Kabanata 6

9 3 13
                                    

Monday came shortly, and this coming Thursday we will have our Youth Camp. Hindi sana ako sasama dahil mapapagod lang din naman ako kaka-upo at kakapakinig sa mga nagsasalita harap.


Although yes, may mapupulot ka namang lesson galing sa kanila, kasi real life experiences yon, puro inspirational at motivational. Okay lang naman ako ron dahil matagal na akong nasa school na 'to at sanay na talaga ako, ang hindi ko lang talaga madalas nagugustuhan sa ganito ay iyong napupuyat ako. 


Kung wala kasing incentives yung mga ganito ay baka hindi ako sumasama. At saka, gusto rin naman ni Mama at Papa na hangga't maaari ay active ako sa mga ganong kaganapan sa loob ng paaralan. 


Ang Youth Camp ang halos bukang bibig ng lahat, kahit nga naglalaro sa cellphone si Tristan ay dumadaldal sya tungkol don. 


"Sasama ka naman diba? Bibili ako snacks natin, ano ba gusto mo?" Ani Tristan habang pinaglalaruan ang pencil case ko. When I looked at his phone, namatay pala sya sa nilalaro nyang game.


Tumingin ako sa kaniya at kinuha ang gamit ko, "Wag lang yung maanghang," sagot ko at saka umayos ng upo at itinuon sa notebook ko ang buong atensyon. Hindi ako makapag-highlight ng maayos sa notes ko dahil sa kaniya. Kanina pa nya pinapakealaman yung mga gamit ko.


"Hala favorite ko pa naman 'yon. Sige hanap na lang ako. Or gusto mo sumama ka?"

"Ayoko."


"Payag ka na, isama natin yung best friend mo."


Kinuha nya ulit yung pencil case ko at sinimulang pagkukuhanin yung mga gamit sa loob non. Sinimulan nyang gamitin sa mismong notebook nya kaya napabuntong hininga na lang ako sa gigil. "Isa pang galaw mo sa gamit ko mawawalan ka ng mauupuan mamaya."


"Ito naman. Cute mo pala magalit." Madalian nyang ini-ayos ang mga highlighters at markers sa loob ng case. Nang ibigay nya iyon sa akin ay tinignan ko kung maayos ba ang pagkakalagay nya at tama naman ang ginawa nya. "Alam ko ang ayos nyan, di ko guguluhin yan."


Napatingin ako sa kaniya ng masama at ipinagpatuloy na lang ang kaninang ginagawa. Tuloy naman sya sa pagdaldal at kwento sa akin ng kung anu-ano. Minsan nga napapaisip na lang ako kung nawawala ba syang kambal ni Rhine dahil pareho silang maingay.


Nong nag-lunch ay hindi sumabay sa akin si Rhine dahil kinakausap na naman nya yung ex nya. Ayaw nya pang magkwento kaya naba-badtrip ako. Kapag daw kasi kinukwento nya sa akin ay lagi na lang silang nag-aaway, parang may sumpa daw ako. Ang kapal ng mukha.


"Ba't mag-isa ka?" Napatingin ako kay Elijah na nasa harapan ng table ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid at hindi nya kasama yung dalawa — sila Shawn at Timmy. Nang ibalik ko sa kaniya ang mga mata ko ay nahuli ko rin syang lumilinga bago ako ngitian.


"Salamat na lang siguro sa kaibigan mong balik nang balik sa kaibigan ko." 


Napatikom at napakamot na lang sya sa batok dahil sa narinig. Mukhang sya nga talaga yung dahilan. May ideya na ako simula nong sumabay si Rhine sa kanila pauwi. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't You See?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon