CHAPTER 3

4 2 0
                                    

Natutulog si jax sa classroom nila. Hindi na rin siya nakatulog kagabi simula nung nagising siya sa panaginip niya.

"Pre gising! Uy! Pre." niyugyug ni axel ang natutulog na si jax.

"Ano ba!" Minulat ni jax ang mga mata niya at tiningnan ng masama si axel.

"Bakit ba?!" Tanong niya kay axel.

"Mukha kasing di mo napurohan yung isang yun." Sabay nguso ni axel at
Sinundan naman niya kung saan nakaturo ang nguso nito.

Naningkit naman ang mga mata ni jax ng makita niya na ang lalaking binugbog niya  kahapon ay pakalma-kalma lang na nag lalakad papasok sa classroom nila.

"Tigas ng mukha, Nakulangan ata kahapon." Sabi ni axel

"Wala ako sa mood ngayon mamaya ko nalang siya iisipin." Sinubsob ni jax ang mukha niya sa armrest niya ng upuan niya at pumikit.

"Himala ata. Sabi mo eh." Sabi nalang ni axel at lumabas muna sa classroom para mag hangin sa corridor.

"Yo! Nakita ko yung punching bag ni jax kanina. Akala ko ma o-ospital yun." Sabi ni kirby habang papalapit kay axel.

"Nakita na namin ni jax pumasok  na nga sa classroom." Sabi ni axel.

"Tapos? Anong nangyari?"  Puno ng kuryosidad na sabi ni kirby.

"Walang nangyari, wala sa mood si jax, parang puyat." Sabi naman ni axel.

"Ganon ba? Napapansin ko nga na madalas wala siya sa mood." Pag sang ayon  naman ni kirby sa sinabi ni axel.

--

Ilang oras din ang lumipas ang nag si uwian na kaya naman ginising na ni axel si jax sa pag kakatulog nito.

"Jax gising na may tatapusin pa tayo." Sabi ni axel gumising naman agad si jax at tumayo.

"Yun!" Sabay na silang lumabas sa classroom nila

Palapit na sila ng gate ng makita nila ang lalaking kaklase nila.

"hoy!" Kinuha ni kirby ang atensyon ng kaklaseng lalaki na agad naman tumingin.

Huminto ito sa paglalakad at agad naman lumapit sila jax sa kanya.

"Tigas mo rin. Sumama ka muna sa amin may punputahan tayo." Sabi ni jax na naunang mag lakad agad naman inakbayan ni axel at kirby ang lalaki.

"look! Ayoko ng gulo kaya pabayaan nyo na ako. Wala naman akong ginagawa sa inyo." Nag pupumiglas ang lalaki sa pag kakaabay ng dalawa.

"Kung di ka nalang sana pumasok at kung nagmadali ka na sanang umuwi sa inyo at di kita naabotan dito sa gate ngayon, malamang sa malamang pinabayaan na sana kita kaso ang hina mo, di ka makagets kaya ngayon sasama ka samin at mararanasan mo ulit ang naranasan mo kahapon." Sabi ni jax at nakita naman niya na naikuyom ng lalaki ang kamao niya kaya napangisi siya. Tinalikuran na niya ang lalaki at nagsimula na siyang mag lakad.

"So. That explain's why." May biglang sumulpot na babae sa harapan ni jax.

"girlfriend mo?"  Tanong ni jax sa lalaki.

"Let him go."  Cold na sabi niya kay jax.

" Just go rei i can handle this." Sabi naman ng lalaki

"Ang sweet nam--" Hindi na  natapos ni jax ang sasabihin niya ng bigla siyang napaluhod. Isang malakas na pwersa ang tumama sa kanyang dibdib at hita.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang lalaki na kumawala sa pagkakaakbay ng dalawa.

"Bwe*it!" Sabi ni jax.

"This is your first warning." Sabi ng babae.

"Let's go rei."  Hinila na ng lalaki ang babae at iniwan si jax na nakaluhod parin.

"Pre? Okay ka lang?" Nilapitan ni axel si jax.

"Lagot yung babae yun pag nakita ko siya ulit. Tingin niya di siya papatulan dahil babae siya?! Magkikita tayong muli!." Puno ng galit na sabi ni jax.

The bad boy's girl ( On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon