Nandito ako sa labas ng bahay ni maia. Ang babaeng pinakamamahal ko. Sabik na sabik na akong makita siyang muli at mayakap.
May narinig akong mga yabag ng paa kaya inayos ko ang sarili ko at ng bulaklak na hawak ko.
Bumukas na ang gate at dali-dali akong humakbang paharap sa gate.
"Maia.." Yun lang ang nabangit ko dahil sa pagkagulat pero agad rin naman napalitan ng galit.
"Sino yan maia?!" Akmang susugurin ko na ang lalaking kasama ni maia ng pumagitna siya sa amin.
"Ano bang ginagawa mo dito jax? Diba nag usap na tayo na wag mo na akong guguluhin? Isang taon na tayong wala. Nakamove on na ako. Sana ikaw din." Sabi ni Maia sabay hawak sa kamay ng lalaking kasama niya.
"Mahal pa kita maia! Please bumalik kana sakin!" Hahawakan ko sana ang balikat ni maia ng biglang tabigin ng lalaking kasama niya ang kamay ko.
"Palayain mo na si maia, hindi ka niya mahal ako na ang mahal niya." sabi nung lalaki.
Hinila niya ang lalaki at sinuntok sa mukha kaya napahiga sa sahig ang lalaki
"Wala kang karapatang mag salita dahil hindi ikaw ang kinakausap ko!" Sinuntok niya ulit ang lalaking sa mukha.
"Stop it jax! Ano ba! Umalis kana!" Hinihila ako palayo ni maia sa lalaki niya.
Tumayo ako at tiningnan siya sa mata.
--
THIRD PERSON'S POV:"Pumasok kana sa loob maia." Sinipa ni jax ang lalaki na nakahiga parin.
"Tumayo ka! Hindi pa tayo tapos!" Hinawakan niya ang buhok nito at hinila papunta sa gitna ng kalsada.
Binitawan niya ang buhok ng lalaki sabay sipa.
"Ano! Tayo!" Dahan-Dahan naman tumayo ang lalaki.
"Theo! Tumakbo kana!"
Sinugod ni jax ang lalaki ng suntok at walang ano-ano ay nag palitan na sila ng suntok. walang nag papatalo sa kanilang dalawa. Habang si maia naman ay walang tigil sa pag iyak hindi niya alam ang gagawin niya baka mapatay nila ang isa't-isa.
"Tama na.. Tama na.." Halos wala ng boses ang na lumalabas sa bibig ni maia.
May nakita siyang ilaw na papalapit sa dalawang nag papatayan sa gitna ng kalsada.
"May kotse..theo! jax!"
Walang paki ang dalawa sa sigaw ni maia ang importante sa kanila ay ang mapatay ang isa't-isa.
Pero sa isang iglap may tumulak sa kanila dalawa dahilan ng pagkatilapon nila, nabagok ng ulo ni jax sa poste kaya di siya makagalaw medyo malabo rin ang paningin niya pero kahit malabo ang paningin niya nakita niyang si maia ang tumulak sa kanila at sa isang iglap nasagasaan ito ng humaharorot na sasakyan.
"Maia!." Gusto niyang tumayo pero di siya makatayo.
Narinig niya na nagkakagulo na sa paligid niya. Narinig rin niya ang lalaki na sinisigaw ang pangalan ni Maia.
"Hindi! Maia!"
--
"Maia!" Napabalikwas ng bangon si jax. Naliligo sa sariling pawis. Panaginip na naman ilang araw narin niya napapanaginipan ni maia.
"Maia im sorry." Kusang tumulo ang mga luha nito.
BINABASA MO ANG
The bad boy's girl ( On going)
Teen FictionBasagulero laging naghahanap ng gulo. Nag lalasing .yan ang pinag kakaabalahan ni jax. Simula nung nangyari ang trahedyang yun sa buhay niya gumagawa siya ng paraan para lang makalimutan saglit ang masasakit na alaala.