Chapter 3

12 1 0
                                    

Malakas na yugyog sa balikat ang gumising sa natutulog kong diwa.

Tinatamad na bumangon ako ng mabungaran ko si Mildred. "Bakit?" Humihikab at papungas pungas pang tanong ko. 

"Anong ginagawa mo, kanina ka pa hinahanap ni Lola. Nariyan na ang bisita nyo."

"Ha?" Nanlaki ang matang agad akong napabalikwas. "Anong oras na ba?"

"Alasiete na ng gabi."

Nanlaki ang mata ko. "Dalawang oras akong nakatulog?"

Alanganing tumango siya.

"Patay ako kay Lola."

Muli siyang tumango. "Patay ka nga, Pero nagtungo siya saglit sa silid niya me kuku..."

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Agad kong hinagilap ang tuwalya at nagmamadaling tumakbo sa banyo. 

Tiyak na katakot takot na sermon ang aabutin ko kay Lola pag di ako nagmadali. 

Naghilamos lang ako at naghugas dahil tiyak na lalong madadali ang buhay ko kapag nagpang abot kami ni Lola.

Ng matapos at nakapag suot ng simpleng bistida ay agad kong hinila si Mildred.

Halos takbuhin ko na ang labas para di ako mapagalitan ni Lola.

Abot- abot ang kaba ko sa isiping masesermunan na naman ako.

Agad naming tinungo ang hardin kung saan nakahain ang pagkain para sa bisita. 

Natampal ko ang noo ko ng marealize ko na talagang gabi na at madaming tao sa labas. 

Teka!

Akala ko ba ang Alpha ng Moon Valley lamang ang narito?

Bakit parang isang batalyon ang inimbeta ni Lola. 

Wala akong mamukhaan sa ibang naroon maliban sa  grupo ng aking mga pinsan sa isang lamesa na tila nagkakatuwaan habang kumakain. 

Nanlaki ang mata ko ng mula kung saan ay lumabas si Lola kasama ang tatlong lalaki na di ko mamukhaan.

Hinigit ko si Mildred paupo at senenyasan na sumunod sa akin.

Pagapang na tinahak namin ang sa lamesa ng aking mga pinsan habang panay ang senyas ni Mildred. 

"Bakit kailangan nating gumapang?" bulong ni Mildred na di magkaintindihan sa pagsunod sa akin. 

"Shh shhh, manahimik ka diyan. Kailangang di ako makita ni Lola. Kapag nalaman non na ngayon lang ako pumunta katakot takot na kurit ang aabutin ko, kaya manahimik ka diyan at sumunod na lang."

Tila napapantastikuhang sumunod sa akin si Mildred. 

Di niya kasi kilala si Lola eh. Kalahi ata yon ng mga myembro ng Hukbalahap. 

Ilang beses akong nauntog sa lamesa kagagapang at kakahanap kong san banda ang lamesa ng pinsan ko at nasisigurado kong me bukol ako sa noo bukas. 

"Anong meron ate Amaya?"

Napatigil ako sa paggapang at nagtaas ng tingin. 

Pucha!

Sino pa ba?

Seninyasan ko si Jarren na manahimik at akmang muling gagapang ng may mga sapatos na tumigil sa harapan ko. 

"What are you doing?"

Nagulat ako at biglang napatayo sa gulat. Pero agad din akong napa atras ng bigla akong tumama sa kung saang matigas na bagay dahilan para mawalan ako ng balanse. 

A Lycan's HeartWhere stories live. Discover now