37

53 4 1
                                    

Noah



"Congratulations PO1 Ibay" ngumiti ako na parang wala lang din. Ewan ko ba. Hindi na katulad dati yung sigla at saya once naiimagine ko nang mag suot ng police uniform na ngayon at hawak ko na at possible na magstart na ako bukas. Masaya ako sa nangyayari ngayon pero di na katulad dati.



Di na katulad dati na kasama ko si Allie.




Dear Allie,

I hope naihatid ka nang maayos ni kuyang driver kagabi sa kung saan ka man pupunta. Di ko rin maiwasang tumitig sayo ng malala lalo na kung yung mga gusto mong mga dress yung mga sinusuot mo. Iniisip ko nga rin kung bumibili ka parin dati sa pharmacy na pinuntahan natin.

Sa pagkakatanda ko ay napalitan na yung pangalan ng pharmacy na iyon dahil sa nabankcrupt yung unang may ari pero parang narevive ng bagong bumili.

The House of Med Pharmacy na yung name.

Darating pa kaya yung time na maibibili kita ng hormones mo?

Btw, kamusta ka kagabi? Siguro ay sobrang saya mo that night at alam kong deserve mo yan.

-Noah



Di na muna ako dumiretso sa bahay since may maaga pa naman. Wala ding tao sa bahay ngayon dahil sa may pinuntahan din sila mama at Melvin. Speaking of Melvin ay nagkausap kami nito kagabi din about sa nangyari that time.




Melvin is bisexual.




Nagulat sa una pero saan pat kapatid ko siya. Ang pinakamamahal kong bunsong kapatid. Tanggap ko siya. Tinanong ko na din ito kung alam na ba ni mama at kuya yung nangyayari sa kanya. Si mama ay oo pero si kuya daw ay hindi. May factor din na natatakot siya sa kung anong magiging reaksiyon ni kuya sa kanya. Biglang kuya niya ay siyempre andoon yung proteksiyon at suporta sa kung anong patutunguhan niya.




Dumaan ako ulet sa lugar ni Allie. Mga kalahating oras sigurong nasa loob ako ng taxi at pinapanood lang kung lalabas ba ito o hindi. Andoon yung inip at tila gusto kong bumaba at kumatok sa pintuan nito upang makita at makausap siya pero natatakot ako sa pwedeng mangyari or sa kung anong reaksiyon niya. Iniisip ko na lang din na nakalimutan na ako nito.





Nakalimutan mo na ba talaga ako Allie?



Chineck ko yung phone ko at nagchat parin ako sa kanya. Kahit pa walang seen at reply ay masaya na akong nagkakaroon ako ng lakas ng loob kahit man lang rito.




"Maprend, PO1 na ko hehe. Sana proud ka sakin. Hope to see you very soon maprend."





Nagsend din ako ng pictures ko na nakasuot ng uniform ko. Nagpicture din kami ni mama at Melvin. Sa sobrang tuwa ng mama ko ay halos ipost na niya agad at ilagay sa stories niya. PROUD NA PROUD AKO SAYO ANAK.





Maybe this time ay alam kong maaayos ko na yung nasira kong buhay dahil sa mga desisyon ko dati. Maybe this time ay magiging okay na ang lahat. Maybe this time ay muli kaming magtatagpo ni Allie. Maybe. Just maybe.




6am to 3pm ang duty ko sa isang mallit na PNP office. Luckily ay malapit lang yung Capitol sa work ko kaya andoon din yung excitement na possibleng makita ko today si Allie. Not sure lang din kung ano ang schedule niya kaya patiently waiting na magtagpo kami ng landas nito. May kasama din akong bago na ang pangalan ata ay Alexier kung di ako magkakamali at isang PO3 na babae.




"Good morning po ma'am" bati ko sa kanya. Pangalawa ako sa dumating agad sa office. Marami rami na ding students yung mga nagsisipasok kaya agad na din akong nagbantay sa labas.




"Ella na lang. Pangalan mo ulet?" Tumingin ako rito. Kapansin pansin agad sa kanya yung ganda na mayroon sa kanya. Halos makasame height lang din kami nito kung titignang mabuti.




