Chapter I

10 0 0
                                    

Thrall

I squinted my eyes as I woke up. I can't even move my body, it's aching. Pansin kong malubak ang daan at bahagya akong dumadaing kada tatama ang katawan ko sa kahoy na dingding ng karwahe na ito.

Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito?

I sighed, accepting what will happen because this is how my life is. I've never had a home to start with.

I was just passed over to almost all of my relatives. Kapag sawa na at hindi kailangan, itatapon ulit sa iba. I became used to it, it's fine with me as long as I have somewhere to stay.

At first, I tried to live by my own. Naghanap ako ng trabaho kahit nasa walong taong gulang pa lang ako. I did some small errands anyone would give or order me. Mula sa bayan ng Gemoa kung saan ako unang naging ulila, doon ko naranasan lahat ng mga unang paghihirap ko kahit isang musmos palang.

I had no choice, even if I have to steal to live, I did. I was desperate.

Until I turned 14 and learned about my relatives. Sa kabilang bayan ng Arios ay dinala ko lahat ng inipon kong kapal ng mukha. I knelt and begged for my life sa harap ng mga kamag-anak kong halos hindi rin ako kilala. Pinagsilbihan ko sila kahit hindi pamilya ang turing sa akin. Doon na rin nagsimula ang pagpapalipat-lipat ko ng tirahan, hanggang sa wala ng handa pang tumanggap sa akin.

Then I came back to where I started. I am currently 17 years old, but I still feel like a lost and hopeless little eight years old girl.

At that point, I realized something.

What am I even trying so hard to live for?

For what purpose do I still need to be alive? I already have nowhere to stay and no one to go. Why am I still allowing myself to live? Why can't I just die?

Matapos ng mahabang paglalakbay ko ng walang patutunguhan, napagdesisyonan kong tumigil na lang. All the hopes that remained in me vanished with just a single and sudden realization? Who am I to hope in the first place? Sino ako para mangarap pa ng imposilbe?

With that, I ended moving on my own and just accepted what will happen to me.

Mataas pa ang sikat ng araw nang huminto ako at napadpad dito sa hindi pamilyar na bayan. Maraming tao at sa tingin ko ay ito ang pamilihian nila. Nagsumiksik ako at naghanap ng kahit anong espasyo o eskinita bilang pansamantalang tutuluyan ko. Kung doon na rin naman ako mamamatay ay ayos lang.

Nang makadaan ako ng tuluyan ay may bigla namang humila ng kamay ko dahilan ng pagtigil ko at muntik na rin akong matumba dahil nanghihina na rin ang katawan sa ilang araw na wala pang kain.

"Aren't you a beauty?!" napatingin ako sa gawi ng taong humila sa akin.

Matangkad siya at kakaiba ang kasuotan niya. Kung susumahin ko ay, tingin ko'y isa siyang binabae at nagtatrabaho sa isang bahay-aliwan.

"Mawalang galang na po, pero kailangan ko ng umalis-"

"Ngayon lang kita nakita rito, ija. Saang bayan ka nagmula? Naku! Hindi ako papayag na sayangin ang isang tulad mo," aniya at saka ulit ako kinaladkad palayo.

Pinipilit kong labanan ang higpit ng hawak niya pero wala talagang sapat na lakas ang katawan ko kaya't hinayaan ko na lang siya.

Tama nga ang hula ko at sa isang bahay-aliwan niya nga ako dinala. Wala pang masyadong tao at halos mga mestiza at magagandang babae sa kakaiba nilang kasuotan ang nakikita ko.

Pinapasok niya ako sa isang silid na halos puro salamin. He signaled me to sit down so I did.

"Nga pala, tawagin mo na lang akong Esrina. Bago ka rito sa bayan ng Serioca, tama?" tanong niya saka tinawag ang isa sa mga babae at inutusang dalhan kami ng tsaa.

Sanguis AmorisWhere stories live. Discover now