Kung pwede lang talagang mamilipit ng leeg sa araw na to.
Pailalim kong tiningnan ang dalawang surot sa harap ko na palinga linga at tila may hinahanap.
Tsk.
Tiniyak talaga ni Lola Greta na kasama ko ang kambal sa El Dieko kaya wala akong nagawa kundi ang sumama.
Bago pa lang sumisikat ang araw ay narito na kami sa gilid ng kalsada at inaabangan ang parada ng mga Alpha.
Kung sino ba naman ang naka embento ng pag parada ng mga ito?
Okay na yong pista, pero bakit kailangan pang me parada.
At hindi pa man tuluyang sumasakit ang balat ko sa sikat ng araw ay nag-iinit na agad ang bunbunan ko at tuktok sa pang aasar ng kambal.
"Ano ate nakita mo na ba?
"Mararamdaman mo naman ate kapag nandiyan na di ba?"
"Magpalinga-linga ka ate para madali mo makita."
Napa angat ang kilay ko.
Makita?
Hinarap ko ang kambal.
"At sino naman ang dapat kong makita dito, aber. Baka nakakalimutan nyo na narito ako sa kagustuhan ni Lola hindi para maghanap ng kung sinong poncio pilato."
Mga abno!
"Mate mo ate."
Natigilan ako.
"Wala yata dito."
"Naku ate mukhang tama ako. Nasa Russia nga ang mate mo at wala sa parade na ito."
Naiinis na hinarap ko si Jayden ng pagtinginan kami ng mga taong nakapaligid sa min dahil sa tinuran niya.
"Manahimik ka nga diyan," asik ko.
"Unang-una hindi ako narito sa parade na to para maghanap ng mate. May boyfriend na ako. Pinagbigyan ko lang si Lola kaya ako narito. Kaya manahimik ka diyan. Bakit di ikaw ang maghanap ng mate at ng di ako ang binubwisit mo."
"Fifteen pa lang ako ate. For sure next year ko pa makikita ang mate ko. Pero ikaw ate matan...."
Agad kong hinatak sa tainga si Jayden dahilan para hindi niya matapos ang ano mang sasabihin niya.
"Manahimik ka. Eh ano kung makita ko ang mate ko dito. May nagmamay ari na sa akin kaya kalimutan mo na yang nginangata mong mate, baliw."
"May boyfriend ka na talaga ate?" Di makapaniwalang tanong ni Jarren.
"Bakit mukha bang wala?" Napaismid ako.
"Maganda ako no, sexy at matalino. Syempre madaming magkakagusto sakin." Inirapan ko sila sabay flip ng hair ko.
Inakbayan ako ni Jayden. "Bakit sabi sa akin ni Lola boyfriend mo lang daw sa panaginip yong sinasabi mo. Natutulog ka pa ba?"
Malakas na tawa ang pinakawalan ni Jarren sabay appear sa kakambal.
"Tigilan mo yang katabilan mo sasamain ka talaga," natigil ang anumang sasabihin ko ng magkagulo ang mga taong nakikihalubilo sa parade.
Napatingin ako sa bandang unahan at siniko si Jayden.
"Andiyan na ang parada ng kalahi mo." Nakasimangot na sabi ko sabay halukipkip.
Humarap ako sa bandang kaldsada at inabangan ang pagdaan ng mga sasakyang lulan ang mga Alpha ng Sedan.
YOU ARE READING
A Lycan's Heart
Hombres LoboEvery breath is a second chance, but what if granting one more chance risks your life? Can one muster the resilience to bestow forgiveness upon the individual who, among all, has caused the deepest wounds, even if the toll exacted is the essence of...