Chapter 27 : Friends forever

7 1 0
                                        

Lorraine's Pov:

"Wag kang mag palipas ng oras para lang sa pag kain...kaya kain na." Pilit ni gino sakin, nakagitna ako ngayon kina gino at dreo na nag papatayan ang dalawa ng tingin na parang mag susuntukan na.

"Guys! May banda daw! Sino gusto sumali?" Announce ni thrisia.

Tumaas ng kamay sina kuya at ang kasama niya pero parang ako lang ang di tumaas ng kamay ehh di naman ako interesado mag join ng banda.

"Lorraine? Sasama ka ba?" Tanung ni thrisia sakin.

"Kahit di na." Umiling ako at pinatuloy ang panguya ng pagkain.

"Dali na lorraine." Pilit ni hazethe at leiah sakin kaya wala akong magawa, kundi pumayag na ako na sasali sa banda.

"Ano naman kakantahin natin?" Tanung ko.

"Isang english, isang tagalog." Sabi ni hazethe.

"Tayong mga babae lang ba?" Tanung ko naman.

"Girls to girls then boys to boys pero may mag so-solo kung gusto." Sabi ulit ni thrisia.

After that, nag rehearse na kami ng kaniya kaniyang mga role sa banda. Bukas daw ang simula kaya nag practice kami ng practice hanggang sa memorize namin ang pinag practice namin.

"Guys! Pasok na kayo nandito na si sir." Pumasok na kami at sakto ang pasok namin dahil time na, nag dasal muna kami bago mag simula ang session kay sir.

Habang nakikinig ako ay nahuli kong tumitingin si gino sakin, at ganun din si dreo. Dukdukin ko kaya ang mata nitong dalawa, gamitin na lang nila ang tenga nila pang kita.

Nang matapos ang session ay agad ako hinablot ni thrisia at hazethe kasama si leiah, sabay-sabay kaming pumunta ng canteen para bumili ng snack, 15 minutes pa naman ang recess break namin kaya nag tambay muna kami sa library ng ilang oras at minuto.

"Si brei pala ang mag ba-banda bukas?" Tanung bigla ni thrisia.

"Ahh oo daw," Nakangisi naman si leiah kay hazethe at inaasar naman ito.

"Leiah...tigilan mo ko." Awat ni hazethe kay leiah.

"Paano mo nalaman na mag ba-banda siya bukas? Sino aber kasama niya." Nataranta naman si hazethe kay leiah.

"Narinig ko ang usapan nila ni hunter nung nasa harap sila ng campus."

"Stalker ka pala ah." Pang-aasar din ni thrisia.

"Awat na nga kayo!" Awat ni hazethe sa dalawa ako naman to na tahimik lang na nagbabasa, maya maya tumunog na ang ring bell kaya bumalik na kami sa room para sa susunod na session.

Di ako nag salita kahit kasama ko sila dahil alam ko aasarin naman nila si hazethe dahil kay kuya brei.

"Lorie..." Tawag ni leiah sakin.

"Bakit?"

"Nunuod ka ba ng banda ng kuya mo?"

"Oo naman bakit naman hindi."

"Wala, curious lang ako kung sasama ka o hindi, mag sabi ka na lang kung hindi maganda pakiramdam mo." Tumango ako at binalik ang atensyon sa klase.

"Lorraine..." Tawag naman ni thrisia.

"Ano?"

"Manunuod ka ba ng banda ng pinsan mo?" Bakit ko pa yan sasagutin eh parehas lang ang tanung nila ni leiah.

Unknown Mystery Guy : The Prequel ✓Where stories live. Discover now