Pananambitan means lamenting or expressing sorrow.
.
.
.
.
.
~*~KEIFER
"Kami na po ang bahala sa kaniya," sabi sa amin noong pulis na kausap kanina ni Damian. Tinutukoy niya iyong lalaki na binugbog ni Damian. Nandoon na iyon sa sasakyan nila at nakaposas. Halos hindi na makilala ang mukha nito dahil sa mga suntok na natamo mula kay Damian. Siguro kung nahuli pa siya ng kaunti kanina ay baka tuluyan na nitong nagawa ang masamang balak sa akin. Sa katunayan ay ramdam ko pa rin ang mga kamay nitong nakahawak sa bawat parte ng katawan ko. Hindi ko maialis ang takot sa aking isip dahil sa mga nangyari kanina. Natatakot ako na baka maulit muli kaya naman kahit ayaw ko ay patuloy pa ring sinisiksik ang sarili ko sa tabi ni Damian. Nandito kami ngayon sa likod ng kotse ni Winsor, nakaupo sa hood nito.
Nalapatan na rin ng unang palunas ang mga sugat na natamo ko. Nalinis na rin ang dugo na nanggaling sa pumutok kong labi dahil sa malakas na pagsuntok noong manyak na 'yon sa akun, pero kahit na ganoon ay malinaw pa rin sa akin lahat ng mga bagay na ginawa niya. Para akong makahiya na tumitiklop sa tuwing may nagtatangkang lumapit at kumausap sa akin.
Kausap ngayon ni Winsor ang mga pulis. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at wala na akong pakialam pa ro'n. Ang gusto ko na lang ay ang umuwi sa bahay at magpahinga. Masiyado nang mahaba ang gabing ito para sa akin. Nakakapagod na.
Bahagya kong inayos ang puting tuwalya na nakapaikot sa aking mga balikat. Dahil nasira na ang aking damit ay ito lang ang nabigay ng mga medics kanina upang panangga sa labis na lamig na hatid ng sariwang simoy ng hangin.
Para akong napaso nang maramdaman ko ang braso ni Damian na bumalot sa aking likuran upang yakapin ako.
"S-sorry, love." Hindi ko alam kung pang-ilang beses niya na 'yong sinabi sa akin.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakabalot sa akin at saka bahagyang umusod upang magkaroon ng espasiyo sa pagitan naming dalawa. Ni hindi ko magawang magsalita man lang. Miski ang labi ko ay napagod na sa dami nang nangyari ngayong araw.
Saglit akong tumingin kay Damian. Kitang-kita ko ang paghati sa kaniyang mukha. Ang gilid ng kaniyang mata ay mamasa-masa, tanda na nagpipigil ito sa pag-iyak. Anong kadramahan 'yan, Damian?
"Sorry kung pinabayaan kita," sambit niya pa sa akin pero kagaya ng kanina ay hindi ulit ako sumagot.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at doon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako ang may galos. Halos madurog ang mga daliri niya marahil sa lakas ng mga suntok na ibinigay niya ro'n sa lalaki kanina.
Sinubukan kong pigilan ang sarili ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Dahan-dahan ay lumapit ako sa kaniya, kinuha ang kamay nitong patuloy na nagdurugo at saka ko tinanggal ang puting tuwalya na nakabalot sa aking katawan. Marahan kong pinunasan ang sugat niya upang mahinto ito sa labis na pagdurugo.
Bakit hindi mo sinabi sa aking may sugat ka? Edi sana naipagamot natin kanina.
Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salitang 'yon ngunit nagmistulang pipi ang bibig ko.
Tuluyan ko nang nakita ang mga luhang rumagasa sa mga pisngi ni Damian. Ito ang pangalawang beses na nasaksihan ko siyang umiyak. Una noong ibinahagi niya sa akin ang kwento at kalagayan ng anak-anakan niyang si Dama at ngayon na alam niyang maaari akong bumitaw sa relasiyon naming dalawa.
Binawi niya ang mga kamay sa akin dahil balak niya akong yakapin ngunit pinigilan ko siya. Walang salita ang lumabas sa aking bibig, tanging ang tingin ko lang ang nagsilbing komunikasiyon naming dalawa. Kitang-kita ko ang paglatay ng lungkot sa kaniyang maamong mukha. Hindi ko inaasahang darating ang araw na titingnan ko siya hindi bilang Damian na minahal ko kundi bilang isang Damian na labis kong kinamumuhian. Niloko niya lang ako.
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL) Completed
General FictionCOMPLETED Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mg...