Kabanata 13

309 15 4
                                    

MARGARITA

It's been a few months when Nicolo went to my house. After that night, hindi na siya nagparamdam pa ulit.

"Ang lokong 'yon! Pagkatapos niya akong lawayan ay hindi na nagpakita ng ilang buwan! Animal ka talaga Alcantara!"

Napakagat labi akong naupo sa sofa habang inaalala 'yong huling gabi sa amin. He never failed to amaze me. He's still driving me crazy.

"Aba naman 'te baka gusto munang mag-almusal bago ka mag wet day dream diyan?"

Napaangat nalang ang mukha ko nang iwagaway ni Beca ang kamay nito sa akin harapan. I sigh.

"Hanuna? Ang aga-aga tulala ka diyan? Ano ba'ng iniisip mo't layag na layag 'yang diwa mo?" Beca asking me again. Actually walang araw na hindi nagtatanong sa 'kin ang personal assistant kong ito.

Umiling ako, saka tumayo. Tumungo ng hapag-kainan, at doon ulit naglayag ng diwa.

"Kumain ka na Samantha Margarita Batchar! May appoinment pa tayo kay Madam Isabela. Hay! Naku naman na babae 'to oh?! Kung ano ano nalang ang iniisip!"

"Sorry naman Beca, ito na kakain na, tangina mo!"

Imbes na makipagbardagulan ako sa kanya, kumain nalang ako ng almusal nang matapos na kaagad, at makapag-ayos. May appointment nga pala ako kay Miss Isabela Alcantara. She invited me for an special event. Hindi naman nito sinabi sa phone call last night kung kailan, kaya naman nag set nalang siya ng meeting for us para pag-usapan iyon. Ganun ba ka importante at espesyal ang event. Magpapaset pa talaga ng private meeting just to talked about it.

Alas-otso ng umaga nang makarating kami ni Beca sa building ng mga Kang. Sa labas palang ng gusali ay sinalubong na kaagad kami ng mabait na guard-si Manong Pio.

"Magandang umaga po Ma'am Marga. Kape po?" Anya nito sa akin na may maaliwalas na mukha.

"Magandang umaga naman po Manong Pio. Maraming salamat." Matamis na sagot ko naman sa kanya, at saka na ito nilampasan.

"Have a good day Tatay Pio! Gwapo mo ngayon. Keep it up!" Pahabol pa ni Beca. Tumawa ang may edad na ginoo.

Kakatwang puro goodvibes mga tao ngayon. Hoping na hanggang sa matapos ang araw na ito na walang palya. I mean, walang sisira ng maganda kong araw.

"Hakuna Matata! What a wonderful phrase Hakuna Matata! Ain't no passing craze," naagaw ng atensyon ko ang isang batang kumakanta sa lobby. He's playing with his lion stuff toy. "It means no worries for the rest of your days. It's our problem-free philosophy. Hakuna Matata!" Nahinto ako sa aking paglalakad nang mahulog niya ang lion toy nito. Lumapit ako sa kanya para ako na mismo ang pupulot, at iabot sa kanya.

Nang maibigay ko na sa kanya ang laruan nito, doon ko lang siya nakilala-kaya pala familiar ang mukha.

"You're Nicolo's son? Cloud, right?"

"Hmm... Yeah. Thanks Miss."

Jusme! Katulad na katulad ng tatay niya kung sumagot.

"Sinong kasama mo? I mean, ang aga aga nandito ka? Wala ka bang pasok sa school?"

"Meron." Tipid na sagot ng batang Cloud.

"I see. Then why are you here kung meron ka palang school?"

"Nothing. We're just passing by."

"With who?"

Magtatanong na nga lang bakit 'di pa lubusin, 'di ba?

"My dad."

"Nasaan ba tatay mo?" Agap kong tanong. Bakit ba!

"Samantha Margarita, huwag panay tanong nang tanong ha? Napaghahalataan ka na." Biglang singit ni Beca sa usapan namin ng batang Cloud.

Alcantara Series 6:The Curse of a Playboy(R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon