natapos na ang tatlong subject at ang boring kaya naki shismis ako ng 3 hours diba ang galing pumasok lang para maki shismis
naglalakad ako ngayun pauwi samin,para nga akong tanga ngayun dahil tulala lang ako habang naglalakad
ano nanaman ba ang mangyayari sakin bukas,tayka lang bat kuba iniisip yun napaka advance ko talaga mag isip
binuksan ko ang aming maliit na gate na hanggang Beywang lang sakin,matangkad na kasi ako kaya mainggit kana hahahaha charott lang
pinihit ko ang door nob namin at pomasok na,bumongad agad sakin ang ina ko na nakatayo habang sinasayaw ang kapatid ko na nasa mga bisig niya natutulog
tumingin siya sakin at ngumiti,tiningnan kolang siya at pumasok na sa kwarto,nakakawlang gana haysss nilagay ko ang bag ko sa kawayan kong higaan na may manipis na foam
sumampa ako don at nag mo muni muni hanggang sa nakatulog ako and everything went black...
𝙈𝙤𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜
nagising ako dahil umaga na eh i mean tanghali na,napaganda ata ang tulog ko,kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at kinuha ito at bunoksan
10am na pala,tamad akong tumayo at tinignan ang sarili sa may kalakihang salamin,nakalimutan ko pala mag bihis kagabi dahil siguro sa pagus ko kaka aral ng mabuti hahahaha kapal talaga ng face is ko
umupo ako sa higaan ko at tumulala lang,nang ma satisfy ay tumayo na ako at kinuha ang aking tuwalya at lumabas na para maligo
nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako sa banyo at pumasok na sa kwarto ko para mag bihis
nakasout ako ng black oversize t shirt at maong na short,tapos lumabas na ako at naglakad papunta sa kusina para kumain
actually kanina pa tumutunog ang tiyan ko habang naliligo ako ikaw badaw hindi kumain ng hapunan tapos late kana nagising
umupo ako sa upoan na gawa sa plastic at may nakita akong bowl na tinakpan ng plato,ito sigurado ako na ulam to,tinanggal ko ang naka takip na plato at bwalaa! tama nga ako ulam nga,so gulay ang ilam ko ngayun kong tatanongin nyu kong anong klasing gulay it's talong na nilagyan ng itlog ok masarap naman siya favorite konga to eh
tumayo ako at naglakad papuntang lababo habang dala ang plato na takip ng ulam kanina,nag sandok na ako ng maraming kanin at bumalik na sa inupupoan ko kanina at nagsimula ng kumain,muntik panga ako'ng mabilaukan dahil sunod-sunod ang subo ko,sorri nagugutom lang talaga ako
napatigil ako sa pagaubo ko ng may narinig akong kaluskus sa labas ng bahay namin,gagi baka may magnanakaw nasan ba sila mama ay wait diba sabadu ngayun anong oras naba?
nilingon ko ang likod ko at inangat sa ibabaw ng tv namin kung saan nanduon ang aming maliit na wall clock 12:16 na pala
ok totoo talaga ang sabi sabi nang mama ko na matagal daw ako matapos sa pagligo,pasinsya naman kong ganon kumakanta pa kasi ang lola nyo habang naliligo
ok alam kuna sila mama nayan,siguro pumonta sila sa palengke pero bat ang tagal naman ata
bumukas ang pinto at iniluwa non si mama habang hawak nang kaliwa niya'ng kamay ang bunso kong kapatid at ang kapatid at may bit— bit din siyang plastik na may lamang gulay ,
tumingin siya sakin at ngumiti,tumingin lang ako sakanya at binalik na ang tingin sa plato ko na ubos na ang kanin kaya tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan ko at hugasan ito
"𝙖𝙣𝙖𝙠 𝙥𝙖𝙨𝙞𝙣𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙜𝙞𝙣𝙞𝙨𝙞𝙣𝙜,𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙠𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙪𝙙 𝙠𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙜𝙞𝙣𝙞𝙨𝙞𝙣𝙜" malambing na saad niya pero hindi ko pinansin ang paliwanag niya,
YOU ARE READING
Mr.Fernandez Obsession
De TodoHi my name is Gassy Yxion and I'm 16 y/o grade 11 ang person,maganda,morena,mahiyain,tahimik sa iba pero sa mga kaibigan hindi,curly hair,at may Coca-Cola body (shsss sana all hahahaha)at meron akong pamilya(lahat nmn siguro may pamily...