20: Unwell

1.4K 86 31
                                    


Naging tahimik ang b'yahe namin ni Hunter. Ni hindi ko na rin magawang magsalita dahil tila ba nawalan ako ng ideyang magbahagi ng kung ano ang nasa isipan ko ngayon. Napakaraming gumugulo sa loob ng utak ko pero mas pinili ko na lang na tikom ang bibig dahil hindi ko rin naman alam kung paano sasabihin ang mga agam-agam ko mula sa sinabi kanina sa akin ni Hunter.

Gusto ko lang naman mag-trabaho para masustentuhan ang pag-aaral ko't para makapagbigay kay kuya Damian pero bakit parang mas pinaliit ni Lord ang mundo ko? Bakit ba kasi sumulpot pa si Hunter sa buhay ko ngayon tapos kung ano-ano pa itong mga sinasabi niya. Akala ko ba ayaw niya sa bakla? Kaya nga iniwan niya ako no'n, 'di ba? Kasi ayaw niyang makant'yawan ng mga kaibigan niya o mapag-tripan dahil sa akin. Ang gulo-gulo niya naman! Pagkatapos niya akong iwanan sa ere noon, hindi lang 'yon dahil dinurog niya pa 'yong puso ko't pag-asa na kagaya ko, meron din siyang pagtingin sa akin. Mag-isa kong pinulit ang pira-pirasong parte ng puso ko na iniwan niya't tinapak-tapakan tapos ano ngayon? Babalik siya para manggulo?

Naramdaman kong bahagyang nawala sa balanse sa pagmamaneho si Hunter kaya naman napahawak ako sa likurang bahagi ng motor niya. Hindi pa nakakatuwa ang pagsabay ng hilo ko dahil sa ininom na alak.

"Yumakap ka nga sa akin! Baka mahulog ka diyan!" Ramdam ko ang otoridad sa boses niya pero hindi ko sinunod ang sinabi niya. Ano siya? Sinuswerte? Nagte-take advantage na naman siya sa sitwasiyon! Sinasamantala niya na naman ang kahinaan ko tapos ano? Papasok na naman siya sa buhay ko para manggulo?

Teka nga? Pinapahawak kalang niya sa kaniya tapos napunta na agad sa ganiyang usapin? Assumero lang?

"Okay lang ako," sabi ko na lang sa kaniya at mas hinigpitan ang paghahawak sa bakal na pinagkakapitan ko sa likod.

Naramdaman kong bumuntong-hininga siya at pagkaraa'y nagsalita. "Sorry kung nabigla kita."

Hindi ako sumagot dahil kapag may sinabi ako, baka kung saan lang mapunta ang usap naming ito.

"Nakakahiya man ito pero nandito naman na ako sa sitwasiyong 'to, bawal nang mag-back out dahil nasabi ko na sa 'yo. Well, in indirect way pero alam kong naiintidihan mo naman ang pagtatapat ko sa 'yo, Fer," mahaba niyang paliwanag sa akin.

Pinigilan ko ang sarili na magsalita. Ayaw kong tumugon sa kung ano man ang gusto niyang sabihin pa sa akin. Ayaw ko magpakawala ng kahit na anong komento dahil baka mas mauna na naman ang emosiyon ko kesa sa kung ano ang dapat na mas iproseso ng isip.

"Sa loob ng mahigit isang taon, lagi kitang iniisip. Gumawa pa ako ng dummy account para lang araw-araw kong ma-like ang mga post mo." Tumawa pa siya na parang nahihiya. Kung nakaharap siguro siya sa akin ay baka namumula na ang mukha niya. Iniisip ko pa lang ang itsura niya ngayon na kasing pula nh kamatis ay hindi ko na mapigilan pa ang sarili na mapangiti. Mukhang napaka-cute niya lang kasi.

"Ikaw pala iyong Henry Natividad na laging nauunang mag-like ng mga ka-ek ekan post ko sa facebook?" tanong ko sa kaniya nang maalala ang pangalan na laging nauuna sa notification bell ko.

Kaya pala.

Napansin kong tumango-tango siya.

Nakakatuwa lang na kahit malamig ang simoy ng hangin ay hindi ko maramdaman ang lamig nito sa balat ko. Miski ang ingay nito sa bilis ng byahe namin ay hindi naging hadlang para hindi ko maintindihan anh mga sinasabi sa akin ni Hunter. Parang wala lang. Parang nasa normal na lugar lang kami na nag-uusap. Walang kahit na anong balikid para hindi magka-intindihan.

"Pwede ba akong magtanong?"

Kumunot ang noo ko, "Nagtatanong ka na."

"Aba? Sungit, ah?" sabi niya sabay tawa. Sira na yata ang tuktok ng isang 'to?

SEKYU 1 (BL) Sekyu TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon