Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing kagabi. Ngayon ko lang kasi na-realize na kailangan ko nang isaoli yung test paper ni Elyahs.
Sa totoo lang, kahit nong hindi ko pa sya crush, nai-intimidate na talaga ako sa kaniya. Matalino kasi sya, tahimik tapos matangkad. Malamig din yung boses, parang wala laging interes makipag-usap sa tao. Pero kapag matalino rin kausap nya, para syang batang excited.
Small things lang 'yon pero napapansin ko pa rin talaga. Ganon ako ka-observant when it comes to him. Kaya nga nakaka-concious dahil nasa likod ko lang sya. Pinaka front row pa naman ako.
Pagpasok ko, nakita ko agad yung bag nya sa upuan nya pero wala sya ron. Kaya kinuha ko yung chance na yon para ilagay sa bulsa ng bag nya yung papel. Agad akong umupo at umayos sa pagkaka-upo bago gamitin ang phone para kalimutan na ang ginawa.
Habang nag-scroll ako sa internet, narinig ko ang usapan nila ng kaibigan nya, yung lagi nyang kasama everywhere. Si Timmy, ang alam ko since grade 7 kasi magkaklase na sila.
"Huh? Nandito pala yung test paper ko sa Basic Calculus eh." Lumaki ang tainga ko nang marinig ang boses ni Shawn.
"Oh, hindi mo ba nakita r'yan kahapon?"
"Hindi eh. Akala ko nga nawawala talaga."
Humagalpak ng tawa si Timmy, "Akala nga namin iiyak ka na kagabi."
"Hindi ako iiyak, maiinis lang."
Marahan akong napalunok dahil sa narinig. Hindi talaga nila dapat malaman na ako yung nakadampot non. Baka hindi pa nagsisimula, tinapos nya na.
"Ano 'yan? Ah yung test paper mo, Shawn? Sabi sa iyo baka nasa bag mo lang, walang nakita yung mga cleaners kahapon." Ani Elijah. Napatingin tuloy ako sa kanila.
Dahil sa gulat, napatingin din silang tatlo sa akin. "Oh bakit, Sisi? Nawawala rin ba test paper mo?"
"Huh?" Hindi ako naka-imik. Saglit pa akong napatulala bago matauhan. "Hindi naman. Nawawala ba yung iyo, Elijah?"
"Yung kay Shawn yung nawawala." Sagot ni Elijah.
"Nahanap ko na." Ani Shawn, sabay tingin sa akin at sa kaibigan.
Ngumiti na lang ako sa kaniya bago tumingin sa harapan at nag-cellphone na lang ulit. Hindi ako close kay Shawn at Timmy pero friend ko naman kahit papaano si Elijah.
1 hour bago ang recess, habang nagsusulat ay aksidente kong nailaglag ang gel pen ko. Napakagat ako sa labi habang pinupulot. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko, ang mabagsak ang ballpen ko during discussion, posible kasing mawalan ng tinta.
Pag-upo ko nang maayos, sinubukan kong magsulat muli upang makasabay sa itinuturo ng teacher. Pero wala pang isang minuto ay nawalan na talaga sya ng tinta. Wala akong extra kaya napakuyom ang kamay ko sa inis.
BINABASA MO ANG
Can't You See?
Teen FictionIt is a commonly held belief that when one harbors affections for another, they will commit to memory the most minute details of that individual - the simple habits, gestures, and even mistakes that no one would ever pay attention to. That's how I a...