PROLOGUE

11 2 0
                                    

“Ano 'to?” hindi makapaniwalang tanong ni Symille habang pinag-mamasdan ang arm chair niyang punong-puno ng breakfast foods at bulaklak, dapat sanay na siya dahil tuwing umaga naman at pag-pasok niya pa lang sa pinto ng room nila ay kitang-kita na niya ang mga 'yon.

“Para sa'yo raw 'yan dahil alam niyang hindi ka pa kumakain ng agahan.” sambit ng kaibigan niyang si Dwanna, katabi lang niya ng upuan “Iba talaga kapag maganda na, matalino pa” dagdag pa nito na animo'y kinikilig.

Napailing na lang si Symille sa sinambit ng kaibigan at kinuha ang tumpol-tumpol na bulaklak upang maka-upo siya, pinagmasdan niya ang mga pagkaing nakalagay sa lamesa ng upuan niya at nag-dadalawang isip pa kung kakainin niya ba ang mga ito o hindi.


“Oh.” binalingan niya ng tingin si Dwanna na abalang nagbabasa ng libro, nag-a-advance reading ito sa subjects nila, si'ya naman ay kagabi pa tapos mag advance reading. 'Don ata sila nag-kasundo dahil parehas silang focus sa pag-aaral, nung una nahirapan pa siyang kunin ang atensiyon si Dwanna dahil mailap ito sa mga tao. Minsan lang din ito mag-salita, isang himala na lang kung ito ang unang nag-bukas ng topic nila sa ibang bagay o ibang tao dahil nakapa-loob sa bukabolaryon ng kaibigan ang “𝘖𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘣𝘶𝘴𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘪𝘴 𝘯𝘰𝘵 𝘮𝘺 𝘣𝘶𝘴𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴”. Maganda naman ito at matalino rin, mas madami pa nga itong manliligaw kaysa saakin. Talented din naman silang dalawa pero ang kaibigan niya lang ang ayaw ipakita sa lahat ang talento nito, mas gusto niya raw mag focus na lang sa pag-aaral kaysa ipakita ang talento nito sa lahat.


“Ano 'yan?” taas kilay na tanong ni Dwanna kay Symille.


“Sa tingin mo ba mauubos ko lahat ito?” balik niyang tanong sa kaibigan.


“Busog ako Mille, sa'yo 'yan kaya ubusin mo. Kung hindi mo mauubos ibigay mo don sa matatakaw nating kaklase na akala mo may dragon sa loob ng tiyan sa katakawan.”


Napasimangot si Symille, wala talaga siyang gana kumain kaya mukhang mauuwi lang 'yon sa mga kaklase niya.


Hindi niya kilala kung sino ang laging nabibigay at naglalagay 'non sa arm chair niya dahil mas maaga pa ata sa tilaok ng manok kung pumunta kung sino man ang taong 'yon dahil kahit mga kaklase niya ay hindi kilala kung sino ang naglalagay ng mga 'yon, puro letter lang ang iniiwan bilang palatandaan, dahil kahit code name wala itong iniiwan. Sana naman ay hindi nito dalasan ang pag-lagay kung sino man ang misteryosong taong 'yon at baka masanay siya, simula nang tumuntong siya sa Senior High School lagi na lang mayroon ganon tuwing papasok siya, hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinasabi non na “𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘳𝘢𝘸 𝘴𝘪𝘺𝘢” sa iniiwan nitong letter. Pero kung sino man ang misteryosong lalaking nasa likod ng mga ito ay dapat niyang malaman, napupuno lang ng kuryosidad ang utak niya sa pag-iisip kung sino ba talaga ang taong 'yon.


“Iniisip mo na naman ang taong nag-bibigay sa'yo niyan, ano?” napa-intag si Symille ng biglang mag-salita ang kaibigan sa tenga niya, na nasa gilid lang niya.

“Ano ba Dwanna?! Mapapatay mo ata ako sa gulat!” gulat na sambit ni Symille habang masamang tinitignan ang kaibigang si Dwanna.

Napa-taas ang kilay ni Dwanna. “Kasalanan ko pa ngayon na ang lalim ng iniisip mo?” mataray na sagot nito sa kaibigan, napa-ismid si Symille sa tinuran ng kaibigan sakaniya, minsan na nga lang itong mag-salita hindi talaga mawawala ang pagtataray nito.

Nilapag ni Dwanna ang lumipad nitong answer sheets kanina na hindi niya namamalayan dahil sa pag-iisip, bahagya pa itong sinamaan ng tingin ng kaibigan bago ito tumalikod sakaniya upang kalikutin ang cellphone nito, malamang ay manonood 'yon sa kdrama na kinaadikan niya tuwing may free time siya, siguro ay tapos na basahin ang librong kanina nitong binabasa.



