CHAPTER 1

9 2 0
                                    

Sa isang bakanteng building  nandoon si jax kasama ang mga kaibigan niya. kakatapos lang ng klase nila ngayon at inatake na naman si jax ng kanyang sumpong. naghahanap na naman ng punching bag, kaya may karantadohan  na namang pumasok sa utak ni jax. 

May bago kasi silang kaklase at  nung unang kita palang niya ay nag init agad ang ulo niya at  hindi niya alam kung bakit .

"Bakit ang tagal ni axel?! gusto ko nang sumabog. nagigigil ako dun sa hayop na yun." Tumayo si jax sa kanyang inuupoan at nag palakad-lakad.

"Malapit na daw sila."  Sabi ni Drex habang hawak ang celphone niya.

"Good." Umupo na siya sa upuan niya.

Maya-maya lang dumating na si axel kasama ang bago nila kaklase na halatang natataranta.

Tumayo na si jax at lumapit sa bagong kaklase.

"Mag trasnfer kana bukas sa ibang school dahil---" Di natuloy ni jax ang sasabihin niya ng biglang siyang kwelyohan ng bagong kaklase niya.

Napangisi naman si jax sa naging galaw ng lalake.

"Sino kaba sa akala mo?!" Puno ng galit na sabi ng lalake.

"Tanggalin mo yang  maduming kamay mo sa damit ko." Malamig na sabi ni jax.

"Kung ayoko?! Ano ba kasing kailangan mo sa akin?! Wala naman akong ginagawa sayo?!" Humigpit ang hawak niya sa kwelyo ni jax.

Naiinis na si jax sa pananalita ng lalake kaya naman gumalaw na siya at isang malakas na suntok ang pinakawala niya at tumama sa tiyan ng lalaki dahilan kaya napabitaw ito sa kanya at napaluhod sa sahig.

"Yun na nga eh, wala ka palang ginagawa nag iinit na ang dugo ko sayo pano pag may ginawa kana?" Nakapamulsang tinitigan niya ang lalaki.

Tumayo ang lalaki at pinagpag ang damit niya at tiningan si jax.

Bigla namang natauhan ang lalaki sa kinikilos niya. May naalala siya bigla kaya naman kinontrol niya ang sarili niya.

"Ayoko ng gulo kaya tigilan mo na ako." Tinalikuran siya ng lalaki kaya naman di maipaliwanag ni jax ang nararamdaman niyang init kaya sinipa niya ito dahilan ng pag kahiga nito sa sahig.

Hinila niya ito at pinaharap sa kanya. Pumatong siya sa katawan nito at walang pasabing pinag susuntok niya ang lalake.

Ginagawa niya ito habang nakangisi na para bang demonyo. Nasisiyahan siya pag may nakikita siya dugo mula sa kalaban niya.

Tumigil siya at tumayo na. Habang ang lalaki ay gumagalaw pa at umuubo nangdugo.

"Tumayo ka dyan. Ipakita mo yang yabang mo sakin. Tayo!" Sabi ni Jax

Tumayo naman ang lalaki. Pinunasan ang mga dugo sa kanyang labi at ilong. May dugo ring tumatagas sa kanyang kilay.

"Kung may problima ka wag mo akong edamay dyan. Hindi ako lalaban sayo kaya Tigilan mo ako dahil ayoko ng gulo." Sabi nung lalaki habang pinupulot ang bag niya.

Nairita naman si jax sa sinabi nito kaya naman sinugod niya agad  ito at tinulak sa pader.

"Gusto ko ng gulo eh. Gustong gusto ko!"  At walang tigil na niyang pinagsusuntok ang lalaki.

Di naman pumapalag ang lalake hinayaan niya lang na gulpihin siya.
Kahit anong mangyari di siya lalaban
Dahil may pangako niya binitawan at kahit kailan ay di niya yung babaliin kahit ang buhay pa niya ang kapalit.







The bad boy's girl ( On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon