36

57 4 0
                                    

Allie

"Ano?" Kumunot yung noo ko sa narinig ko mula kay Ahki. Sa totoo lang ay kanina ko pa siya hinihintay at bukod pa rito ay nagsabi itong uuwi ngayon upang sabay na kami pumunta sa family niya.



"Hey, I'm sorry hon, late ko na nasabi sayo. Andito na ko. I'll book you grab car right now." sa tono ng boses nito ay parang may tama na siya ng alak.



"No. It's okay. Wag na."




"Galit ka ba?"




"Hindi Ahki, hindi"




"So anong gusto mong gawin ko? Pumunta diyan? Fine!"




"Hindi ko naman sinabing pumunta ka rito upang sunduin ako hon. I'm sorry, I'm sorry. Papunta na ko diyan." Magsasalita pa sana ako ulet pero agad na niyang pinatay yung tawag.




Nasa harap ako ngayon ng salamin. Di ko rin maiwasang manghina at bukod pa rito ay mapaluha sa nangyayari ngayon. Nagdadalawang isip na pati ako kung pupunta pa ba ako roon o hindi. It's already 9 in the evening at super duper late na ako.




Pinunasan ko yung ilang luhang kumawala at agad na akong dumiretso sa labas upang antayin yung pinabooked kong car. Paglabas ko ng bahay ay agad kong nakita yung taxi.





"TAXI! TAXI! TAXI!" parang ayaw pa ata akong pasakayin dahil sa parang may tao sa loob kaya agad na akong pumunta sa kinaroroonan ng taxi pero bago paman ako makalapit ay may lumabas nang lalaki na nakasumbrero at bumisina bigla yung taxi.




"Kuya pwede po kayo? Sa address po na ito kuya."






"Opo ma'am. Sakay na po." Muli kong sinulyapan yung lalaking lumabas sa taxi pero ambili nawala nito. Siguro ay malapit lang din yung bahay niya tsaka nakakapagtaka na may taxi sa private residence na ito. Nagchat na ako kay Ahki na papunta na ako pero sineen lang din niya which is sanay na ako sa mga ganitong set up. Inisip ko na lang na makakasama ko siya ngayong gabi dahil sa ilang araw na din itong wala sa bahay.





Di ko rin sinasadyang naseen yung message ni Noah. Pero agad kong dinelete yung conversation na nalikha ko dahil lang sa maling pagsend ng pictures ko. That night was very embarrassing at bukod pa dito ay di ko na sinend kay Ahki.





"Nasa Pinas na pala siya." Mahinang bulong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa bintana. Pinikit ko yung mga mata ko at inisip na magiging okay din ang lahat.




"Magkano po kuya?"




"Okay na po ma'am, bayad na po." Huh? Paanong bayad na?





"Ay kayo po ba yung binooked ni Ahki Calixto?"



"Di po ako sure sa name ma'am pero yung kaninang lalaki na bumaba ay siya na po nagsabi na bayaran na niya kung saan man daw po kayo pupunta." Hindi na ako naimik sa sinabi ng taxi driver. Sino siya? At bakit niya binayaran yung dapat babayaran ko?




"Ah okay po hehe. Maraming salamat po kuya." Ngumiti na lang yung driver at agad na akong bumaba.





Dumiretso na ako agad sa loob pero di ko sukat akalain na andaming kamag anak ni Ahki ang nasa loob. Agad ko ring nakita papa nito na siyang yumakap saakin ng sobrang higpit.





"Napakaganda mo ngayon iha."





"Salamat po tito."






"Nasa taas si Ahki kasama ng ilang kapatid ko na barako. Kindly check him iha dahil kanina pa iyan inom ng inom ng alak."




"Masusunod po tito." Muli ako nitong niyakap at agad nga akong tumungo sa taas na rinig na rinig ko yung tawanan at boses na nangingibabaw na nagmumula sa boyfriend ko. Pero bago paman ako umakyat ay may narinig na akong di ko nagustuhan.



