before gearing up for the upcoming season. Pero itong si Deanna may plano na namang sinasabi sa amin ni Reg.
"Okay na ba sa plan? 3-day break sa Boracay, end of April tayo guys," Maddie asked to make everything clear.
"3 days lang? kulang naman pero gora lang" sagot ni Bel
"Copy, we'll be here na naman by April 15," Ate Den said.
"Yes, Boss Maddie," asar na sagot naman ni Bea.
Nakapumewang na sinagot ni Maddie si Bea. "Ikaw Bea, siguraduhin mo na makakahabol ka ha," mataray na sabi nito.
"You know me naman," natatawang sabi ni Bea. Ito siguro ay dahil sa daming ganap sa buhay ni Bea. Madalas kasi pag may pupuntahan kami, pag dadating siya, nakaayos pa kasi galing din sa isa pang event. I admire her nga dahil nababalance niya yung endorsements, time with us, training, and games, tapos yung sa family niya pa.
Binaling naman ni Maddie ang atensyon sakin, Reg, at Des. "Oh siya siya kayo?"
"G ako dyan bhie, nakakalimutan mo atang beach girlie ako," naunang sagot ni Des, may papost pa siyang ginawa na parang nasa beach na talaga.
"Okay lang din sa'kin Madz," ayun naman ang sagot ko.
"Gora lang ako, pero itong si Deanna may iba pang plano before tayong magbeach," tinuro naman ni Reg si Deanna.
"May ibang plano ka pala, mister, hindi mo naman kami ininformed," makulit na sabi ni Thang thang.
"Aba aba, basta ang mahalaga makakapunta kayong lahat ah, lagot talaga kayo sakin."
After all the discussion, sinigurado na ni Maddie na makakapunta ang lahat. From date, time, at accommodation, down to the activities planned during the beach break, lahat ay nakaayos na. She even created a group chat para mas madali ang communication, kung may mga last-minute changes or updates. Sinigurado rin niya na may contingency plans in case may mga unexpected events na mangyari. She also told us that our management na ang in charge of booking the accommodations, organizing the transportation, and planning the itinerary.