“OKAY class, settle down.” napa-upo ng maayos si Symille at Dwanna pati na rin ang kaninang nag-iingay na kaklase ng pumasok si Mrs. Andora, ang kanilang class adviser. “We have a school visitor, at ako ang incharge para samahan sila sa faculty habang wala pa ang school principal. Wala akong ipapagawa sa'inyo maliban na lang sa tumahimik kayo, walang mag-iingay at labas nang labas, maliwanag ba?”

“Yes Ma’am!”

“Ms. Symille Pantrilunan, please, ikaw na ang bahala sa mga kaklase mo.”

Ngumiti si Symille at tumango, nginitian naman ito pabalik ni Mrs. Andora bago ito nag lakad papalabas ng pinto ng room at ang kaniyang mga kaklase ay nagsisimula ng mag-ingay. Napa-iling na lang si Symille sa inaasta ng mga kaklase, kakasabi lang sakanila ni Mrs. Andora ay h'wag mag ingay pero heto sila, dinaig ang palengke sa ingay nila.


Hinarap ni Symille si Dwanna na ngayon ay tutok na tutok sa panood ng k-drama, kinalabit niya ito kaya napalingon ito sakaniya at tinanggal ang earpods na nakabit sa dalawa niyang tenga.

“Hindi mo ba ako tutulungan?” tanong si Symille kay Dwanna, alam na niya ang magiging sagot ng kaibigan pero sinubukan niya pa rin at baka mag bago ang isip. Tulad ng inaasahan niya, tinaasan lang siya ng kaibigan ng dalawa nitong kilay.

“Kaya mo na 'yan, Ms. Pantrilunan, section Iris class President.” sambit nito sakaniya bago ulit itinuan ang pansin sa cellphone nito, kinuha niya 'iyon kaya masamang tumingin sakaniya ang kaibigan.

“Madami sila, Ms. Torille, section Iris class Vice President.” pang-gagaya niya sa kaibigan, inismiran lang siya nito at tumayo tsaka bumulonh-bulong.


“Vice President kuno, pinag-tripan lang naman mga class officers.” natawa si Symille sa binulong ng kaibigan kaya masama siya nitong tinignan, ibang klase talaga ang kaibigan.

Tumayo si Symille at gan'on din ang kaibigan niyang si Dwanna at hinarap ang buong kaklase nila na may kaniya-kaniyang mundo, nakatayo na sila pero parang wala lang sa kanila.

“Oh, ano? Paano mo mapapatahimik 'yang mga bunganga ng mga kaklase nating dinaig pa speaker sa lakas ng mga boses? Akala siguro nila ang sarap sa tenga pakinggan mga boses nilang boses kargador.” inis na sambit ni Dwanna kay Symille, natahimik naman ang buong klase dahil sa lakas ng boses ni Dwanna kaya ang lahat ng atensiyon ng kaklase ay nasa kanilang dalawa. Napapailing na lang si Dwanna habang tinitignan ang mga kaklaseng ngayon ay masama na ang tingin sa kaibigan.

“Oh, ano? Tinitingin-tingin niyo d'yan? Mag ingay lang kayo, level 1 pa lang ingay niyo, make it high level.” mataray na sambit ni Dwanna sa mga kaklase, inirapan lang ito ng mga kaklase at bumalik sa ginagawa ngunit hindi na kasing-ingay kanina. Bagamat mahiyain ang kaibigan, hindi matatangging matalas at matapang itong mag-salita.

“Baliw ka talaga, Dwanna. Kaya lagi tayong naba-backstab dahil sa ugali mo, eh.” natatawang sambit ni Symille sa kaibigan, inirapan lang siya ng kaibigan at bumalik sa pag-kaka-upo.

Napabaling ang tingin niya sa naka-upo sa likod, hindi niya alam pero parang kanina pa 'yon naka-tingin sakaniya at nung tumingin siya ay umiwas ito ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Kung assumera lang siya ay mag-a-assume siya na may lihim na pag-tingin ang lalakeng 'yon sakaniya.

Umupo na lang ulit si Symille sa pwesto at binasa ang iniwang letter sakaniya na naka ipit sa mga bulaklak. Napataas ang kilay niya sa nabasa at nilibot ang tingin sa mga kaklase, nag tama ang tingin nila ng kaklase niyang kanina niya pa nahuhuling nakatingin sakaniya, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘺𝘢?.. Hindi, imposibleng siya dahil alam kong may girlfriend na 'yon sa kabilang section.

“𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘔𝘰𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘚𝘺𝘮𝘪𝘭𝘭𝘦! 𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 '𝘵𝘰^_^.

                                   -𝘬𝘢𝘬𝘭𝘢𝘴𝘦 𝘮𝘰”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love In The Midst of Two MenWhere stories live. Discover now