"Noah Ibay, Ella."





"Nice to meet you Noah. Kape kana muna." Ilang saglit pa ay dumating na din yung kapwa ko bago. Late ito ng 15 minutes.





"Pangalan mo late?"






"Alexier Dapadap ma'am. Pasensya na po kayo medyo natraffic lang din ako sa biyahe."




"Yan yung iiwasan ninyong dalawa since PO1 kayo. Malate ng malate. If habitual mangyayari sa ganyang set up ninyo dalawa ay tanggal kayo agad niyan sa serbisyo." Nakikinig lang kaming parehas which is bibihira lang naman ako malate dahil sa sinanay ako dati ni Allie na bawal na bawal malate sa kung ano mang pupuntahan naming dalawa or kahit saan man ako pupunta. Mahalaga man o hindi ay ayaw na ayaw ni Allie dati nalalate.




Ilang oras na din kaming nagpapatrol at umiikot sa kung saan saan ni Alexier. Makwento din pala itong mokong na ito at halatang chickboy dahil sa mga nakakasalubong naming mga student ay napapatingin sa kanya dala nang sa sobrang puti nito at nakabrace pa ang loko.





"May tanong ako pre"




"Oh?"




"May girlfriend ka na ba?"




"Yup pero naghiwalay kami. Ako yung naging problem. By the way, transgender yung ex ko."




"Ay weh? As in transgender woman?" Halata sa kanya yung biglaang pagkainteresado sa kanyang mga narinig saakin.




"Mukha ba akong nagbibiro?" Then pinakita ko sa kanya yung picture naming dalawa ni Allie na nakauniform pa dati.




"Ay shet pre, babaeng babae tignan ex mo ah"



"Transgender are women. Tandaan mo iyan. Babae siya para saakin."




"Bakit kayo nagkahiwalay at bakit mo nasabing ikaw yung naging problema?" Dito ako medyo natahimik. Nag aalangan pa ako sa una kung ikwento ko ba sa kanya yung nakaraan namin ni Allie o hindi.




"Ayun pala nangyari pre. Sorry to hear that. Pero until now parin ba ay nagkakausap kayo or nagkita na ba kayo? Since ilang taon na din pala nakalipas?"




Pauwi na ko sa bahay. Natapos kaming dalawa ni Alexier sa pagkwento ko sa lovestory namin ni Allie. Pinayuhan ko rin ito sa dapat niyang magiging desisyon dahil sa tulad ko pala ay umiibig din siya ng isang transgender woman.




Habang naglalakad ay nasalubong ko si Terry na mukhang papasok palang sa law school.




"Uy Noah"




"Terry"





"Angas mo sa uniform mo ah haha. Matutuwa niyan sayo si Allie kung makita ka man niya." Ngumiti ako sa sinabi nito kaya nagtanong ako rito na kahit malabo ay tinanong ko parin siya.




"Huh?"





"Kagabi pa ako walang natatanggap sa message kay Allie. Until now nga ay wala pa. Di ko rin alam kung makakapasok siya pero sana nga makapasok siya dahil sa exam na namin ngayon." Walang alinlangang kinuha ko na rito yung cellphone number ni Allie upang tawagan agad ito.





Mga pang apat na tunog ay sinagot na nito yung tawag ko. Andoon yung kabog sa dibdib ko dahil sa muli ko nang maririnig yung boses ng pinakamamahal kong tao.





"Hello? Allie?"





"Sino sila?" Halos maluha ako nang marinig ko yung boses nito. Nanginginig na din yung kamay ko habang hawak hawak ang phone ko. Pinunasan ko kaagad yung mga luhang kumawala sa mga mata ko at inaayos yung sarili ko.





"Si N-Noah ito All-"





"Hello! Who is this? Hello?" Pinatay ko na yung tawag dahil ibang boses na yung sumagot. Maybe yun na yung boses ng kanyang boyfriend.




"Fucking Ahki Calixto"

Dear AllieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon