Chapter 3

28 4 0
                                    


MATTHEW



Pagdating namin kanina sa school ni Mika nagpaalam sya agad sa akin na pupunta muna sya ng auditorium dahil mag a-audition sya para sa Mr & Ms Intrams. Kagabi pa lang sa bahay ay naghanda na sya sa gagawin nya para sa audition ngayong umaga. Sinabi nya pa na ako na ang magsabi kay Ashley tungkol sa pag aaudition nya.


About naman kay Ashley para kaming aso't pusa since nagkakilala kami lastweek. Naaliw talaga ako sakanya. Napaka adorable nya. yung tipong wala syang paki alam sa mga sinasabi nya basta masabi nya lang ito at wala syang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao.


The first time I saw her na pa amaze na talaga ako sakanya. This girl is so amazing. Palaban sya pero pikon, nakakaaliw lang asarin at ang cute nyang tignan kapag napipikon. Naalala ko tuloy yun unang apak ko dito sa Polytechnic. Parang tumigil ang mundo ko ng makita ko sya. Although alam ko na naman na kaibigan sya ng pinsan ko, and not just a friend, bestfriend pa talaga sila. How did I know? Soon!


Pero iba parin yung kapag makikita mo na sya ng harapan. Ang liit nga talaga ng mundo noh? After seeing her in the plane, (yes sa plane ko nga syang unang nakita... .. basta soon ikukwento ko din.) ngayon malalaman ko na magiging classmate pala kami at higit sa lahat lagi ko na syang makikita or none the less makakasama pa. Ang galing lang talaga ng tadhana!


Sa tuwing nakikita ko sya hindi ko talaga maiwasan na hindi magpapansin sakanya.


Unang kita pa lang namin pa bibo na ako agad sakanya, hindi ko talaga alam how to act if andyan sya. Ewan ko ba pero mukhang nayayabangan ata sya sa akin.


I remembered lastweek nung enrollment, yun ang unang kita ko sakanya dito sa Polytechnic, though second met ko na sakanya kasi nga I met her already sa plane basta soon ikukwento ko talaga, sa tamang panahon.


Malayo pa lang nakita ko na syang kausap nya si Mika, alam kong sya si Ashley kasi nakita ko yung pic nya sa phone ni Mika at sya lang naman ang laging bukang bibig ng pinsan ko. Umalis sya sa tabi ni Mika dahil may tumawag sa kanya. Patungo na sya sa kinatatayuan ko. Alam kong nagtama yung paningin namin kasi bigla syang napatingin bigla sa kinatatayuan ko yung tipong hindi sya mapakaniwala sa nakita nya. bigla akong nagtago ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at nagtatago ako sakanya. Nahihiya ba ako? Bakit ba ako nagtatago? Buti na lang at madaming tao sa may covered court at nakalayo ako ng dumaan sya sa mismong kinatatayuan ko kanina. Palingun lingun pa sya ng dumaan dun.


*Kring... Kring... (Tumunog ang phone ko.)


Sinagot ko ito agad at agad naman nagsalita ang pinsan kong si Mika.


"Hey Matthew Where are you? Asan kana ba? Ang haba na ng pila dito?"


"Andito na sa covered court!" 


Lalapitan ko na sana si Mika ng makita ko ulit si Ashley na pabalik na sa kinatatayuan ni Mika kaya nagtago ako sa likod ng poste.


Ano bang nangyayari sa akin bakit ba ako nagtatago?


My Bitter HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon