CHAPTER 3

882 23 0
                                        


Hindi na ako nagtangka pang buksan ang kahon na nasa bakuran namin. Baka mamaya social expirement lang ito.

Bumalik na ako loob ng bahay inaantok padin naman kaya hindi din ganon katagal bago ako dinalaw ng antok.

Nakakasulasok na amoy ang nagpagising sa akin kaya agad akong bumangon upang hanapin Kung saan nanggagaling ang amoy  mabuti nalang dahil sumisikat na ang araw kaya medyo maliwanag na..Sinundan ko ang amoy at dinala ako nito sa may gate doon ay naalala ko ang kahon at ang letter na nabasa ko kagabi muli nanamang umakyat ang  takot sa aking isipan dahil sa nabasa ko.

Mabaho

Malansa

Masakit sa ilong ang amoy na nagmumula sa kahon siguro ay iniwan ito ng mga nagtitinda ng isda dito. Dahil sa kuryusidad ay tinanggal ko ang ribbon na nagsisilbing lock ng kahon at laking gulat ko ng gumulong ang isang ulo,ulo ng tao at ang mas ikinagulat kopa ay ng marealize ko kung kaninong ulo ito dahil walang iba kung hindi ulo  ni Aedan, dikona napigilan pang sumigaw kasabay ng malakas na paghagulhol  dahil sa sobrang takot at awa sa sinapit ng kaibigan ko. Dahil sigaw ko ay agad rumesponde ang baranggay tanod. kasabay din ng pagdating ng aking mga magulang niyakap ako ni papa samantalang tulala lamang na nakatingin si  mama. Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa ginawa nila sa kaibigan ko, sa loob din ng kahon ay nakalagay ang ibang parte ng katawan nya putol putol ito para bang ginawang karne ng hayop.

——

"A-EDAN" Malakas na sigaw ko

"Anak gising!"

Nag aalalang mukha ni papa ang bumungad sa akin ng magising ako, hinawi niya ang buhok ko.

"Tahan na, binabangungot ka" Pag aalo nito. Agad ko siyang niyakap.

"Papa si A-edan, pinatay si Aedan" umiiyak na sabi ko.

"Shh nandyan si Aedan sa labas hinintay ka" hinagod ni papa ang likod ko.

Nag ayos muna ako bago ako tuluyang lumabas.

"Goodmorning Fernn" Masiglang bati ni Aedan may hawak hawak siyang kahon, parehong pareho kung anong disenyo at kulay na nakita ko sa panaginip ko kagabi.

"Saan galing yan?" Pilit kung ikinakalma ang sarili ko.

"Ah ito ba?" Itinaas niya ang may kalakihang kahon. "Hindi ko alam, nakita kolang sa may bakuran niyo kanina kinuha kona baka may makakuha pang iba" Paliwanag nito.

Umakyat ang kaba sa buong sistema ko..Hindi ito pwede.

Mabilis kung kinuha yon sa kamay niya.

"Grabe ka naman! Hindi ko naman aagawin" nakangising sabi niya, hindi ko siya pinansin nagfocus ako sa box na hawak ko.

"Oy saan ka pupunta?" Habol ni Aedan pero hindi ko siya pinansin, mas binilisan ko ang paglalakad ko hanggang makarating ako sa kwarto ko, agad ko iyong nilock para hindi siya makapasok.

"Peryang buksan moto" Malakas na sigaw ni Aedan sa labas. Nakakainis at gusto ko na syang saktan dahil sa pagtawag niya.

"Umalis kana! Hindi ako papasok" sigaw ko pabalik

"May problema ba?" Kalmado na ang boses niya.

"Wala, sumama lang pakiramdam ko"

Hindi na ako nakarinig pa ng sagot sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang box, marahan ko munang inamoy yun pero wala naman akong naamoy na malansa kaya kumalma ako.

May nakalagay na short message sa labas na nakasulat sa magandang brand ng papel, italic din ang pagkakasulat non napaka iconic din dahil kulay pulang tinta ng ballpen ang ginamit.

“If feelings had fingerprints, yours would be on everything I touch.”

Wow english! Kanino kaya galing to? Sa pagkaka alala ko wala namang nagkakagusto sakin na may kakayahang gawin to, takot nalang nila kay papa.

Maganda ang pagkakabalot ng regalo na nasa loob, nakakahiyang sirain dahil paniguradong mahal ang ginamit na pambalot.

Napaatras ako ng makita ko ang laman ng regalong nakalagay sa maliit na box.

Kabaong iyon na may picture ni Aedan sa loob.

May letter ding kasama sa gilid.

                    Sa lahat ng ayaw ko ay yong may kaagaw ako sa pagmamay ari ko. Kaya hangga't maaga lumayo ka sa kanya dahil kung hindi—bangkay na niya ang huli mong makikita.
  
                                                     —Blackrose

Mabilis kung pinunit ang letter saka inilagay sa basurahan.

------

"Peryang, hoyy"

Napatingin ako kay Aedan

"Bakit nanaman? Isa pa pwede bang wag mo akong tawagin sa nickname ko nayan!"

"Oh kalma"

Hindi ko nalang sya pinansin pa mas nagfocus ako sa ginagawa kong pagbabasa.

"Fern"

"Hmm"

"Fern"

"Hmm"

"Fern"

"Ano ba?" Singhal ko.

"Shhh quit" segunda naman ng librarian

Naiinis naman akong tumingin kay Aedan habang siya ay nagpipigil ng tawa.
                        
Hanggang matapos ako sa aking pagbabasa ay hindi ko siya pinansin. Mabuti nalang din at nakaramdam sya dahil ilang minuto lang ay umalis din sya sa table kung saan ako nakaupo.

ESCAPE(UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon