1: Hapil

5.9K 138 10
                                    

Hapil means to meet or to encounter

.

.

.

.

.

~*~

KEIFER

Nang matapos ang huling klase ko ngayong araw ay agad na akong nag-ayos ng sarili para sa pag-uwi. Ala sinco na kasi at malapit na ring magdilim kaya kailangan ko nang makauwi sa bahay bago ako abutan ng takip silim. Maglalakad lang din kasi ako para makatipid.

Sanay na akong mag-isa kahit na trenta kami sa buong klase kaya hindi na ako nagtataka pa kung bakit solo ko lang lagi ang paglalakad pauwi. Quality time alone. Masaya naman kaya ang maglakad mag-isa. Sanay na ako.

Unang taon ko pa lang naman ito sa kolehiyo at hindi ko pa masiyadong nakakausap ang mga kaklase ko kaya wala pa ako nahahanap na kaibigan. Ayos lang 'yan! Ang mahalaga ay walang bumu-bully sa akin dahil ganito ako. So far, wala pa naman akong napapansing homophobic sa mga kaklase ko.

Bago makauwi sa bahay ay madadaanan ko muna ang Beverly Heights. Subdibisiyon ito ng mga magagandang bahay. Karamihan ay mayayaman ang nakatira sa loob ng lugar na 'yon. Isang beses ay nakapasok kami ni nanay para magtinda ng kakanin. Pahirapan pa makiusap sa dating g'warda noon dahil alam nila na marami ang masusungit na residente sa loob. Isang beses lang 'yon at hindi na nasundan. Wala kasing bumili sa amin. Muntikan pa kaming mahulog ni nanay sa pusali noong binusinahan kami ng isang nagmamadaling kotse. Matagal na 'yon pero hindi ko talaga makalimutan ang pangyayari namin ni nanay na 'yon na tinatawanan na lang namin sa tuwing naaalala naming dalawa.

Itinaas ko ang kanang kamay at saka kumaway. Madalas ko itong ginagawa upang bumati kay mang Jerry. Isa siya sa matagal na sekyu ng subdibisiyon na naging kaibigan ko na rin dahil mabait siya sa amin simula't sapul na nakilala namin siya ni nanay. Kahit na matanda ito't malayo ang edad sa akin ay naging maganda ang nabuong kaibigan sa aming dalawa. Buti na nga lang talaga ay nag-resign na iyong isang masungit na sekyu noon.

Nakangiti pa ako nang malapad kaso naglaho ang ngiting iyon ng ibang sekyu ang makita ko sa loob ng guard house.

Wala si mang Jerry. Marahil ay panggabi siya? Hindi ko alam? Siguro ay makikita ko siya sa susunod na linggo pa dahil weekly ang shifting ng mga sekyu rito sa Beverly Heights.

Napabuntong-hininga ako sa pagkadismaya na hindi si mang Jerry ang nakita kong naka-duty ngayon. Nasanay na kasi akong binabati ang matandang 'yon tuwing napapadaan ako sa harapan ng Beverly Heights. Nakakalungkot lang na wala siya ngayon dito pero sino naman kaya iyong bagong sekyu? Ngayon ko pa lang siya nakita.

Ilang dipa ang layo ko mula sa mismong guard house nang unti-unting bumagal ang aking paghakbang.

"Shet! Ang gwapo naman nito!" Bulong ko sa sarili nang makita nang malapitan ang bagong guard ng subdibisiyon.

Hapit na hapit ang puting uniporme sa maskulado niyang katawan. Matangkad siya at kayumanggi ang kulay ng balat. Ang linis ng gupit niya at makakapal din ang kilay bagay na nakadagdag sa kanyang appeal. Ang mas nakapukaw ng pansin ko ay ang matangos niyang ilong na para bang may lahi. Teka nga! May lahing anghel ba ang isang 'to? Napaka-guwapo niya!

"Hello," bati niya sa akin saka ngumiti.

Kumabog nang malakas ang kaninang kalmado kong puso. Ang ganda ng hulma ng labi niya at nakakatunaw ang paraan niya nang pagngiti. Sobrang perpekto ng ngiti na 'yon para sa akin. Idagdag pa na ang puputi nang pantay-pantay niyang mga ngipin. Mukhang mas bagay siyang maging artista kaysa ang maging sekyu. Masiyado siyang g'wapo para maging isang security guard.

Hindi ko alam pero nag-panic ako sa presensiya niya. Agad kong tinakpan ang mukha ko sa hiya at doon ko lang naisip na hindi ko na nagawa pa siyang batiin pabalik dahil wala ako ibang pakay kundi ang mabilis na makalakad palayo sa kaniya.

Nakakapagtaka lahat ng mga nararamdam ko ngayon. Taranta ako na hindi ko naman madalas iakto sa mga taong nakakasalamuha ko sa unang pagkakataon. Hindi ko rin maipaliwanag ang mabilis na pagtakbo ng puso ko na pakiramdam ko'y sasabog kung magtatagal pa ako na kaharap siya. Halos maduwal ako sa pagsisirko-sirko ng mga paru-paru sa loob ng aking sikmura. Shet! Na-in love na yata ako sa sekyu na 'yon!

Bago pumasok sa kanto papunta sa baryo namin ay lumingon muna ako sa Beverly Heights subdivision, do'n sa mismong guard house, dahil nandoon ang pakay ko.

Hindi ko siya nakita marahil ay bumalik na ito sa loob ng guard house. Grabe lang ang epekto ng bagong sekyu na 'yon sa akin. Sa kanya ko lang naramdaman ang lahat nang nangyari kanina. Para akong tinamaan ng pana ni Kupido. Ito ba iyong tinatawag nilang love at first sight? Kasi sa totoo lang, hindi siya nakakatuwa, nakakagulat siya! Hindi ko alam kung saan ko ipagsisiksikan ang sarili ko dahil sa kakaibang feeling na hatid niya sa akin kanina.

"Shocks! In love yata ako?" tanong ko sa sarili habang nagpipigil ng saya. Kanina lang ay kinakabahan ako at madaling-madali na makapagtago mula sa sekyu na 'yon tapos ngayon naman ay nangungulila na ako sa presensiya niya. Parang gusto ko siyang balikan ro'n. Ganito ba talaga kapag in love?

"Ang swerte ko kasi kinausap ako ng g'wapong sekyu na 'yon!" Tuluyan na akong napatalon sa tuwa. Hindi ko na mapigilan pa ang sayang nararamdaman.

Ilang taon na kaya siya? Saka saan siya nakatira? Meron na kaya siyang asawa? Anak?

Ang dami kong tanong sa kaniya at masasagot lang 'yon sa pamamagitan ng isang paraan. Kailangan kong kausapin siya. Pero paano? Nakakahiya naman na pupunta na lang ako ro'n para makipagkilala sa kaniya. Anong gagawin ko?

"Anak? Mukhang masaya yata ang araw mo, ah?"

Nahinto ako sa pag-iisip. Ni hindi ko na namalayan na nakauwi na ako ng bahay namin. Grabe naman ang pagpapantasiya ko! Halos mawalan na ako ng kamalayan dahil sa sobrang pagkalunod sa mga tumatakbo sa isipan ko.

"Na-miss lang po kita," dahilan ko na lang at saka ibinaba ang back pack sa pahaba naming rattan na bangko. Nagtungo ako sa kusina para magmano kay nanay.

"Ang tingkad ng ngiti ng binata ko, ah pero ibili mo nga muna ako ng isang pack ng soy sauce kay aleng Cheba, 'nak. Hindi ko napansing ubos na pala ang toyo natin. Bilisan mo at nakasalang na ang manok sa kawali," sabi ni nanay at saka iniabot sa akin ang barya.

"Ang aga mo yatang nagluluto, nay?" takang tanong ko.

"May lalakarin ako mamaya kaya ipinagluto ko na kayo ng tatay mo. Hindi ko na kayo masasabayan sa pagkain. Siya sige na, bumili ka na muna ng pinabibili ko. Dalian mo."

Napatango-tango ako at saka lumabas ng bahay para sundin ang utos niya sa akin. Sa totoo lang ay mabigat ang loob ko sa mga sinabi niya. Wala si nanay mamaya sa hapunan. Parang ayaw ko na lang kumain kung si tatay lang ang makakasabay ko. Naiisip ko pa lang na kasama ko siya sa hapag-kainan nang kami lang dalawa ay natatakot na agad ako. Baka mura-murahin pa ako noon. Ang hirap lang na magkaroon ng homophobic na tatay.

Habang naglalakad patungo sa tindahan ni aleng Cheba ay nabuo ang mumunting ideya sa isip ko.

"Pagdalhan ko kaya ng ulam si Sekyu tapos sabay ko na lang din siyang kumain sa guard house? Pwede naman 'yon, 'di ba?" tanong ko sa sarili.

Napangiti ako. Mukhang maganda nga ang ideyang 'yon!

~*~

Your vote matters. Thank you

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon