51

42 3 0
                                    

Noah



It's been 3 years at 5 months.




3 years and 5 months na ni anino ni Allie ay hindi ko na maamoy at makita. Sa bawat araw na dumadating at nakalipas ay hinanap ko si Allie. Hinanap ko kung asan na siya. Hinanap ko kung asan na ang taong pinakamamahal ko.



Ako na din mismo ang mismong nagreport sa biglaang pagkawala ni Allie. Andami kong nagawa na tila nawawalan na nang saysay dahil sa pulis pa ba ako? Bakit tila hindi ko na mahanap si Allie? Mukhang nangyari na naman ang biglaang pagkawala nito pero ngayon ay nababaliw na ako.





Mababaliw na ako kung wala paring Allie Falcunit akong masisilayan.




Dumating na din ako sa punto na sinugod ko ang office ng kanyang boyfriend. Secretary lamang ang humarap saakin at sinabi nito na "Wala na din po kaming balita kung asan na din si Atty. Calixto." Maski ang boyfriend niya ay tila nawala ding parang bula. Ang masaklap pa rito ay biglaang nagsara ang coffee shop ni Terry at halos di kayanin ang kapatid ko ang biglaang paghingi ng patawad at nakikipaghiwalay na ito sa kapatid ko.



Tatlo na silang nawawala.





Pero ang tangi ko lang finocus ay ang paghahanap sa taong pinakamamahal ko. Kung alam ko lang na last ko nang pakikipagkita iyon sa kanya noon ay hindi ko na siya pinakawalan. Hindi ko na siya hinayaang magtagal sa impyernong pamamahay na iyon. Ayokong saktan ang sarili ko na wag nang umasang mahanap pa kung asan na si Allie.





Asan kana Allie? Asan kana baby?






Palaisipan na lang din saakin yung ilang sinabi nito saakin noong nasa taxi kami na hanapin ko siya. Ano ang pinahihiwatig saakin ni Allie? May nangyari bang masama that time? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naging palaisipan din saakin ang sulat ni binigay saakin ni Terry na mula kay Allie.




Ilang beses kong binasa binasa ang sulat niyang iyon pero hanggang ngayon ay lalo lamang akong nag alab na hanapin siya ng hanapin.





Nasa punto na din akong pinuntahan ang probinsya namin ni Allie. Doon ay halos gumuho ang mundo ng papa ni Allie ng masabi kong ilang araw nang nawawala ang kanyang pinakamamahal na anak. Ang masakit pa rito ay nasa hospital ang katawan nang kanyang papa. Mas lalong lumala ang sakit nito na umabot sa comatose.






Sa mga panyayaring ito at tanging ilang liham ko na lamang kay Allie ang nabubuhay at nagbibigay saakin nang pananampalataya na mahanap ko na ito. Asan kana ba Allie? Asan kana?





Dear Allie,

Ilang araw na kitang di nakikita baby. Malungkot ako kung di kita nasisilayan. Hope to see you sa birthday ni Melvin. Mahal palagi kita Allie. Mahal na mahal.





Dear Allie,

May nangyari ba na hindi ko nalalaman? Bakit di mo ko sinasagot sa tawag at chat ko sayo? Nabalitaan ko din na parang biglaang kang nagdropped sa law school which is hindi ako naniniwala.

Please Allie. Ano bang nangyari?

Mahal na mahal kita. Alam mo iyan.






Dear Allie,

Langya.

Almost isang buwan kanang nawawala Allie. Asan kana ba? Nababaliw na ako pabalik balik sa bahay ninyo, sa law school mo, sa coffee shop ni Terry na biglaang nagsara at parehas kayo ng kaibigan mo na wala nang paramdam saakin.

Anong nangyari Allie? Anong nangyari?






Dear Allie,

Isang taon na mahal ko. Gumawa na din ako ng hakbang sa paraan na makakaya ko mahanap ka lang. Asan kana Allie?

Mahal na mahal kita. Mahal ka namin nila papa mo. Hinahanap kana rin niya Allie. Asan kana ba?





Dear Allie,

Merry Christmas baby. Sobrang busy ko lately. Sorry sa mga araw na tila hindi na kita nasusulatan. Sorry din sa mga pagkakataong tila nawawalan na ako ng paniniwala at pananampalataya na mahahanap pa kita.

I miss you maprend. I really miss you.





Dear Allie,

Happy birthday baby! Nagluto ako ng mga favorite mong pagkain. Nagluto ako which is alam mo bang ilang buwan ko ding pinag aralang mabuti ang pagluluto? Maybe mag enroll din ako ng short courses ulet which is baking and pastry naman.

Alam kong mahahanap din kita maprend. Nag submit ulet ako ng pag usad ng paghahanap sayo. Mahahanap din kita. Mahahanap din kita mahal ko.




"Ano ito?" Hindi na sinagot ni Terry yung sagot ko at mabilis lang din itong nawala sa harap ko. Hindi ko po break time pero nagpaalam ako na magCR lang din ako saglit.





Sulat ni Allie ito. Bakit kaya?





Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko ang cellphone number nito, maski messenger nito at ultimo email ay walang response akong nakuha. Ngumiti parin ako dahil sa muli akong nakatanggap ng bagong liham sa taong pinakamamahal ko.




Noah,

I miss you. I really miss you.

Sorry kung wala akong paramdam nitong ilang araw. Sorry. Pero kilala mo ako. Mapapatawad mo ako. (Napangiti niya ako sa part na ito at muli kong tinignan yung picture namin sa phone ko. Fuck. Namiss na kita Allie)

Alam mo kung gaano kita kamahal. Hindi ako umiimik sa mga panahon na sinasabi mo na mahal mo parin ako despite sa marami na tayong pinag daanan. Maraming rason kung bakit ako nagpadala sayo ng liham which is ngayon ko lang ulet ito magagawa.

Una ay dahil sa alam na ni Ahki yung nangyari saatin sa bahay.

Pangalawa, pagnabasa mo na ito ay possibleng pagaling palang ako sa mga sugat na natamo ko mula kay Ahki. Yes Noah, sinasaktan ako ni Ahki, emosyonal at pisikal pero alam kong dahil sa selos.

Pangatlo, kaibigan parin natin si Terry kaya nakikiusap akong walang magbabago sa kung anong mayroon tayo kasama si Terry.

Lastly, ipangako mong ako at ako parin ang pipiliin mo at huwag na huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko noon sa taxi.

Noah, kung darating man yung time na pwedeng magbago ang lahat-lahat? Piliin mong maging masaya. Piliin mo kung ano ang dinidikta ng iyong puso mahal ko.

Alam kong magkikita parin tayo. Alam ko kasi ikaw yung soulmate ko.

Ikaw lamang yung magiging laman ng puso't isip ko mahal ko.

Mahal na mahal kita Noah. Hinding hindi iyon magbabago mahal ko.

-Allie



At doon ay hindi ko na maiwasang lumuha at agad siyang hinanap.

Dear AllieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon