Chapter 1

39 3 0
                                    

ASHLEY


"B-e-s-s-y-y-y-" may loka-lokang sumisigaw sa may hallway ng school.


Alam kong kaninong boses ang nagmamay-ari nun kaya hindi ko na ito pinag-abalahang lingunin pa instead naglakad lang ako papalayu dun.


"Ashley!" sigaw nya ulit.

Mas binilisan ko pa ang paglakad ko.



"ASHLEY MENDIZABAL!" tawag nya ulit sa akin.

Bago pa man siya makalapit sa akin ay tumakbo na ako.



Haiy salamat at nailigaw ko ang lokaret na yun.


Huh, paano ba naman shit talaga tong bestfriend ko balak pa ata akong ilaglag sa pinsan nya, nakakahiya talaga. As in NAKAKAHIYA! Ano na lang ang iisipin nun sa akin? Shit! Gusto ko na lang magtago sakanila for life.


Mag-iisang oras na ata akong andito sa library, kahit ayaw ko mang mag stay dito sa loob ng library no choice ako, Tutal wala din naman kaming klase mas gugustuhin ko pang magkulong dito kaysa naman magpakalat kalat sa hallway at makita si Mika at ang pinsan nya.


Nagring bigla ang cellphone ko at sa sobrang lakas ng ringtone ko halos mapa lingon lahat ng etsudyante sa akin, bago pa man ako masita ng librarian ini-off ko ito agad at nilagay sa loob ng bag.


Lumapit ang librarian malapit sa table ko. "OBSERVE SILENT!" sigaw niya. All I thought ako yung pagsasabihan nya. Nakatayo siya sa may likoran ko ngayon kaya nilingunan ko sa siya para makita at tumingala ako sa kanya at kita ko na dun siya nakatigin banda sa next table kong saan may mga grupo ng estudyante na nag uusap.



"e-silent mode nyo yang mga cellphones nyo ng hindi kayo makabulabog dito sa library!" sita niya sa mga estudyante at agad naman nagsiayusan ng upo at tumahimik yung mga estudyante na nag-uusap sa kabilang table.


"Yes, maam...." Sagot nila sa librarian at tumalikod na ang librarian at agad na pumunta sa table niya. "maam highblood!" pahabol na sabi ng isa sa mga estudyante at pigil ang pagtawa ng grupo. Mahina lang ang pagsabi niya pero narinig ko ito.



Na guilty akong bigla sa nangyari, kaya ang ginawa ko yung libro na hawak ko kanina ay pinang takip ko na lang sa mukha ko. "Shit ka talaga Ashley alam mo namang library to, hindi mo lang man sinilent mode yung phone mo bago ka pumasok dito napapahamak ka pa nang wala sa oras." Pangaral ko sa sarili ko.


Umalis na yung mga estudyante na nasa kabilang table kanina kaya binaba ko na yung libro na ginamit kong pangtakip sa mukha ko. Kinuha ko ulit yung phone ko sa bag, maingat kong ini-on yun ng hindi marinig ni miss librarian. Pag ka-on ko si-nilent mode ko agad ito. Wala pang isang minuto ay may sampung mensahe agad akong natanggap.



10 unread messages

From: BESSY MIKAELLA

My Bitter HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon