LANGGA

4 0 0
                                    

paano uumpisahan?
nais ko ng simulan itong tulang sayo'y inilaan.
paulit ulit na pagmamahalang walang kasiguraduhan, hindi alam kung may hangganan.
paulit ulit lumalaban sa digmaang sarili ang kalaban.
paulit ulit winawaksi sa isipan ang mga pangamba, na baka,
hindi pa pala talaga tayo ang nakalaan para sa isa't isa.
paulit ulit nililinlang ang sarili, ayaw kong maging makasarili, pero anong magagawa ng isang tulad ko?
tulad kong nais lamang magmahal at mahalin nang totoo.

nais ibigay sa'yo ang lahat, sapagkat ganto ako magmahal nang tapat.
ibibigay sa'yo ang higit pa sa sapat.
nais kitang mahalin tulad kung paano mo rin ako ibigin.
hindi man nakikita ng iba, pero alam ko, alam nating dalawa na ang pagmamahal na ibinibigay ay walang katumbas na kahit anong halaga.

ikaw lang ang sugal na tatayan.
mga salita mo'y panghahawakan, palad mo'y kakapitan, ikaw ang magiging sandigan.

tanggapin mo ang aking pag-ibig, sinisigaw ng dibdib, sinasabi ng bibig, langga,
ikaw ang pahinga,
sa mundong puno ng pagod at pangamba.

- Luiza

Natatagong Saloobin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon