WAKAS

5 0 0
                                    

pusong nag aasam ng kapatawaran,
kailan makakamtan?
isipang naghahangad ng kapayapaan,
kailan mararanasan?

hanggang kailan mananalangin?
hanggang saan at kailan pa hihintayin?
kailan mapapasa'kin?

pusong nababalot ng poot,
nais ng makalimot.
ayaw ng mamuhay sa nakaraang malungkot.
nais ko ng ibaon ang mga alaalang puno ng lungkot.

isipang nagugulumihan.
nais ko ng wakasan,
wakasan ang ugnayan sa pagitan ng dalawang pusong parehas na nasaktan

mga nakaraang dapat ng itapon,
matagal ko na sanang ibinaon,
ngunit nanatili akong nakakulong,
nakakulong sa mga alaala na hindi na maibabalik pa ngayon.

sa wakas, nabigyan muli ako ng pagkakataon upang pagnilayan ang mga nangyari sa isang maikling panahon.

ngayon ako'y nakapagdesisyon na,
hindi ko kakalimutan ang ating mga alaala, ngunit hindi ko na rin babalikan pa.

hindi ko na babalikan pa ang mga panahong tunay at tapat ang ating nadarama sa isa't isa, dahil sa kasalukuyan,
ikaw at ako ay hindi na magkakilala.

- Luiza

Natatagong Saloobin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon