Kabanata 5

8 3 19
                                    

Sa bawat araw na nagdaan, sa bawat pag-iwas ko sa kaniya, mas lalo akong nasasaktan.


Kung dati ay madalas din akong kasama ni Elijah, mas nabawasan iyon ngayon. Paano ba naman kasi, lagi rin silang magkasama ni Shawn. Silang tatlo nila ni Timmy.


Pero sa mga araw na wala akong ginawa kung'di ang umiwas ay mas napalapit ako sa katabi ko. Si Tristan. Hindi kami nagpapansinan dati, kasi hindi rin naman sya yung katabi ko last sem.


At ngayong mas pinili kong umiwas, malamang ay may magbabago. Dahil mas pinili kong magbago.


"Paabot nga 'to mamaya kay Elyahs, diba sya yung mangongolekta ng papers?"


Huminto sa ginagawa si Tristan at kinuha ang papel ko. "Maglalaro ka mamaya?"


Sinulyapan ko ang phone niya, he's playing PUBG Mobile. "After school? Pag natapos ko agad yung activities." Sagot ko.


"Dalawa lang naman 'yon diba?"


"Lang? Nila-lang mo ang Mathematics? Sige, pakopya ako."


Tumawa sya at pinatong ang kamay nya sa balikat ko, "Pipicturan ko lang yan may sagot na agad ako." 


Mag-isa syang tumatawa ng malakas habang ako'y napa-iling na lang.


I know that he is using an AI for solving Math problems. Marami akong nalaman na AI tools because of him, pero lagi kong pinipigilan ang sarili ko na gamitin yon. Bad habits lang ang makukuha ko kasi kapag nasanay, pero if gagamitin for more ideas, sure why not.


Madalas after ng closing prayer, sabay kaming lumalabas ni Tristan. Saka nya lang ako iniiwan kapag kasama ko na si Rhine. Nasanay ako sa ganon kaya hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nya.


"Nandyan na pala si Rhine, una na ako." Ani Tristan na nakatingin sa likuran ko. 


Kumaway sya at saka tinakbo ang papaalis na jeep. Pinanood ko lang syang lumayo sa kung nasaan ako.


Kaya nang mapalingon ako kay Rhine ay labis na lang ang tahip ng puso ko. Kasama nya si Shawn, Elijah at Timmy.


"Sasabay ako kay Elijah, sabay ka na rin Sisi." Ani Rhine, nakahinto sya sa gilid ko habang nasa likod nya na yung tatlo.


"Kayo na lang, may pupuntahan pa ako." Ani Shawn. Napatingin ang lahat sa kaniya.


"Sabi mo uwing-uwi ka na kasi inaantok ka? San punta dre?"


Natahimik si Shawn at umiwas ng tingin. Naghihintay naman ng sagot si Elijah.


"Di na, susunduin ako ni Papa. Ingat kayo!" Ako na ang sumagot dahil mukhang hindi rin naman makahanap ng ira-rason si Shawn.


Can't You See?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon