"Absent ka pala kahapon, hindi ka nagsasabi. Anong oras na akong nakakain ng lunch non ah."
Nasa harap ko na ulit si Rhine at sabay na ulit kaming kumakain dito sa lounge.
"Sorry, napahimbing kasi yung tulog ko, tapos parehas palang may pasok sila Mommy. Kahit yung calls nila hindi ko nasagot."
"Pero bakit hindi rin kita ma-contact?" Tumingin ako sa kaniya, dismayado pa rin. Nakayuko lang tuloy sya at kumakain lang. Buti lang sa kaniya 'no.
"In-off ko yung phone ko kasi tawag nang tawag sila Mommy. Mahirap ding walang phone ah. Saktong nasira pa yung computer ko." Malungkot nyang sinabi iyon pero kahit kirot sa puso wala akong naramdaman, kasi andon pa rin yung tampo. "Nagbasa lang ako ng books magdamag, tas nanood ng Anime sa TV."
"Hanggang makauwi ang Mommy mo?"
"Oo, mga bandang 1pm sya nakauwi eh, kaya late din akong naglunch at nakapag-phone. Don ko lang nakita yung missed calls mo."
"Ewan ko sayo, bahala ka dyan."
Tahimik tuloy kami buong lunch, hanggang sa mag-uwian. Pero naging okay din naman kalaunan, hindi ko matiis, masyado syang madaldal.
Ilang araw ang lumipas at February na, excited na ako dahil sa 13 ang birthday ko. Ang alam ko kasi ay aalis kami nila Papa dahil uuwi na sya ulit ng Pinas para sa birthday ko. Sunday pa naman 'yon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, sabi ni Mama ay secret muna.
I did well sa mga exams ko kaya hindi na mainit ang dugo ni Mama, mas mabuting ipagpatuloy ko raw iyon kung gusto kong mag-aral sa University of the Philippines. Hindi naman ganoong kataas ang pangarap ko, pero dahil sa tuition fees ng ibang school, mas maganda nga na mag-public ako.
Wala namang masyadong naging ganap. Mas madalas pa kami bigyan ng activities kaysa makaramdam ako ng kilig. Madalang na lang kasi interaction namin ni Shawn. Tignan niyo, kahit na magkalapit lang kami wala talaga kaming imikan. Ganyan sya kalamig.
Habang papalapit ang birthday ko, mas dumarami rin ang nag-aabang sa Valentine's. Kasama sana akong nag-aabang non kung interesado pa rin akong lumandi. Kaso hindi muna kaya, siguro next year baka meron na.
"Alright, that is to be pass next week. February 14. Walang extension ha, kaya niyong mag-bebe time pero gumawa ng simpleng book activity kinokopya pa sa kaklase. Isipin niyo kinabukasan ng mga baby niyo." Hirit ng English teacher namin.
"Oo nga, may pa baby-baby pa kayong nalalaman tapos nangongopya lang kayo sa akin!?"
"Ikaw na lang baby ko, tas pakopya."
Nagtawanan kaming lahat sa bulyawan ng mga kaklase kong lalaki. Ganyan sila tuwing klase ni Ma'am, nakakasabay kasi sya sa mga jokes.
Sa last subject naman namin ay nagpa-groupings ang teacher namin para sa gagawing brochure. Hinihiling ko talaga na mapasama sa mga kaklaseng matatalino, hindi ko na kasi kayang maging leader tapos mababa pa rin yung grades ko.
BINABASA MO ANG
Can't You See?
Teen FictionIt is a commonly held belief that when one harbors affections for another, they will commit to memory the most minute details of that individual - the simple habits, gestures, and even mistakes that no one would ever pay attention to. That's how I a...