ESCAPE

1K 22 0
                                        


He looks like an angel, but I know there’s a sleeping demon inside him.

Paano kung isang araw magising ka na lang na may taong sobrang obsessed sa’yo—yung tipong handang gawin ang lahat para mapasakanya ka. Kahit alam niyang masasaktan ka. Kahit alam niyang mali.

Ano ang gagawin mo?

Tatakas ka ba? O mananatili?

“Don’t you dare leave me again. Alam mong mahahanap at mahahanap kita kahit saan ka man magtago.”

Malakas ang sigaw niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, o kung may patutunguhan pa ba ang pagtakbo ko. Parang ito na yata ang kapalaran ko, ang maging biktima ng halimaw na katulad niya.

Masakit na ang katawan ko. Sugatan. Pagod. Pero patuloy pa rin akong tumatakbo, kahit hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang—kailangan kong makalayo sa impyernong lugar na ito.

Walang silbi ang pagtakbo ko. Nasa kabayo siya.
Sa sobrang pagod, napaupo na lang ako.

Humahabol ang hininga ko, mabilis ang tibok ng puso ko. Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yabag. Alam kong siya na iyon.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

“Why are you running, baby?” bulong niya sa tenga ko. “Ayaw mo ba akong makasama dito sa isla?”
Nanindig ang balahibo ko.

“Open your eyes, Fern.”

“Please, Sean… pakawalan mo na ako.”

“I don’t want to,” malamig niyang sagot.

May malamig na bagay na dumampi sa mukha ko. Natigilan ako sa takot. Hindi ko na nagawang imulat ang mga mata ko.

“Answer me,” mariin niyang sabi. “Iiwan mo rin ba ako tulad ng ginawa nila?”

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakangiti siya, isang ngiting walang kahit anong bakas ng awa.

“N-no… hindi,” sagot ko, kahit nanginginig ang boses ko.

Akala ko roon na matatapos ang lahat. Nagkamali ako. Ito pa lang pala ang simula ng impyernong buhay kasama siya.

“Bakit kita pakakawalan?” tanong niya. “Bigyan mo ako ng dahilan.”

Pinilit kong tumayo kahit nanghihina na ako.
“Dahil… hindi kita mahal,” sigaw ko. “At hindi kita kayang mahalin.”

Tumulo ang luha ko. Pagod na pagod na ako—pisikal at emosyonal.

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
“Please don’t cry,” mahina niyang sabi.

“Nasasaktan lang ako kapag umiiyak ka.”

“Leave me alone,” pakiusap ko. “Please.”

“I’m sorry,” bulong niya. “Pero akin ka lang. At hindi kita kailanman pakakawalan.”

Buhat-buhat niya ako. Unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Ang huling nakita ko—ang mga mata niyang puno ng saya, isang saya na kailanman ay hindi ko naintindihan.

“You can’t leave me,” sabi niya. “At kapag nagtangka ka man, sisiguraduhin kong hindi ka na muling makakatakas.”

———

Ilang oras na pambubogbog ang inabot ko, pero pagkatapos non ay niyakap niya ako ng mahigpit. Umiyak din siya sa balikat ko pilit na isinisisi sa akin na kasalanan ko kung bakit ako humantong sa ganitong sitwasyon. Hindi nalang ako sumagot dahil alam ko na mas magiging malala lang ang sitwasyon kapag nagkataon.

Punong puno ng sugat at pasa ang katawan ko. Kanina pang wala si Sean dito kaya ako lang mag isa ang naiwan sa napakalawak na mansyon. Tinanaw ko ang paligid dumidilim na.

Kailan kaya ako makakatakas sa impyernong ito?.

ESCAPE(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon