Chapter 4

15 1 0
                                    

"Bilisan mo ate Amaya."

Sinamaan ko ng tingin si Jarren na kanina pa panay ang sinyas sa akin.

"Pwede ba maghintay ka. Masakit na ang paa ko sayo. Bakit ba ang bilis mo lumakad."

"Hindi ako mabilis lumakad ate. Sadyang maigsi lang ang biyas mo."

Abat!

"Maganda ang legs ko no!"

Napalatak siya sabay halukipkip at tumigil sa paglakad.

"Ate magkaiba ang maganda sa maigsi."

Tsk!

"Bakit ba kasi ang layo ng palengke dito?"

"Malapit lang to ate sadyang di ka lang nasanay maglakad ng malayo."

"Kita mo di malayo nga."

Whatever!"

Tsk!

"Bakit ba kasi may bisita pang nalalaman ang Alpha nyo."

"Correction ate, NATIN. Alpha natin si Alpha Jack. Nakahalubilo ka lang sa mga normal na tao nakalimot ka na."

"Di ako nakalimot."

Kung pwede nga lang lumimot eh.

"Tsk, kaya pala ayaw mong mag anyong Lycan kanina."

Tsk!

Kung alam mo lang.

"It would have been easier for us na makarating sa bayan."

Inirapan ko siya.

"Kung pwede nga lang eh."

"Siyangapala ate don sa nga kasama ni Alpha wala pa din don ang mate mo?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"You know what?" dinuro ko siya. "Wala ka talagang magawa sa buhay mo no. Bakit ba atat na atat kang magka mate ako?"

"Naaawa lang ako sayo ate."

Naningkit ang mata ko.

"And why would you feel sorry for me? Ako nga hindi namomroblema tapos ikaw tong napaka kulit."

"Kasi ate di ba twenty six ka na. Tapos wala ka man lang nararamdamang kilig sa katawan mo. Buti pa nga yang rayuma damang dama mo."

Abat!

"You!" Pinandilatan ko siya. "Wala ka talagang ambag sa buhay ko kundi panggulo eh no. Sinong may sabi sayong may rayuma ako?"

"You said your feet hurt, and you've been complaining for a while now."

"Ewan ko sayo."

"Wag mo ng problemahin ang mate ko. Even if I see him today, nothing will happen anyway. So why do I bother myself na hanapin pa siya. "

He walked with me and put his arm around me

"Alam mo ate importante ang mate no. Lalo na sa ating mga lycan. They are our destined soulmate. Ang inilaan ni Moon Goddess para makasama natin habang buhay."

"Wag mo akong pangaralan sa ganyan, I've known it for a long time."

"Mukha kasing di ka naniniwala eh."

Napabuntong hininga ako.

Are mates really destined para maging kaagapay  sa buhay? 

Soulmate?

My ass!

Kung talagang totoo na yong mate ay inilaan para sayo, nakalaan din ba sila para masaktan ang kapareha nila?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Lycan's HeartWhere stories live. Discover now