Bea's POV
"Okay guys you can do everything you want na, wala muna ng training sa Saturday at Monday. Spend your time wisely after this, balik agad tayo sa training, okay? Understood?" Coach told us.
"Yes Coach!" halos sabi ng lahat
"Thanks Coach!" ayan naman ang sabi ko
The coaches give us time to relax. They said that we deserve it because the past few games have become really exhausting for us. They are right, first 4 games kasi namin yung malalakas agad ang nakaharap namin but we managed to fight through. Although nagkulang kami sa isang game Im proud pa rin sa nararating ng team namin ngayon. After this, ang next namin makakaharap ay ang mga new teams kahit we know na bago sila kailangan pa rin namin silang paghandaan.
"Guys, tara lunch together!" sigaw ni Maddie.
Sakto yung aya niya kasi halos lahat kami gutom na gutom na talaga. Everyone agreed except kay Shannen and Kat na may kanya-kanyang lakad. Si Des na ayaw sana pero wala na ring nagawa kasi malapit lang sa bahay niya yung pagkakainan namin.
"Let's go na, sinong sasabay sakin?" tanong ko. Napagdesisyonan nila na magsama-sama nalang para hindi hassle na kanya-kanya pa kaming car.
"Ate Bei, pwede pasabay kami ni Bel?" tanong naman sakin ni Thang. I just nod as an answer.
"Kay Des nalang ako sasabay."
"Kay Deans kami."
"Kasya pa kay Ate Den!"
Minsan talaga kahit simple yung ginagawa namin, parang ang gulo-gulo pa rin ng nangyayari sa amin. HAHAHA.
"Sama na natin si Keytilin," rinig kong sabi ni Isa.
"Cait, tara samin ka na sumabay." Lumapit ako sa kanya para makuha ko ang atensyon niya, hindi na rin siya tumanggi kasi okay din siya kasi kasama sina Thang Thang.
Napag-usapan namin na dun nalang sa meeting place magkita kita. Ito ata yung bagong kainan na sinasabi nila last time, parang 30 minutes away din ito sa training center namin. Habang nasa car, nagkukulitan sa likod si Thang at Bel, ito namang katabi ko tinatawanan lang sila.
"Masarap ba dun?" curious na tanong ni Isa.
"Malay ko ba, Bel, kaya nga tayo pupunta. Itatry nga natin, diba, kasi bago siyang bukas," sagot ni thang.
"Okay okay, kalma," natatawang sagot naman ni Isa.
Every time na kasama mo sila, talagang hindi mawawala yung tawa sa kulitan at asaran nila. They become the happy pill of the team nga eh. Pag nandyan sila, parang light lang ang feelings namin.