52

26 2 0
                                    

Noah



"Noah?" napalingon ako sa tumawag saakin. Busy parin ako sa paghahanap kay Allie. Pero hindi na katulad dati na halos nawawala na ko sarili ko, makahanap lang ng clue or any evidence sa kung asan na siya. Darating din naman siguro yung araw na makikita kong muli ang babaeng pinakamamahal ko.




Sa una ay napakunot yung noo ko sa tumawag saakin at bumalik ulet sa pagbabasa ng ilang articles sa mga nawawalang tao pero nadalawang tawag ito hanggang sa lumapit na ito saakin.





"Yes po?" wala talaga akong idea kung sino man itong babaeng nasa harapan ko na mukhang bagong pasok sa quarter namin. Nasabihan na din kami ng boss namin sa quarter na may darating na bagong PO1 pero not sure kung sino. Pero tumitig parin ako dito na nakakunot ang aking noo. Langya. Nanlalabo na din ata paningin ko.






"Di mo na ko natatandaan Ibay? Haha" kumunot lalo yung noo ko ng may narinig akong tawa. Agad kong tinawag si Alexier para siya na kumausap dito pero muli itong nagsalita.






"Jusko Noah, antanda mo na. Di mo na ko natatandaan."







"Miss, sobrang busy ko rito at wag mo akong matawag tawag sa pangalan ko knowing na di kita maalala." sa tono ng boses ko ay ramdam na niya yung pagkainis ko o pagkabadtrip ko. Pero makulit ang babaeng ito. Sino ba to?







"Andrea Salazar. Kateammate mo sa thesis Ibay. Langya ka. Ako yung leader ninyo nung thesis natin. Jusko po!" pagkasabi nito yung pangalan nito at yung word na thesis ay agad kong naalala ang babaeng nasa harap ko na nakapamaywang na.







"Drei?"








"Oo! Jusko Ibay!" wala na ko nagawa kundi napakamot sa ulo ko at agad na inalok ito ng maiinom.






"Ang tanda mo na friend jusko. Di mo na ko matandaan."







"Sorry na, busy lang din ako. Alam mo naman na siguro yung nangyari kay Allie." Agad na nalungkot yung aura sa paligid namin dahil sa alam naman na siguro din nito ang nangyari kay Allie. Umabot na din kasi ako noon na nagpatulong na mailapit ko yung pagkawala ni Allie sa media.






"Napanood ko nga, wala parin bang balita sa kanya?" bumuntong hininga ako at naupo malapit sa kanya. Amoy na amoy ko din yung pabango nitong gamit na tila parang yung gamit parin nito noong college pa kami ang naaamoy ko sa kanya.






"Wala eh. Pero naniniwala naman ako na mahahanap ko din siya. Alam ko yan." Ngumiti na lang ako rito at nagpatuloy yung kwentuhan namin. Siya nga yung bagong makakasama namin sa quarter.







Naging magaan din naman yung trabaho namin nila Andrea at Alexier. May times din na may gimik silang pinupuntahan kung may  day off or extra time sa gabi. Pag yayayain nila ako ay No ang sagot ko dahil sa ayun na nga, mas gugustuhin kong matulog ng mas maaga at magkaroon ng enerhiya kinabukasan until isang gabi literal akong napilit nung dalawa. May kasama si Alexier na babae at kasama naman ni Andrea yung isang kaibigan nitong lalaki. Bisexual ata kasi tingin ng tingin sakin pero nasabi din naman ni Andrea na taken na ko.







Sinasabihan ko na din ang mga ito na wag masyadong magpapakalasing pero ang ending ay napasarap yung inuman namin. Nakakailang bote na din ako ng beer at ramdam ko yung init ng katawan ko at medyo nahihilo na din ako. Nawawala din yung kaibigan ni Andrea na sinabi naman nito na wag na siyang alalahanin kaya naupo na lang kaming dalawa nito habang pinanood sina Alexier at kasama nitong babae na sumasayaw at naghahalikan.






Dear AllieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon