Chapter 2

37 5 1
                                    

ASHLEY 


Naglalakad ako papuntang building namin ng makita ko si Matt, kausap nya yung mga senior students from block 2. Dinaanan ko lang sya as if hindi ko siya nakita. 


"Okay, I'll think about it... I gotta go," rinig kong sabi nya sa mga kausap  at mukhang nagmamadali ng lumakad. 


Binilisan ko na lang yung paglakad ko. 


"Hoy Ley wait!" sigaw nya. 


Hindi ko siya nilingunan. 


Nakita pala ako ng lalaking to. hmmm... 


"Ley, sabay na tayo." Sigaw niya ulit.



Dedma...



Dedma...



Dedma...


"Hoy Ley!" sigaw nya. natapik nya yung balikat ko

"Aray ko!" sigaw ko.

Hindi naman masakit, nagulat lang ako kaya napalingon ako.


"Ano?" tanong kong naiirita.

Well, narinig ko naman talaga siya ayaw ko lang pansinin.


"kanina pa kasi kita tinatawag, dinededma mo lang ako." hinawi nya yung buhok ko at tinignan ang magkabilang tenga ko.


"wala ka naman palang earphone dyan sa tenga mo!"


"Ano!" tanong ko ulit.


"kanina pa kasi kita tinatawag!"


"ahh tinatawag mo pala ako....  ayyy saree hindi kita narinig eh..." pagsisinungaling ko.


"sabay na tayo ah." Sabi nya.


"OK!" sagot ko.


Sabay na kami ni matt naglakad papuntang room namin. itong mga classmate naman namin na nasa corridor ayun titig na titig kay matt hindi talaga sila patinag. Ano? Artista!


"uy si matt at ley andito na." rinig kong sabi ng isa sa mga classmate ko.


"asan si mika? Bat hindi ata nila kasama?" Tanong naman ng isa kong classmate sa isa ko pang classmate.

Narinig ko sila kasi nasa may pintuan na kami ni matt.

Hindi ko mapigilan punain yung mga classmate ko, inabangan talaga kami. Feeling ko tuloy celebrities kami... heheh

Pagpasok namin sa room binati agad si matt ng isa sa mga classmate ko.

My Bitter HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon