MARGARITA
"Sweet dreams."
Akala ko panaginip pa rin 'yung paghalik sa akin ni Nicolo sa noo. Totoo pala. Forhead kiss.
Napadami ang inom ko ng alak last night sa isang party. Hindi ko naman intensyon ang maglasing pero dahil nandiyan si Nicolo nagawa kong malasing.
"Kumusta mahal na reyna? Masakit pa ba ang ulo natin?" Inabutan ako ng malamig na tubih ni Becka.
"Salamat."
"Walang anuman Mahal na reyna Margarita."
Kumunot ang noo ko.
"Problema mo?"
"Wala naman. Pero aminin mo sa akin, sinadya mo talagang maglasing kagabi, ano? Ano feeling ang maging isang disney princess ng isang Nicolo Alcantara?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Imbes, nag focus nalang ako sa almusal na hinanda niya sa akin.
"Beck, pakikuha nga ng phone sa room." Pakiusap ko sa kanya na kaagad din naman niya sinunod. Nang makabalik ay kaagad kong sinilip ang call log. May limang tawag galing kay Nicolo.
"Tawagan mo na, bago pa tawagan ng iba."
"Tsee!!"
"Sa true lang Marga. To be honest, mabait naman si Papang Nicolo, e. Para sa akin lang ha? Depende naman na kasi iyan sa tao kung paano nila ilalarawan 'yung isang tao through physical. But for me, he's a man with words. Kagabi, nakatulog ka sa loob ng kotse niya pero 'di siya nag-abala na gisingin kasi alam niyang pagod ka. Nagising ka nalang kanina na nasa kwarto ka na. Hinabilinan pa ako na ipagtimpla ka ng tsa'a if ever man na magising, at bigyan ka ng gamot para sa sakit ulo, at ipagluto raw kita ng hang-over soup."
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang si Becka. Nakikinig ako.
"Wala naman masakit sa katawan mo?"
Umiling ako. Actually, I'm perfectly fine.
"Should I forgive him?" Wala sa sariling natanong ko.
Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Becka. Lumapit siya sa akin saka inayos ang buhok ko.
"Kung ano man 'yung nagawa niya sa iyo noon, it's part of your past. As you said, may pinagbago naman siya, diba? Okay. May limang panganay siya pero natanong mo ba sa kanya bakit sa limang babae na iyon ay wala siyang may nakatuluyan?"
Umiling ako. "I didn't ask him. Ayaw ko din naman malaman."
"See? Sa limang anak niya may nakausap ka ba tungkol sa daddy nila?"
"Oo, pero out of topic about sa past niya."
"Kasi takot kang malaman ang katotohanan?"
Hindi ako nakapagsalita. May punto si Becka. Takot akong malaman ang tungkol sa mga nakarelasyon niyang mga babae noon. Ang alam ko lang, galit na galit ang papang nito sa kanya dahil limang babaeng pinagsabay nito dahil sa pagiging palyboy niya noong kabataan niya.
"Mag-usap kayo kung totoo naman na may gusto talaga siya sa iyo. Don't mind the other people. Isipin mo 'yung kaligayan mo. Tumatanda ka na."
Napahigup nalang ako ng tsa'a at walang masabi. Napatingin ako sa screen ng phone ko nang tumatawag si Nicolo. Napabuntong hininga ako, saka sinagot iyon.
"Have you eaten?" Bungad niya kaagad.
"Nicolo, can we talk?"
"We are talking now."
"No. I mean, let's go somewhere."
"Itatanan mo na ako?" tawa niya. "Sure! Sure! About what?" Masigla ang mga boses nito.
BINABASA MO ANG
Alcantara Series 6:The Curse of a Playboy(R18+)
General FictionKarma comes for the young haciendero billionaire Vinz Nicolo Alcantara when he meets the probinsyana girl Samantha Batchar in Hacienda Valencia de Alcantara.