"Paano ka niyan magkakaanak Ahki eh may itlog din binahay mo?"




"Oo nga Ahki tska bakit biglaan mo naman na atang binahay iyan?"





"Sigurado kana ba sa kanya iho? May ilan pa akong kakilala na pwede kong ireto sayo." Nagtatawanan ulet sila at hindi ko man lang narinig ang mag explain si Ahki.




"Good evening po" nakatingin na agad silang lahat saakin na parang nakakita sila ng multo.





"Here he is oh sorry she."




"What's your name again iha?"




"Allie sir. Allie Falcunit" bago pa man magsalita yung mga tito ni Ahki ay biglaan itong nagsalita.





"No worries po, ipapaopera ko si Allie sa ibang bansa" na puntong iyon ay namula ako at gusto kong lamunin na ako ng lupa dahil sa nagtawanan ang mga nakapaligid saamin.




Lumapit ako rito at bumulong na alam kong maririnig niya ng maayos.





"This will be the last time na ipapahiya mo ko sa buong angkan mo attorney at pakisabi sa buong angkan mo na kulang sila sa salitang RESPETO. GOOD NIGHT SAYO ATTORNEY!" sa puntong ito ay agad na akong bumaba pero nahawakan nito ang isang braso ko dahilan upang mapa-aray ako sa pwersang ginawa niya. Ito din yung unag pisikal na ginawa saakin ni Ahki na literal akong nasasaktan.




"Stay Allie. Stay. Mag uusap pa tayong dalawa. What's the big deal huh?. Nalate kana na nga ganyan pa inasal mo sa harap nila."





"Bitawan mo ko Ahki." Lalo niyang hinigpitan yung hawak niya dahilan upang tuluyan na ako nitong mayakap pero halos mapapikit ako sa sobrang sakit ng biglaan nitong kinagat ang balikat ko dahilan upang masiko ko siya at masampal.





"WHAT THE FUCK AHKI!!!"





"Ahki, Allie! Anong nangyari?"





"Sa kwarto ko Allie ngayon din. It's getting worst now honey. Please sa kwarto ko." Lumapit na saakin papa nito. Umiiyak na ako dahil sa sakit nang pagkakakagat nito saakin. Hindi na rin ako nakikinig sa utos niya dahilan upang mas lalo itong nagalit saakin.





"Dad, wala lang ito. Di lang nagets ng girlfriend ko yung mga biro sa taas. It's a joke Allie. Come on, sa kwarto ko ngayon din."




"FUCK YOU AHKI! FUCK YOU!" Tumakbo na ako palabas ng bahay na natapilok po ako dahilan upang masira yung isang takong ko. This time ay mabilis kong hinubad yung suot kong mga takong at agad na lumabas. Pinigilan na din ng papa ni Ahki ang anak nito na makalapit saakin kaya agad akong nakalabas na.





Di ko rin sukat akalain na yung taxi na sinakyan ko kanina ay siyang bumungad saakin.





"KUYA! PLEASE! PLEASE!" Nanginginig na ako sa nangyayari. Agad naman akong nakasakay na at bago paman umandar yung taxi ay binulabog na ako ni Ahki sa bintana dahilan upang humiyaw ako ng malakas at hinila ang pintuan ng taxi.





"KUYA BILIS! BILIS!!!!!" iyak na ako ng iyak at agad na ngang kumaripas ng takbo ang nasakyan kong taxi. Wala na ring tigil ang pag iyak ko dahil sa takot sa kung anong sumapi sa masasabi kong boyfriend ko.




Hindi si Ahki ang kasama ko kanina. Hindi siya yun.




"Ma'am okay ka lang po ba?" Inabutan na ako nito ng panyo.






"Kuya padala po ako sa address na ito." Kinuha ko yung phone ko at agad kong tinawagan si papa. Nung narinig ko ang boses ni papa ay wala nang hinto yung paglabas ng luha saaking mga mata.




"T-tulungan mo a-ako papa"

Dear AllieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon